CHAPTER THREE

2.1K 58 3
                                    

OH, DEAR! AT LAST NAKAPAG-UPDATE RIN. I WAS SO REALLY BUSY LAST WEEK SO I HADN'T GOT A CHANCE TO POST THIS CHAPTER. SO, HELLO FELLAS! I HOPE WALANG NAGTAMPO CHOZ! THIS IS DEFINITELY IT. KAYA LANG HINDI KO NA MASYADONG NA-EDIT. KAYA NAMAN PASENSIYA NA SA MGA TYPOS... <ENJOY AND DON'T FORGET TO VOTE AND DO THE COMMENT, GUYS> LOVE LOTS! :-D

PARANG tigre na sinugod ni Celine si Rod at kinuwelyuhan na ikinagulat ng doktor.

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na huwag mong binibigla ang kapatid ko sa mga bagay na hindi pa siya handang harapin? Tingnan mo ang nangyari sa kanya ngayon?" nanlilisik ang mga matang akusa nito sa kanya.

Napalunok si Rod ngunit hindi dahil sa nakikitang galit sa mukha ni Celine. But the fact that he wasn't ready to face her again. Matagal narin kasi silang hindi nito nagkakausap dahil miminsan lang din itong magpakita sa kanya. At iyon ay kung hindi kinakailangan at wala iyong kinalaman sa kapatid nito. Isa pa, sa Australia ay busy ito bilang isang teller sa bankong pinagtatrabahuan nito ayon narin iyon kay Ruby. Pagdating pa ng magkapatid kanina galing sa airport ay hindi na niya nagawang sunduin ang mga ito. Kaya pinadiretso na niya ang dalawa sa ancestral house niya na kasalukuyang tutuluyan ng mga ito habang naroon sa Pilipinas. Tutal wala namang umuokopa ng bahay na iyon na pamana ng mga magulang niya sa kanya noong nabubuhay pa ang mga ito. May sarili naman kasi siyang condominium unit na siyang kasalukuyang tinitirhan niya kung saan malapit lang sa ospital na pagmamay-ari niya.

Kaninang dumating siya sa bahay para kumustahin ang dalawa, hindi na niya nagawa pang silipin si Celine sa kwartong inilaan niya para rito. Dumiretso agad siya sa kwarto ni Ruby and the rest was history.

And he was really surprised now to see Celine there. He thought she was already sleeping in her room. But she wasn't kaya nga narito ito ngayon. At siya ngayon ang sinisisi nito kung bakit nawalan ng malay ang kapatid nito. Marahil nga ay kasalanan niya kung bakit nag-collapse si Ruby. He knew that Ruby wasn't ready to face Michael. At alam niyang wala na nga itong balak na makipagkita pa sa binata. Hindi lang niya inaasahan na ganoon pala ang magiging reaksiyon nito sa lihim na balak niya.

He sighed. Hindi niya maaaring ipakita kay Celine na nag-aalala rin siya sa kapatid nito. So, he tried to portray his very cool look every time he was facing her.

"What now, Mister knows-everything-for-my-sister?" sarkastikong singhal sa kanya nito. "Speak up!"

"Take your hands off me, Celine and will you please calm down? Being upset won't do any good. Isa pa, your sister is just fine. She maybe collapsed but she was not dead already," he made a face at tinalikuran ito.

"How dare you say such things!" hinabol siya ng suntok sa likod ni Celine.

Rod winced when Michael finally went between them.

"Celine, stop it. What are you doing? It's not his fault," pinigilan nito ang dalawang braso ng dalaga.

"Bitiwan mo nga ako! Sino'ng... M-Michael?" gulat na react nito nang makilala ang dating matalik na kaibigan. "B-bakit narito ka?" naguguluhang tumingin ito sa kanila. "Magkakilala kayo?"

Naging mailap ang tingin ni Carl nang mapatingin siya sa direksiyon nito. Bahagyang lumayo ito sa kanila. Hinarap nito ang mga customer na tumigil sa pagkain at pinanood nalang sila. Humingi ito ng paumanhin sa mga naroon.

Mabilis siyang lumapit kay Celine. Kapag nagpatuloy ito, mas marami pa siyang ipapaliwanag. Kapag sinabi na nito kay Ruby na magkakilala sila ni Michael, siguradong magagalit ang dalaga sa kanya. And he can't bear that happen.

"Ano? Sagutin mo ako, Rod!" Celine was really furious. Ngunit hindi niya ito sinagot. "Sige, 'wag kang magsalita. Pero sisiguraduhin kong malalaman ito ni Ruby at hindi ka niya mapapatawad."

I love my Sister's Bestfriend: Back for Worth (Book 2)Where stories live. Discover now