12

1K 31 0
                                    

12: Voice

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi naman ang katabi ko ay sobrang malikot. Mananadyak tapos pinapausog niya ako minsan. Hindi ko alam kung ganyan siya matulog o dahil lang sa lasing siya kagabi. Lumingon ako sa kanya, gising na rin siya at nakahawak siya sa kanyang noo niya at parang may iniisip na problema.

Tapos bigla siyang tumingin sakin.

"May narinig ka ba kagabi?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman maririnig ko kagabi maliban sa ingay niya.

"May kumakanta." Natigilan ako sa sinabi niya, dahil wala namang ibang nandito maliban samin at kay chichi. Umiwas lang ako ng tingin sa kanya at tumingin nalang kay chichi na gising na rin nag papaikot ikot sa sahig

"Mamatay na ba ako kagabi? para kasing boses ng anghel ang narinig ko." Tinignan ko siya ulit na nakatitig sakin, mamatay agad? at ano bang boses ng anghel? eh sigurado naman ako na ako lang ang kumanta kagabi sa kanya hindi rin naman mala-anghel ang boses ko. Bumangon nalang ako.

"Ma..m-may cla-class p-pa ak-ako," sabi ko at bago ako lumabas ay hinalikan ko muna si chichi. Kawawang chichi naman iyan, hayaan mo sakin ka sa darating ngayon na sabado at linggo isasama kita sa dorm namin. Pagkatapos kong lambingin si chichi ay lumabas na agad ako tapos dumiretcho sa dorm namin.

Agad akong naligo pagkatapos nag-ayos. Nang matapos na ako lahat lahat ay dumiretcho na ako sa bus para makapasok na. Isang oras ang lumipas ay nakarating na kami.

"Lea!" Pagkababa ko palang ay nakita ko si Rex sinisigaw pangalan ko, kinabahan ako bigla at umiwas ako ng tingin sa kanya at lumakad palayo.

"Lea! teka!" Binilisan ko pa ang paglakad ko, pero naabutan niya ako at nakikisabay siya ngayon sa paglakad ko.

"Lea wait just give it a try." Napatingin ako sa kanya, sinabi ko na kahapon na ayoko! Napatingin ako sa mga tao sa paligid, pinagtitinginan kami. Hinawakan niya bigla ang braso ko rason para mapatigil ako sa paglalakad.

"Gusto mo bang bisitahin muna studio namin?" Napakurap ako sa sinabi niya, hinablot ko ang braso ko at umiling iling. Nagsulat ako sa white board

AYOKO

"Bakit naman? ipapakilala kita sa mga kabanda ko sure ako magugustuhan ka din nila." Napairap ako sa sinabi niya, bakit pa ba kasi ako kumanta at hindi ko alam kung bakit boses ng anghel ang tawag niya sa boses ko. Hinila niya ako bigla, agad naman akong pumiglas.

"Cla-class!" sigaw ko, may class pa ako palagi na nga lang akong absent sa ibang class dahil kay Edge eh. Baka mapagalitan na talaga ako ng totoo.

"Inexcuse kita! dont worry!" excuse? ako? bakit? ano naman kaya sinabi niya?

"Sabi ko ikaw yung bago naming vocalist!" Napanganga ako sa sinabi niya at hinablot hablot ko ang braso ko, pero mas malakas siya. Bagong vocalist? ayoko!

"Sabi ko, kailangan mo pang mag-ensayo para sa sabado performance night" Napabuntong hininga ako sa inis, kailang sabado?! bukas? sabado na bukas ah! at perform? hindi ako kumakanta sa maraming tao! mapapahiya lang sila! mapapahiya lang ako!

Huminto kami sa isang mataas na building. Anong ginagawa namin dito? teka naalala ko nong nilibot niya ako sa university ito yung building kung saan nagtipon tipon lahat ng mga estyudyante na may may mga talent sa arts at music.

"Every saturday ang president ng University ay nanonood sa perfomance night at nang iimbita siya ng ibang may mga matataas na ranggo o posisyon sa music and art industry, kaya rin sikat ang Wilson High at napapagusapan ng iba dahil dito." mas nadagdag ang kaba ko dahil sa sinabi niya hindi talaga ako sasali. hindi talaga ako kakanta baka magalit lang ang lahat baka pagtawanan lang ako!

Angel's VoiceWhere stories live. Discover now