Adventure #2

261 8 7
                                    

"Let me be your boyfriend."

Isa sa mga salitang hirap akong sabihin pero kailangan kong sabihin para magkaroon ng development. Hindi ko yan sinabi nang hindi ko pinag-iisipan. I have to think of the consequences. Tama. Consequences. Napakahalagang bagay na hindi dapat ma-disregard.

Napatingin si Mariel sa akin. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagkagulat at kitang-kita na hindi kaagad siya makasagot sa sinabi ko. Nang marealize niya na nagmukha na siyang rebulto, tumingin siya sa ibang direksyon. Tumingin siya sa baba kung saan nandoon pa din ang baseball team.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin na may pagkakalma sa kanyang boses.

"Lance." sabi ko at hindi na ako nagdagdag pa.

"Sorry Lance, hindi ko alam kung ano ang pakay mo. Hindi kita pwedeng mapagkatiwalaan. Hindi nga kita kilala eh."

"Okay. Hindi din kita kilala nung una. Pero kanina, nalaman kong magkaklase tayo." sabi ko.

"Magkaklase... tayo??!" hindi siya makapaniwala. Tinignan niya akong mabuti. "Mukha ngang nakikita kita sa room pero hindi kita nakakausap.."

"Nagbago na ba isip mo?" tanong ko.

"Hindi pa din. At wala akong balak na iconsider ang offer mo. Marunong din akong mangbasted."

"Kung ganoon, iisa lang ang naisip kong dahilan kung bakit ayaw mong tanggapin ang offer ko."

"At ano naman yun?"

"Pwede mo namang sabihin na hindi kaagad. Nagbigay ka ng reason para tumanggi sa offer ko. Noong nagulat ka sa sinabi ko, tinanong mo ang pangalan ko, bakit? May naisip akong dahilan, marahil kahit sandali lang, naging interesado ka sa akin. Pero sa isang dahilan, hindi pwede. May pumipigil sa iyo."

Hinintay ni Mariel ang susunod na sasabihin ko.

"Sa paningin mo pare-pareho lang ang mga lalake. Ang kanilang paraan ng pangliligaw, ang kanilang mga sinasabi sa iyo. Ang kanilang pag-iisip. Pero nung nagulat ka, nakita ko sa mga mata mong hindi ito ang unang pagkakataong nagulat ka sa sinabi ng isang lalake." sabi ko.

"Tama na ang paligoy-ligoy. Ano bang gusto mong sabihin?"

"Ibig sabihin, ang puso mo ay matagal nang nakalaan para sa iba." sabi ko.

Umihip nang malakas ang hangin sa rooftop at nilipad ang kanyang mahaba at magandang buhok. Maganda ang buhok niya para sa akin. Parang sa mga napapanood niyo sa TV kung saan perfect ang timing ng mga background effects upang pagandahin lalo ang eksena lalo na kung ito ay madrama o kaya naman nakakakilig.

Halatang may pagkagulat muli sa kanyang mukha pero pilit niya itong tinago. Huli ka.

Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad papunta sa pintuan pababa. Wala siyang kahit anong sinabi. She shut the door closed.

Pagkaalis niya, nagsimula na din mawala ang mga tao sa grounds. The sun has set. Oras na para umuwi. Hindi ko akalaing uubos ako ng ganitong enerhiya ngayong araw. Kailangan kong magreserve bukas.

Biglang nagpakita si Gio sa may likod na parte ng rooftop.

Gio: Kakaiba siyang babae ah.

Lance: Oo nga. Mahihirapan tayo sa kanya.

Gio: Anong tayo? Ikaw lang!

Lance: *tumingin ng masama kay Gio* Ganyanan na pala tayo ngayon? After all? Nakalimutan mo yung panglilibre ko sa'yo sa jeep?

Gio: Kahit kailan hindi mo ako nilibre. Hindi ka nga nagbabayad eh.

Me, You and Everyone I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon