CHAPTER 8

295 8 0
                                    

AIE'S POV



" wala ka talagang kasama dito? " tanong ko kay caloy tsaka ko sya binigyan ng matalim na tingin.



" wala nga!! bakit ba pinipilit nyong may kasama ako dito? talagang ginulo nyo pa yung condo ko dahil jan sa kahibangan nyo noh!? " inis nyang sabi na ikinatawa namin nila bea at deanna.



nakakapagtaka naman kasi!! hindi sya okay kagabi! alam ko yun, alam naming lahat yun! halos mapuyat nga kami kakahanap sa kanya, tapos biglang ganyan!? biglang parang walang nangyari? biglang okay na lahat!?




i know caloy since college days pa and alam kong hindi basta-basta nawawala ang galit ne'to or inis lalo na when it comes to isa, kaya gusto kong malaman kung anong nangyari last night! kung saan sya galing at sino ang kasama nya, even deanna and bea wants to know that.




" ano naman kasing masama kung ipapakilala mo sa'min yang bago mo " saad ni deanna wong kay caloy, tsaka nya ito binigyan ng nakakalokong ngiti.




" yeah! what's wrong with that ba? look whatever her looks is as long as sexy then it's fine for us " singit ni bea.




napatawa naman kami ni deanna sa sinabi nya, wala talaga syang pake sa mukha basta sexy okay na sa kanya. kahit si caloy napangiti sa banat nya eh! hahahahahaha





" i miss this " deanna wong says that caught our attention.




nakangiti sya habang tinitingnan ang bote ng beer.




" oo nga noh! hay! masyado na kasi tayong naging busy sa kanya-kanya nating buhay that we forgot to chill out like this " pagsang-ayon ko.




napansin ko si caloy na tahimik na nakaupo sa single couch.





hindi ko alam kung anong iniisip nya or nasaan ba talaga ang utak nya? it feels like ibang caloy ang kasama namin ngayon.



present physically, but mentally absent.



" bro? okay ka lang? " tawag ko sa kanya. tumango lang sya then she took a sipped of beer, dahilan para magkatinginan kaming tatlo ni bea at deanna.




yah! nagets ko ang tinginang yun, it means my mali sa kanya. may mali talaga kay caloy. iisa lang ang iniisip nya for sure, its either about kay isa or kung sino man.



" so, back to that girl na laman ng utak mo. ano bang itsura nya? " saad ni deanna kay caloy.


si bea tahimik lang na nagmamasid sa'min. well, yun naman talaga ang napag-usapan.... magfo-focus sya kay caloy.




" bakit ba sure na sure kayong may kasama ako kagabi? at babae pa? " natatawang tugon ni caloy dahilan para magkatinginan nanaman kaming tatlo.





" SO, LALAKI!!!?? "


sabay na sabi namin ni bea at deanna bago napahagalpak ng tawa.




bumabalik na ba sya sa dating daan? hahahahaha walang hiya! pag nangyari yun magpapa-mass gathering talaga kami sa vatican



" gags! hindi yun ang ibig kong sabihin! hay! mga siraulo din talaga kayo eh! " iritang sabi ni caloy, pero totcha!! hindi talaga namin mapigilan ang matawa sa kanya



" guys ano ba!? " muling sabi ni caloy, kaya kahit halos maiyak kami kakapigil sa lecheng tawa namin ay pinilit naming mag seryoso.



I've met your SOULWhere stories live. Discover now