01

2.3K 43 0
                                    

01: Edge

"Ano matagal ka pa ba!" malalakas at sunod-sunod na pagkatok ang naririnig ko sa labas. Pero hindi ko maiwasang mapatitig sa sarili ko sa salamin na nandito sa isa sa mga guest rooms nila  Mrs. Carpenter, dito na niya ako pinatulog at hindi na ako hinayaang lumabas pa at bumalik lang muna sa bahay-ampunan malayo rin sa amin at para sabay na kami ng anak niya papunta sa University. Hindi ako sigurado sa mangyayari sa akin lalo na't kailangan kong makasama ang anak niya at maiiwan ako sa anak niya dahil sa isang dormitoryo lang ako uuwi simula ngayon. Makukulong ako sa University kasama ang galit niyang anak.

"Hoy! bingi ka din ba!" Napatitig ako sa suot kong college uniform, sa wakas college student na rin ako. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sobrang saya ko. Napatingin ako kay chuchu na nakaupo lang sa kama, kinuha ko na siya at niyakap.

"Iiwan na kita!" agad kong kinuha ang bag ko at napatakbo. Binuksan ko ang pinto at ang anak ni Mrs. Carpenter ang agad na sumalubong sa' akin.

"Ta...tay..tayo...tayo n..n--" Hinawakan niya ang kamay ko bigla at hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako papunta sa baba. Ayos lang dahil hindi naman ako makakapagpaliwanag ng maayos.

"Mag-iingat kayo ha? Lea?" Inilipat ni Mrs. Carpenter ang tingin niya sakin. Napangiti naman ako agad, excited na ako. Nandito kami ngayon sa tapat ng gate nila at naghihintay na sa amin ang sasakyan. Ngayon ko lang rin ito mararanasan lahat. Kumpara sa iba masiyado na akong swerte para magreklamo pa, hindi naman ako siguro magkakaproblema sa anak niya.

"Ibigay mo 'to sa bawat proffesor mo ha sila lang magbubukas niyan" Inabutan naman ako ni Mrs. Carpenter ng isang brown na envelope.

"Ang allowance mo at kung may mga kakailanganin ka sa school, wag kang mahiyang sabihin kay Edge ha?" agad akong napatango at napatingin ako kay Edge. Siguro mabait rin itong si Edge, mainit lang siguro minsan ang ulo nito. Kaya sigurado magiging okay lang ako. Anak siya ni Mrs. Carpenter at mabait na tao ang mommy niya.

"Tanda? kung wag nalang kaya kami pumasok sobrang late na ako sa first class ko." inis na sabi ni Edge tapos napalunok ako, kahit naman hindi pa talaga kami late sobrang aga pa kaya namin lalo na ako, nagising ako ng maaa dahil sa sobrang excited na ako.

"Oh sya! sige na. Mag-ingat kayo ha tumawag kung may magiging problema." huling sinabi ni Mrs Carpenter at pinagbuksan na kami ng pinto ng driver sa back seat. Unang pumasok si Edge, Edge Carpenter. Ang pangalan ng anak niya, bakit kaya Edge? pero maganda naman.

Sumunod ako. Ilang minuto ang lumipas ay nagsimula ng umandar ang sasakyan.

"Makinig ka." agad akong napatingin kay Edge.

"Hindi ko basta-basta ibibigay ang allowance mo, pag trabahuhin mo 'yon." Napalunok ako sa sinabi niya tapos napahinga ako ng malalim, sana...sana talaga maging maayos ako sa Unibersidad na papasukan ko at sana...magkaroon rin ako ng kaibigan.

"Ma--mak...maki...makiki...maki--kiki" rggh...nakakainis talaga. Alam ko naman ang sasabihin ko pero hindi pa ako makapagsalita ng maayos. Nakakainis.

Bigla niya akong ginaya kaya nainis ako parang isip bat rin siguro ito. Naiirita rin siguro siya sa kung paano ako magsalita kagaya ng mga bat sa bahay-ampunan.

Napabuntong hininga ako at napanguso gusto ko lang naman itanong kung makikita ko ba siya sa University palagi. Kailangan ko pa naman siya bantayan, 'yan ang pinakaimportante na pinapagawansa akin ni Mrs. Carpenter, hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng bantay ang anak niya at bakit girlfriend?

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon