Edge's Diary

580 17 19
                                    

Entry one.

Hindi ko alam kung san ako magsisimula, gago! Hindi ko alam kung bakit pinapatulan ko siya tang ina! Pero nababaliw na ako puta! sa nararamdaman ko at hindi ko alam paano ko ilalabas ito. Kaya susulatan kita diary. Kahit ikaw pinatulan ko na.

Nagsimula ito dahil sa paulit ulit niyang binabanggit ang pangalan ko. Normal lang naman sa pandinig ko ang pangalan ko, wala ngang kwenta ang pangalan ko pag sila tanda ang tumatawag, ikaw ba naman pangalanan ka ng Edge? diba sa tagalog Gilid? Pero pag binabanggit niya ang pangalan ko bakit amputa sobrang espesyal pakinggan! nakakabakla tangina!

Nong sinabi niya na wag ko siyang iwan. Parang gusto ko siyang protektahan at nakaramdam bigla ako ng galit sa nagkulong sa kanya doon. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon.

First time ko ring magkwento ng pangbatang kwento.

Nong naramdaman kong nakatulog na siya ay agad akong nagtanong sa ibang guards para sa duplicate key. Tinakot ko pa nga sila bago nila ibigay sakin Tangna! dami kasi nilang tanong eh emergency na 'yon!

Pagkabukas ko ng pinto para akong nakakita ng anghel...anghel sa lupa..tang ina ang korni! Pero totoo. Para akong nakakita ng anghel na tinanggalan ng pakpak tapos pinababa dito sa lupa. Binuhat ko siya agad at dinala sa dormitoryo namin.

Nong naihiga ko na siya sa kama, hindi ko mapigilan mapatitig sa labi niya. Puta! hindi ko alam kung anong nasa isip ko ngayon! basta.

hinalikan ko na naman siya.

- Gilid

Entry 2

Binilhan ko siya ng baboy tangina yan! Haha ang cute lang kasi. Parang tanga, iiyak lang para sa iang stuff toy. Naiirita pa naman ako sa iyak niya, parang sanggol na kalalabas palang! Hindi rin ako mahilig sa mga bata. Pero napapaisip lang ako kung may mga kaibigan ba siya dati o kung wala talaga? bakit kasi ganoon nalang siya kalapit sa stuff toy niya.

Pero ito talaga gago! natuwa ako nong masaya siya sa baboy niya!

-Gilid

Enrty 3

Para na akong baliw tang ina! hanggang ngayon paulit ulit pa rin sa isipan ko yung kanta na narinig ko, sa boses na iyon! boses anghel eh! parang pakiramdam ko non pwede na akong mamatay eh!

Alam kong lasing ako, pero alam ko na pinuntahan ko si Lea at ewan ba gago! gusto ko lang siya makatabi! Imposible naman boses niya yun! wala pa akong narinig na kumakanta tapos nautal utal magsalita!

Nga pala! nakakapagod alagaan yung baboy! hindi ko alam sa putang inang sarili ko kung bat ako pumayag na alagaan ko din yun!

Naiinis din ako kasi Late siyang umuwi sa sobrang inis ko gusto ko siyang ipatapon sa ilog kasama mga lalaki na yon! Sino ba sila at bakit kasama niya? Marami na ng nangyari sa kanya dito tapos sumasama sama pa kahit kanino! pero dapat ko ba ipagalala yun?

may tanong din pala ako nilalagnat ba ang baboy?

- Gilid

Entry 4

Kumakanta pala siya posible bang siya yung narinkg kong kumakanta nong isang gabi? May mahiwaga talaga sa kanya. Kaya tuloy mas gusto ko siyang kilalanin.

Habang nakatitig siya sakin, parang bumabagal yung kilos ng mga tao sa paligid ko, nong nakita ko siya parang yung mga sigaw at ingay parang lumulubog nalang lahat sa tenga ko at boses nalang niya ang naririnig ko.

Hindi ko din alam kung bakit naiinis din ako sa kanya ng konti! Parang ayokong naririnig ng iba ang boses niya. At sobrang ganda niya oo, maganda siya.

Maganda naman pala pag naayusan.

-Gilid

Entry 5

Sa totoo lang ayaw na ni tanda na papasukin pa si Mute. Dahil sa narinig niyang gulo sa University at tanggap niya na hindi magagawa ni Mute ang mga kailangan niyang gawin. Tumawag siya para sabihing may nahanap rin siyang bagong magbabantay sakin. Pero nagalit ako. Sabi ko wag tinanong niya ako bakit?

HINDI KO ALAM KUNG BAKIT

I just wanna keep her

-Gilid

ENTRY 6

Mas mahimbing na tulog ko ngayon dahil may katabi ako marami na akong nakatabi kahit sinong babae. Pero iba ang nararamdaman ko pag siya ang katabi ko. Hindi ko kailangan uminom ng alak para lang makatulog. Hindi ko na naiisip ang mga masasama kong nakaraan.

Hanggang alam ko na nandiyan siya sa tabi ko kahit wala na siyang gawin tulad ng mga babaeng dinadala ko nakakatulog ako.

She makes me complete and makes me feel at ease even without touching her.

-Gilid

Entry 7

Girlfriend ko na siya? oo.
seryoso ba ako? hindi ko alam. Hindi ko alam ginagawa ko. Basta masaya ako at magaan ang loob ko sa kanya, hindi ko 'yan nararamdaman pa sa iba. She's always there for me, wala akong pakealam kung binabayaran pa siya para lang manatili sa tabi ko. I mean she survived being with me.

Im sure she's different. Maybe it's time for me to let go of my past. Focus sa present, sa kanya?

-Gilid

Listen to Lea's songs on my fb page @Lisnaej 

Angel series 1: Angel's Voice

Angel series 2: Angel's Heart ( now on-going)

Angel's VoiceWhere stories live. Discover now