The End(One-Shot Story)

116 4 0
                                    

“The End”

written by: J.C. Pamplona

          “WHAT’S ON YOUR MIND?”ito ang tanong na palaging bumubungad sa akin sa tuwing magbubukas ako ng facebook. Ano nga ba talaga ang nasa isip ko? Okay pa ba ako? Masaya pa ba ako pagkatapos ng lahat? Baka? Siguro? Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko kaya isinara ko na lang ang aking facebook at binuksan ang aking twitter at bumungad sa akin ang tanong na “WHAT’S HAPPENING?” at muling may sumiksik na tanong sa utak ko, anon a nga ba ang nangyayari? Nangyayari sa akin? Maganda pa ang takbo ng mundo ko? AH! Ewan! Tinigilan ko na lang ang pagtingin sa facbook at twitter ko at isinaksak sa magkabilang tenga ko ang headset at nakinig ng musika mula sa teleponong dala ko. Medyo malapit na rin akong bumaba mula sa sinasakyan kong jeep kaya tiningnan ko unahang bahagi nito upang abangan ang pagtigil sa aking bababaan.

          “Nandito na po tayo!” sigaw ng driver at nagmadali na akong bumaba, inayos ko ang sarili ko at inilagay ang magkabilang kamay ko sa loob ng aking bulsa tsaka naglakad papasok ng eskwelahan ngunit bago pa man ako makapasok ng eskwelahan ay napatingin ako sa tarangkahan ng eskwelahan at tumingala mula sa napakalaking pangalan nito, napabuntong hininga na naman ako, makikita ko na naman kasi siya, makikita ko na naman ang taong nanakit sa akin, ang taong dahilan kung bakit ang dami kong tanong sa sarili ko. Pero sa halip na mag-isip ng kung anu-ano ay nagmadali na lang akong humakbang papasok hanggang sa makarating ako sa pasilyo ng eskwelahan namin at sa pagkakataong ‘yun nagdahan-dahan na ako sa paglalakada at itinungo ang aking mga ulo habang nakikinig pa rin ng musika mula sa aking telepono.

          Ngunit habang ako’y naglalakad ay may biglang sumulpot sa harapan ko at dahil nga nakatungo ako ay tanging sapatos lang ang napansin ko, isang pamilyar na sapatos na madalas isinusuot ng taong nasa harapan ko na kilala ko naman kung sino. Unti-unti kong itinunghay ang aking ulo at isang pamilyar na ngiti ang bumungad sa akin. “HI! Kamusta ka na?” nakangiti niyang salubong sa akin, “Ok naman…” agad kong tugon at ngumiti ako pabalik sa kanya. “Ah sige, may klase na ako, see you around!” sabi niya. “Sige.”, matipid kong tugon sa kanya at tsaka kami naghiwalay ng landas. Ngunit bago pa man kami makalayo sa isa’t isa nakita ay muli ko siyang tinawag. Tumingin siya sa akin na may tanong sa kanyang mukha kaya inilagay ko ang dalawang daliri ko sa aking kilay at sumaludo sa kanya na parang sundalo tanda ng aking pagsasabi ng paalam, tanging tango lang ang naging tugon niya at tsaka nagmamadaling umalis.

          Ngayon masasabi ko sa sarili ko na okay na ako at tanggap ko na ang lahat dahil nang mga oras na kaharap ko siya kanina ay wala na akong kahit anumang sakit na nararamdaman, ang tangi ko na lang naalala ay ang masasayang nangyari sa amin noong kami pa at kung naisip ko man ang masasakit na nangyari sa akin nang iwan niya ako ay tanging tawa na lang ang naitutumbas ko sa sarili ko, at ditto nagtatapos ang mga nangyari sa akin mula nang umibig ako at nasaktan hanggang sa masabi ko sa sarili ko na handa na akong muli para sa panibagong darating sa buhay ko.

ONE SHOT STORIES(koleksyon ni PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon