First Love, Last Chance(one-shot-story)

492 16 3
                                    

My one-shot-story(third attempt) haha XD.sana may magbasa at may magkomento o bumoto.

-----------------------------

First Love , Last Chance

----------------------------- 

-one shot story- 

-----------------------------

It's been ten years noong huli ko siyang nakita.kamusta na kaya siya?masaya na kaya siya?bakit kasi kailangan pa niyang umalis papuntang Canada?.paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatingin sa isang puno kung saan kami huling nagkita.Ako si Raine Sebastian isang photo journalist sa isang dyaryo.at ito ang kwento ko.

*year 2002*

.kasama ko ang kaibigan kong si Timmy sa park at nagpipicnic malapit sa isang malaking puno na kaming dalawa lang dahil may mahalaga daw siyang sasabihin sa akin

"yeyeng,may mahalaga akong sasabihin sa'yo"sabi ni Timmy na naging seryoso ang mukha na mula pagkabata yeyeng pa rin ang tawag sa'kin.

"ano yun ming?"tanong ko.at katulad niya ming naman ang tawag ko sa kanya dahil para siyang cute na cute na pusa.pero mahal ko yan.

"pupunta na akong Canada.pinapasunod ako ng parents ko dahil doon daw ako mag-aaral"nakakalungkot man pero kailangan kong tanggapin.

"mabuti naman,para mabawasan na ang makulit sa Pilipinas.hahaha"pagbibiro ko pero deep inside sobrang nasasaktan ako dahil aalis na siya.pero sa halip na saktan niya ako at mapikon umiyak siya.mga babae nga naman hindi rin maintindihan kung minsan.

"ma-mamimiss kita yeyeng!huhuhu"yinakap niya ako ng mahigpit at maging ako ay napaiyak na rin.

"babalik ka naman diba?bakit ka umiiyak?" bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin

"yun na nga yung problema eh,hindi na ako babalik"ouch!ang sakit pala kung iiwan ka ng taong minahal ng sobra.

"ganun ba?"tumalikod ako sa kanya para punasan ang luha ko at muling humarap sa kanya"sige may gagawin pa ako eh.kailangan ko nang umalis"tumakbo ako papalayo sa kanya at narinig kong sumisigaw siya.

"RAINE!"

.hindi ko siya pinakinggan at patuloy pa rin akong tumakbo at hindi ko napigilang umagos ang luha sa mga mata ko.ang unfair mo talaga Timmy.ang unfair mo!!!

At yun ang huli naming pagkikita.

*year 2012*

isa na akong ganap na photo journalist at nagustuhan ko ang trabahong 'to dahil hilig ko ang kumuha ng litrato at ibalita iyon sa mga tao.

"pare,balita ko dadating daw sa Pilipinas ang Pinay sensation galing sa Canada"sabi ng kaibigan kong si Jayson.

"sino naman yun?"

"haist!hindi mo kilala si Timmy Argueles?"tama ba ang narinig ko.si Timmy?pero paanong nangyari yun?.

"sorry pare hindi ko siya kilala?"pagtanggi ko dahil sa totoo lang gusto ko na siyang kalimutan.

"ganun ba.pero kailangan nating pumunta sa airport para interview-hin at kunan ng pictures siya."wala na naman akong nagawa dahil trabaho namin ito.

-AIRPORT ARRIVAL AREA-

.hindi pa rin talaga siya nagbabago.maganda pa rin siya tulad ng dati at ang sarap niyang kuhanan ng litrato dahil lahat ng anggulo masasabi kong perfect kilala pa kaya niya ako?

.dumiretso kami sa press-conference ni Timmy at may mga reporters na nagtatanong sa kanya ng kung anu-ano.pero isa lang ang tanong na nakatawag ng atensyon ko.

"Timmy,ano ang dahilan kung bakit ka bumalik ng Pilipinas?"hindi naman nakakaintriga pero bakit nga ba?

"kasi po,may tao akong gustong balikan dito sa Pilipinas and I hope he's still waiting for me"

nagulat ako sa sinagot niya kaya nabitawan ko ang hawak kong camera na nakakuha ng atensyon ng lahat.

"so-sorry"pinulot ko ang camera ko at umalis na lang basta.sino ba yung tinutukoy ni Timmy? ayaw ko mag-assume pero hindi naman siguro ako yun?

"pare okay ka lang?"pag-aalala ni Jayson na sinundan pala ako papalabas.

"okay lang ako pare.sige alis na ako"hindi ko na pinansin si Jayson at dumiretso na lang ako sa kotse ko papuntang opisina.

.bakit ba ganito yung nararamdaman ko? natutuwa ba ako kasi bumalik na siya?o dahil baka ako yung taong tinutukoy niya?paulit-ulit na tanong na namuo sa isipan ko habang nagdidrive.

*one month later*

"pare,babalik na pala si Timmy?"nagulat ako sa sinabi ni Jayson.

"ano?!"tumakbo ako at iniwan ang iniwan ko si Jayson.

"RAINE!saan ka pupunta?!"sigaw ni Jayson pero hindi ko siya pinansin.

AT THE AIRPORT 

.hindi ko na siya nakita.naabutan ko na lang na wala na ang mga reporters sa airport kaya dumiretso ako sa park kung saan kami nagpicnic noon at tumingin sa puno at ang mga tanong ay namuo sa aking isipan.

"natatandaan mo pa pala ang lugar na 'to?"nagulat ako dahil si Timmy ang narinig ko.

"anong ginagawa mo dito?"

"may naghihintay kasi sa akin sa lugar na 'to at sana nga hinihintay niya ako dahil yung taong yun ay mahal na mahal ko at ikaw yun Raine"napaiyak ako sa mga sinabi niya.

"mahal din kita.mahal na mahal kita Timmy." unti-unti akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa pisngi tsaka naglapit ang aming mga labi.

.habang naghahalikan kami ay walang humpay na bumuhos ang ulan at para kaming mga batang naglalaro at naghabulan.

nakasama ko na ulit siya ang taong una kong minahal at ang huling taong mamahalin ko. 

----------------------------- 

the end

written by : prince_heart01/PH

PLEASE VOTE,COMMENT OR BE MY FAN:)

ONE SHOT STORIES(koleksyon ni PH)Where stories live. Discover now