MUTE

5K 58 8
                                    

SIMULA:

PLEASE BE ADVISED
Warning: There are scenes of violence. Contains mature themes and strong languages that are not suitable for young readers.

TRIGGER WARNINGS
(May contain triggering and sensitive material, topics. Sexual violence, sexual assault and abuse, abortion, suicide)

Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.

READ AT YOUR OWN RISK

you'll find the grammar and the punctuation is a bit off, please bare with that

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents and either the product of the authors imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental

---

"Sigurado ka na ba dito anak?" bumalik ang aking atensyon kay Mrs Carpenter at nagising kakaisip ng mga kung ano pang bagay. Humigpit ang aking pagyakap kay chuchu, pig stuffed toy na regalo lang sakin, sa kanya lang naman ako yumayakao tuwing kinakabahan ako.
Napatulala ako sa mga seryosong mata ni Mrs. Carpenter, huminga ako ng malalim at tumango bilang sagot sa tanong niya.

Wala ng makakapigil sakin.

"Panigurado na bang hindi ka aatras?" kinabahan ako bigla sa sunod niyang tanong rason para mapakagat ako saking labi. Marami na akong masamang pinagdaanan, ngayon pa ba ako aatras? Kaya ko 'to, kakayanin ko. Tumango ako ulit at binigyan niya ako ng isang ngiti kaya nabawasan ang aking kaba.

"Okay, pero hindi kita pwedeng isama sa mga scholars ko." Napatango ako bilang pagsang-ayon hindi talaga ako mapapasama dahil mga matatalino lahat ng napapabilang at binibigyan ng scholarship ni Mrs. Carpenter. Hindi lang 'yan marami na rin siyang tinulungan na mga tao at isa na ako roon. Isa ako sa mga batang iniwan na ng mga magulang at isa siya sa mga tao na naging inspirasyon ko na lumaban sa buhay.

Laking pasasalamat ko rin sa mga taong nag-alaga sa akin Angel's Home isa sa mga bahay-ampunan na nagbukas ng pinto para sa akin. Pinayagan nila akong tumayo na ng mag-isa at makapunta rito. Doon ko nakilala si Mrs. Carpenter, isa siya sa mga maraming donations samin. Hindi ko na maalala kung paano ako napalapit sa kanya ang alam ko lang isa siya sa mga hinahangaan ko. Malaki ang respeto ko sa kanya.

Matanda na rin ako para manatili pa sa bahay-ampunan. Kinakabahan ako sa mga magiging resulta pero bahala na. Nandito na ako.

"Pero dahil makulit ka, may naisip ako anak. Pag-aaralin kita ng college na may kondisyon." Napakunot ang aking noo dahil bakit parang mas kinakabahan na ako ngayon.

"Gusto kong maging girlfriend ka ng anak ko." Napaawang ang aking labi sa aking narinig. Tama ba ako? girlfriend ng anak niya?

"Oo girlfriend, gusto ko sabay kayong mag-aaral, gusto ko palagi mo siyang... mababantayan. " paano ang maging girlfriend? wala akong alam. Hindi ko rin iyan naiisip pa, dahil kahit ako ang pinakamatanda sa amin sa Angel's home, bata pa ako para diyan at sa estado ko, hindi pa para sa akin ang mga bagay na iyan.

Napakamot ako sa aking batok tapos inabutan ako bigla ni Mrs. Carpenter ng isang susi.

"Papayag ka ba?" Napatitig ulit ako kay Mrs. Carpenter at sa susi na kanyang inaabot. Napalunok ako tapos napayakap kay chuchu. Huminga ako ng malalim habang nag-iisip ng malalim, gusto kong makapagtapos, gusto ko may marating ako sa buhay at alam ko ang edukasyon ang isa sa mga sagot, iyon lang ang alam ko ngayon dahil saan naman ako aabutin sa naipon kong alam kong hindi pa makakabuhay sa akin.

Angel's VoiceWhere stories live. Discover now