KABABATA

133 6 2
                                    

“KABABATA”

ni J.C. Pamplona

Nakasandal ako sa bintana ng bus na sinakyan ko habang iniisip ang mga sandaling nakasama ko  siya. Medyo emo lang ‘di ba? Pero bakit nga ba sa tuwing maalala ko siya hindi ko mapigilang ngumiti? Ganito ba talaga siya kahirap kalimutan?

“Boss, saan ang baba?”bungad sa akin ng konduktor ng bus.

“Sa Cubao lang po.”tugon ko sabay abot niya sa ticket ko.

“Minsan boss, napapangiti rin ako kapag may naalala ako.”makahulugang wika niya bago magpatuloy sa paniningil ng pamasahe sa ibang pasahero ng bus.

At muli, sumandal ako sa bintana ng bus at pinagpatuloy lang ang pagtingin mula sa labas pero ilang minuto ang lumipas ay nabagot ako kaya kinuha ko ang headset ko at pinakinggan ang anumang tugtugin na mapakinggan ko …

“Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat

umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat

naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo

kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi”

ewan ko ba, bigla na lang ako napapikit at napatawa nang tahimik nang ‘di sinasadyang ito ang kantang bumulaga sa tenga ko..

“maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili

umaawit ng theme song na sabay kinabisa

kay sarap namang mabalikan ang alaala

ikaw ang kasama buhat noon

ikaw ang pangarap hanggang ngayon”

kamusta na kaya ang babaeng ‘yon? Masaya pa kaya siya pagkatapos kong iwan sa kanya ang napakasakit na katotohanang mahal ko siya?

“di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari

ako yung prinsesang sagip mo palagi

ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari

ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng

dararatda dati

dararatda dati

dararatda dati

na gaya pa rin ng…

Datirati ay palaging sabay na mag syesta

at sabay rin gigising alas kwatro y medya

sabay manunuod ng paboritong programa

o kay tamis naman mabalikan ang alaala”

At nang marinig ko ang chorus ng kanta hindi ko alam pero bigla na lang may kung anong kumurot sa puso ko na para bang nagsasabi na nasasabik akong makita siyang muli. Ganitong-ganito kasi kami noon pero nawala ang lahat simula nang lumayo ako sa kanya.

“di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari

ako yung prinsesang sagip mo palagi

ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari

ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng…”

Dati parang wala lang sa amin ang mga bagay na ginagawa namin noon,  pero ilang taon ang lumipas nang aminin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

“datirati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan

gamit-gamit ang mantel na itinali sa kawayan

at pawang magkakalaban pag nag tataya-tayaan

ONE SHOT STORIES(koleksyon ni PH)Onde histórias criam vida. Descubra agora