My Mr. Sundae

73 2 0
                                    

Paano ko nga ba minahal ang isang tulad niya.

Napakaimposible...

"Huwag kang maarte, hindi ka kagandahan..."

"Kahit kailan hindi kita magugustuhan..."

Yan ang mga katagang tumatak sa isipan ko nang makilala ko siya. Napakaantipatiko at suplado, hindi naman siya kagwapuhan pero kinatatakutan siya ng lahat. Isa kasi siyang Presidente ng club sa school namin. At anumang sabihin niya. Sinusunod ng mga estudyante sa school sa takot na mapagbuntunan ng galit niya.

Halos lahat takot sa kanya...

Maliban sa akin.

I remeber the time na una kaming nagkakilala. Tumabi siya sa kinauupuan ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Akala mo naman kung sino siya makatingin nung mga oras na iyon. Ang hindi ko alam, yun na yung oras na mahuhulog ang loob ko sa kanya.

I had a boyfriend that time, pero never siyang nagparamdam na may gusto siya sa akin, and never din ako nag-assume na magugustuhan niya ako. Until one day, nalaman ko na lang na niloloko na pala ako ng boyfriend ko. I was planning to drink that time dahil sa sama ng loob. Pero pinigilan niya ako at sinabing... "You thin masosolusyonan ng alcohol ang problema mo? Pagbangon mo yan pa rin ang magpapabigat sa dibdib mo."

That words enlighten me from my worst. At doon ko narealize na tama siya.

"Uuwi ka na ba? Sabay na tayo..."he said that night nang matapos ang klase namin sa SocSci. I was just on my way nang makasabay ko siya sa hagdan. That night palagi na kaming nagkakasabay umuwi. Madalas na rin kaming magbiruan until one time nagulat ako sa ginawa niya. He hold my hand while walking down the stairs...

"Tulungan na kita. Madulas kasi dito..."he said while smiling. Kahit pala may matigas na puso nagagawa din pala niyang ngumiti.

Until makarating kami sa labas ng iskinita malapit sa eskwelahang pinapasukan namin. Hindi niya binitawan ang kamay ko. At sa di kalayuan ay may stall ng Mcdonalds na may iba't ibang desserts na mabibili. I was just attempting to invite him na bumili doon pero naunahan na niya ako.

"Tara, libre kita ng sundae..." he said at bumili siya ng isang sundae para sa akin at coke float naman sa kanya. Doon ko naramdaman ang kilig dahil hindi niya alam na favorite ko ang sundae at matagal ko nang wish na may lalaking manlibre sa akin nito. Thst night hiningi ko ang number ng kaklase niya sa barkada niya na kakilala ko rin. I just want to say thank you. Until then, nagkakatext na kami at doon nagsimula ang paglalim ng nararamdaman ko para sa kanya. May mga times na nagiging clingy ako sa kanya. Doon ko rin naramdaman na unti-unti ko na ring nararamdaman na mahal ko na siya. Kaya nagdecide na ako na umamin sa kanya. Bahala na.

"Gusto kita..." nahihiya kong tugon sa kanya. He smiled back and said. "The feeling is mutual..." bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin niya yun. Sobrang saya sa pakiramdam na ang lalaking gusto ko ay gusto rin pala ako.

Naging kami na, he officially announced that I am his girlfriend. Natutuwa ako dahil proud siya sa akin. Pero hindi ko akalaing mahirap pala ang posisyon ko bilang girlfriend niya.

"Hindi kayo bagay, masyado ka lang sagabal sa kanya..."

"Simula nung naging kayo naging iresponsable na siya..."

yan ang masasakit na salitang narinig ko sa kanila. Nasaktan ako at humiling na sana lamunin na lang ako ng lupa dahil sa mga naririnig ko. Nagdesisyon akong hiwalayan siya pero hindi ko nagawa.

"Kung talagang mahal mo ako dapat mas pakinggan mo ako kaysa sa sinasabi nila..." ginising niya ako sa mga salitang yan. Ipinagtanggol niya ako sa mga taong gustong sumira ng relasyon namin.

"Ayaw ko ng relasyong nagtatagal, gusto ko ng relasyong panghabambuhay."

Ito ang mga salitang ipinangako niya sa akin na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin.

Sabay naming itinawid ang aming sarili sa pag-aaral namin. Madami kaming napagdaanang hirap sa relasyon namin pero hindi niya ako isinuko. Kahit kailan hindi niya sinabing napapagod na siya. Doon ko naisip na siya na talaga ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.

Hanggang sa dumaan ang araw ng pagtatapos naming dalawa. Pareho kaming nangarap na maging isang guro at makapagturo. Ngayon isa na akong guro sa Singapore habang siya naman ay may-ari ng isang private school.

2 years after nang magdesisyon akong umuwi para magbakasyon. Nagulat ako dahil siya ang sumalubong sa akin sa arrival area...

"Welcone back mahal ko." Isang mainit na yakap at halik ang isinalubong niya sa akin...

"Manood muna tayo ng sine bago ka umuwi, may maganda kasing palabas ngayon at gusto ko yung mapanood kasama ka.''anyaya niya kaya pumayag naman ako.

Bumaba kami sa isang mall at pumasok sa isang sinehan, ngunit ang ipinagtataka ko ay kaming dalawa lang ang nasa loob ng sinehan at walang ibang nanonood.

"Bakit tayo lang ang nandito?"nagtataka kong tanong.

"Hindi ko alam, baka kasi mamaya pa magsisipasukan pa yung iba."kibit-balikat niyang tugon at umupo kami sa itaas na bahagi ng sinehan kung saan kita mo ang buong screen nito.

Hindi pa nagsisimula ang palabas kaya tahimik pa ang paligid...

"Salit lang mahal ko, pupunta lang ako sa CR. Dito ka lang muna at wag kang aalis kahit anong mangyari.." sabi niya at lumabas na ng sinehan.

Wala naman akong nagawa kundi ang maghintay na lang sa loon hanggang sa...

"Mahal ko, ilang taon kong hinintay ang pagkakataong 'to. Walang oras o sandali na hindi kita naiisip o naaalala. Sobra akong nasabik sa pagbabalik mo kaya ngayong may pagkakataon na ako. Gusto kong angkinin ang pagkakataon na ito..."

Lumabas sa screen ang mukha niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Unti-unting bumagsak ang mga luha ko nang maflash sa screen ang mga pictures naming dalawa.

"Yan ang mga ala-alang kahit kailan ay hinding-hindi ko kailanman maiiwan. Remeber day that I've said to you that I don't want a relationship that will last longer because I want a relationship that will last forever. Paninindigan ko na ang salitang yun..." dahan-dahang nawala ang mukha niya sa screen hanggang sa magbukas ang isang ilaw at magpakita siya na nakaluhod sa stage na nasa harap lang ng sinehan.

"Miss Mary Joy Llanes..."

Isang kamay ng staff ang umalalay sa akin pababa sa kinuupuaan ko mula sa taas at inihatid ako sa kinaroroonan niya.

"Will you be my Mrs. Jessie Pamplona?"he said and kneel down proposing to marry him.

Umagos ang luha ko sa tuwa...

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkasabik na malaman ang sagot ko.

And I said...

"Yes, I want to be Ms. Mary Joy Pamplona."he hug me at kiss me, sobrang saya niya hanggang sa narinig ko na lamang ang malakas na palakpakan galing sa mga taong nasa labas na papasok sa loob. Nandun ang pamilya ko at ang pamilya nita na papasok. Lahat ay nagpapalakpakan habang papasok ng sinehan dahil sa nangyayari.

"Mahal na mahal kita..."kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya habang sinasabi ang mga katagang yun.

"kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya habang sinasabi ang mga katagang yun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ONE SHOT STORIES(koleksyon ni PH)Where stories live. Discover now