CHAPTER 19

238 10 2
                                    

CALOY'S POV







" ced " huling katagang nasambit ko sa isipan ko, bago ko maramdaman ang isang kamay na humawak sa damit ko at pilit akong hinihila patungo sa kung saan









ilang segundo lang ang lumipas, ang kaninang nakalutang kong mga paa ay may natatapakan nang lupa









" sh*t!! "








nang marating namin ang pang-pang dun lang ako nagkalakas ng loob na lumaban








tama!









hindi pa tapos ang laban! hahanapin ko pa nga sya









papatunayan ko pa sa kanilang lahat na totoo sya.








" ahem! ahem!.... aheeem! sh*t!!
a--ano bang pumasok sa isipan mo at ginawa mo yun!? ha!? f*ck!!! " inis kong sabi, habang hinahabol ang paghinga ko at habang tinatanggal ang tubig na pumasok sa ilong ko!









" ikaw pa galit!? ikaw na nga ang niligtas jan! bakit ba kasi naisipan mong magpakamatay!? " sigaw nya pabalik sa'kin.









nanginginig pa rin ang mga tuhod ko dahil sa nangyari! galit ako sa mundo, pero hindi naman sumagi sa isip ko ang magpakamatay!!









" sino ba kasing may sabi na mag papakamatay ako!! ikaw lang naman ang nag-isip ng ganyan! sana nagtanong ka muna bago ka
umatake! " saad ko.









" wow! ganito na pala magpasalamat ang mga tao ngayon! sana pala hinayaan nalang kitang malunod! " mataray nyang tugon na may pagtaas pa ng kilay.









" wow! ang lakas mong magtaray samantalang kasalanan mo naman talaga! wala kang ililigtas kong hindi mo ko hinila! siraulong 'to!! " saad ko.









" ahh! ganun!? hindi ba kasalanan ng mga tuhod mo!? napaka-weak naman kasi! hinila lang natumba na! tsaka bakit ba pakiramdam mo mas lugi ka! hoy! inday nabasa din ako! kamuntikan din akong mamatay dahil sayo! " mahaaaaaabang saad nya.









mapapa-HARU JUSKOLORD ka nalang talaga!









saang planeta ba galing 'tong amazona na'to!








" ewan ko sayo! jan ka na nga! " saad ko tsaka ako tumayo at nagmamadaling naglakad patungo sa sasakyan.








ang lamig!! walang hiya talaga!!









" hoy! iiwan mo talaga ako dito!? talaga!? matapos kitang iligtas!? wow!! grabe!!! ang sarap mong sipain men!! " sigaw nya, dahilan para mapalingon ako.








" kung gusto mong sumama edi! bilisan mo! jan! ayoko sa taong pagong! anong gusto mo buhatin pa kita!? may paa ka aba! " inis kong sabi tsaka nagpatuloy sa paglalakad









hindi ko sya pwedeng iwan ng ganyan









kargo de konsensya ko pag may nangyaring hindi maganda sa kanya, sana!!









[Engine start........]







[Engine start........]









I've met your SOULWhere stories live. Discover now