The Writer's Love

27 2 0
                                    

The Writer's Love

Nasubukan mo na bang umidolo sa taong hindi mo kilala? O sa taong hindi mo alam kung nag-e-exist ba talaga? Ako kasi, oo. May iniidolo akong writer. Pero never kong nakita ang katauhan niya. Parang malabo, mahirap. Kasi nagtatago lang siya sa bawat salitang isinusulat lang niya sa libro. Mga salitang parang kinakausap ako at sinasabing nariyan lang siya at pinagmamasdan ako.

I am an engineering student sa isang university. At ang mundo ko bukod sa pagiging estudyante ay ang pagbabasa ng mga romantic novels. Parang naging stress-reliever ko lang sa mga school works ko ang pagbabasa. And to be honest, isang author lang ang inidolo ko sa tanang buhay ko. Si Markus Magic. Ang sabi nila hindi raw 'yon ang totoo niyang pangalan. Parang pen-name lang daw niya 'yon para maitago niya ang tunay niyang katauhan.

"Bakit ang hilig mong magbasa ng mga ganiyang romantic novels?"tanong ng bestfriend kong si Art.

"Wala lang, nakakakilig kasi..."saad ko sabay ngiti sa kanya.

"Tss. Romantic na pala sa iyo 'yang ganyan. Ehdi sana nanghingi na lang ako ng mga love letter sa mga lalaki rito tapos ipinabasa ko sa iyo."pang-aasar niya.

"Ewan ko sa'yo. Palibhasa kasi hindi ka pa nagkakagirlfriend kaya ka ganyan kabitter!"bawi ko sa kanya.

"Wow! Nakakahiya naman sa NBSB!"

"Tse! Diyan ka na nga!"sigaw ko.

Iniwan ko siya at tumungo na lang sa library upang doon ipagpatuloy ang pagbabasa nang biglang tumunog ang phone ko.

"Get ready for Markus Magic book signing!"

Napasigaw ako sa sobrang tuwa. Sa wakas makikilala ko na siya. Nakalimutan kong nasa library nga pala ako kaya nasigawan ako ng librarian.

At dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Sa isang event-center ginanap ang kanyang book signing. Marami ring dumalo sa event kaya halos hindi ako makapasok sa loob. Sikat siyang writer kaya ganito karami ang dumalo sa kanyang event at gusto rin nilang malaman kung ano talaga ang hitsura niya. Ilang saglit lang ay lumabas na siya sa back-stage. Pero nakasuot siya ng itim na sumbrero at nakashades. Parang pamilyar sa akin ang postura ng katawan niya? Ewan. Ang weird sa pakiramdam na parang kilala ko siya personally noong nakita ko siyang lumabas sa stage.

"Hi everyone."bati niya at kaagad naghiyawan ang mga tao mula sa loob. Pero ako nananatiling nakatitig sa kanya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin at umaasang aalisin niya ang sumbrero at shades na suot niya.

"I wrote this book for the person that I really love. At alam kong nandito siya kaya pinaghandaan ko ito. Lahat ng linyang nakasulat sa librong ito para sa kanya. Para sa taong pinaglaanan ko ng oras para matapos ko ang librong ito. Para sa taong hindi ko masabi ang tunay kong nararamdaman dahil natatakot akong baka iwasan niya ako kapag nalaman niya ang tunay kong nararamdaman. Kaya para sa iyo ang linya sa huling pahina ng libro..."

Ang lahat ay binuklat ang huling pahina ng kanyang libro. Laking gulat ko nang mabasa ko ang nasa likurang bahagi ng back-cover ng libro...

"The Writer's Love is dedicated to Miss Elisse Guanzon. I love you...

-Markus Magic"

Nagulat ako sa aking nabasa. Pangalan ko ang nasa libro. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Paano nangyaring ang iniidolo kong manunulat ay mahal na mahal ako? Tsaka, sino siya? Unti-unting lumakas ang tilian. Samantalang ako naman ay napako sa aking kinatatayuan at natulala sa nakita.

Unti-unting tinanggal ni Markus Magic ang kanyang sumbrero at shades. Tumambad sa akin ang pamilyar na mukha at ngiti.

"Miss Elisse. Pwede mo ba akong samahan sa stage?"sabi niya habang nakatitig sa kinaroroonan ko. Ang lahat ng tao ay nakatingin na sa akin at halos lahat sila ay nagtitilian. Nahati ang daaraanan ko dahil nagbigay ng way ang mga tao upang makapunta ako ng stage. Hindi pa rin ako makapagsalita sa mga nangyayari. Si Art, ang bestfriend ko for almost ten years, siya si Markus Magic? Pero paano?

"Alam kong hindi ka maniniwala pero ito 'yung totoo. Lahat ng linya sa librong 'yan ay para sa iyo. Matagal na kitang mahal. Pero natatakot akong sabihin dahil baka iwasan mo ako. Pero ngayon sasabihin ko na. Miss Elisse, I love you so much. At sa ayaw at sa gusto mo. Liligawan kita."sabi niya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gustong lumundag ng puso ko sa tuwa. Kasi kaya ako nagbabasa ng mga romantic novels ay dahil umaasa rin akong magagawa ni Art ang mga nakakakilig na bagay na nababasa ko sa gawa ni Markus Magic. Sa gawa at naisulat niya. Hindi ko inaasahan na higit pa roon ang magagawa niya.

Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. Totoo ang mga romantic novels na nababasa ko dahil ang taong matagal ko nang gustong mahalin ako ang nagsulat at gumawa nito.

ONE SHOT STORIES(koleksyon ni PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon