11

1.1K 38 0
                                    

11: Angel

"Nasusunog raw yung lumang bedding service ngayon. " Pagkapasok ko palang ng classroom namin ay puno na agad ng chismis at bulungan, hindi naman nila maiwasang mapatingin sakin. Kumalat agad sa buong campus angnangyari kahapon at pinatawag na naman si Edge.

"Ginalaw daw nila yung hindi nakakapagsalita." Napatigil ako sa nagsalita, agad maman silang naghiwalay, napabuntong hininga ako sa inis.

"Muntik na daw mapatay ni Edge yung isang lalaki at siya raw ang dahilan sa sunog."

"Nasa Guidance na naman raw si Edge!" Napatingin ako sa sumigaw, napakunot ang noo ko, bakit siya nandon ngayon. Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng classroom nakasalubong ko pa yung teacher namin pero hindi ko siya pinansin bahala nalang ano ang ibigay niyang parusa sakin.

Dumiretcho agad ako sa Guidance. Baka na naman ano ipagawa kay Edge sa kanya wala naman siyang ginawa, ipinagtanggol lang naman niya ako.

"Muntik ng mamatay ang lalaking iyon! ano ba nangyari!" nasa labas palang ako ay parang boses ni Mrs. Carpenter ang naririnig ko. Napalunok ako at dahan dahang binuksan ang pinto.

"Hindi ka na ba titino?! ha?! dinadamay mo pa si Lea sa kalokohan mo!" Napatingin silang lahat sakin nong nakapasok na ako ng tuluyan

"Wala pong kasalanan si Edge." Napatingin ako kay Mrs. Carpenter na nakatitig din sakin. Si Edge naman nasa iba ang tingin.

"Iniligtas niya po kahapon laban sa mga lalaking iyon." Napatingin ako kay Mrs. Carpenter na parang kumalma at hindi na siya gigil tulad kanina habang nagsasalita siya

"Kung hindi po dumating si Edge baka ano na pong nangyari sakin.." tapos may biglang pumasok na estyudyante, mukhang working student siya dito.

"Positive po silang lima na gumagamit ng droga," sabi nong estudyante at napasinghap naman sa gulat ang mga guidance councilor head pati na din si Mrs. Carpenter.

"Paano nakakagamit sila ng droga sa loob ng University?"

"Sa mga kalokohan nangunguna talaga sa dyaryo ang University natin baka bumaba ang enrolles natin nito."

"Bayaran nalang natin ulit sila para itigil ang pagkalat ng mga bad news sa labas."

"Maganda naman ang University pero may mga demonyong nakakapasok" biglang tumikhim si Mrs. Carpenter at lahat nakatingin sa kanya.

"Salamat anak." Napangiti naman ako sa sinabi ni Mrs. Carpenter. Biglang tumayo si Edge at tinitigan ako ng masama. Masaya nga ako dahil nakapagsalita ako ngayon.

Ano ginawa ko?

Binangga lang niya ako at lumabas na ng Guidance office. Napabuntong hininga ako, niyakap naman ako bigla ni Mrs. Carpenter.

"Kamusta ka anak? nahirapan ka kay Edge 'no?" napalunok ako sa tanong ni Mrs. Carpenter at dahan dahang tumango.

"Pasensya ka na ha? umaasa lang talaga ako na magbabago siya pero wag kang masiyadong ma pressure pagbutihin mo ang iyong pag-aaral," sabi niya sabay gulo sa buhok ko. Sabay na kaming lumabas ng Guidance office.

Hinatid ko siya sa parking lot ng school, dahil si Edge lang talaga ang sadya niya, sinabihan din niya ako na mag-ingat kami. Huminga ako ng malalim, ano na kaya ginagawa ngayon ni Chichi sa kwarto ni Edge.

San ba pwedeng kumalma!

Dumiretcho ako sa tambayan ng University at umupo sa isa sa mga bench. Huminga ako ng malalim sana walang masamang mangyari ngayon, san kaya si Edge? inangat ko ang ulo ko at tinignan ang mataas at lumang building dito, at nandon nga siya sa may bubong.

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon