23

787 29 0
                                    

PUMAPAYAG KA NA BA SUMALI SA QUIZ BEEE

Habang kumakain kami, ay nag uusap kami napagdesisyunan ko naman din na makipag usap nalang ako kasi nakakawala ng sakit sa puson

"Ano bang makukuha ko kung sumalu ako?" napanguso ako

AWARD?

inirapan niya ako

"aksaya lang yan ng oras." napailing iling ako, kung ako lang matalino ay sasali na ako, sayangin ko ba naman katalinuhan ko. Teka matalino ba talaga siya? hindi halata eh, palagibg kusot ang uniform, tapos hindi pa masuot ng maayos polo niya, ang bad boy talaga ng datingan akala mo walang mga magulang.

SUMALI KA NA :3

"kung kumain ka na kaya, wag panay sulat sa white board mo" napabuntong hininga ako at kumain na, ano ba masama kung sasali siya? manalo man o matalo support ko siya. atsaka nagtitiwala ako na hindi siya pinili ni Miss Aileen na walang rason.

"Kung sasali ba ako manonood ka?" napatingin ako sa kanya, ngumiti naman ako at napatango tango. Syempre naman, palagi kaya akong audience sa school namin tuwing mga ganyang mga paligsahan, nakakamangha lang kasi paano nila nasasagit ang mga katanungan

"san ko ba makikita yung Miss Aileen?" agad naman akong nagsulat sa whiteboard

SCIENCE BUILDING RAW

naoatango tango siya at kumain ulit. sasali na ba siya? pakiramdam ko sasali siya. Pagkatapos kong kumain ay nahiga agad ako sa kama niya, feel at home lang, pero medyo baiilang ako huniga baka kasi matagusan ako. ang bigat pa namab ng bed sheet niya.

"magbasa basa ka sa mga lessons mo ah" napatango ako sa sinabi niya at umayos ng higa, ayoko na ngang mag aral pero kailangan eh, ayoko matulad kayna mama at papa atsaka pag magkapamilya ako ayokong maging katulad nila ayoko ding matulad ang magiging anak ko sakin

"ilang taon ka nong napunta ka sa bahay ampunan?" napalungob ako sa kanya, na nakatutok abg atensyon sa conputer niya naglalaro na naman siya. Lumingon naman siya sakin hinihintay sagot ko, nagsulat agad ako

10

Napatango tango siya

"ano bang nangyari sa parents mo?" huminga ako ng malalim at gumuhit ako ng sad face

:(

"sorry." rinig kong sabi niya napakunot ang noo ko, sorry? galing sa kanya? Tapos ay hindi na siya nagsalita naglaro laro nalang siya, kumuha naman ako ng isang libro para kahit papano may naipasok ako sa utak ko na napakaliit.

Ilang araw ang lumipas ay okay na ako ,malaya na ako. sa red days ko.At hindi na kami minsan nagkakaabot ni Edge, kasi busy siya sa paghahanda sa Quiz bee, ako naman busy sa studio pero nahihuntay pa rin nuya ako matapos sa studio, minsan mainit ulo niya hindi ko nalang pinapansin, naiinis daw siya sa grupo niya. Sinali sali siya pero hindi naman daw siya minsan pinapansin.

"Miss!!" napalingob ako sa sumigaw si Miss Aileen, kalalabas ko lang ng classroom, inabutan niya ako bigla ng box

"Cake for you. gusto ko lang mag thank you kasi nasa grupo ko na si Edge." nakangiti niyang sabi, napabgiti namab ako at napatango sabay tanggap sa cake.

"Thank you talaga ah! naku may pakiramdam ako na mataas ang chance naming manalo ngayong year" napatango tango ako, siguro ang sarap nitong cake

"sobrang sarap niyan...ako ang nag bake niyan kaya sobrang espesyal yan" mas na excite akong tikman. at ang ganda ng box parang ayaw ko ding sirain, recycle

"Oh sige Miss Lea ah, sobrang salamat talaga, tapos ang gwapo ng batang yun noh lalo na kung suneseryoso sa pagsagot." bigla namang vumilis ang tibok ng puso ko at naiisip ko yung seryosong mukha ni Edge habang tinuturuan ako sa Math.

Angel's VoiceWhere stories live. Discover now