Adventure #4

240 6 13
                                    

"Mommy! Si ate! Inaasar na naman ako!"

"Nako naman. Don't cry dear. Nilalambing ka lang ni ate."

"Eh si ate kasi eh! Huhuhu."

"Lance, big boy ka na diba?"

"Yes! I am!"

"Do act like one. Big boys don't cry. Big boys do not let girls cry in front of them."

"Hindi ko maintindihan mommy."

"Haha. Maiintindihan mo din yan.. eventually."

"Mommy, don't cry.. I don't want to see you crying."

"Ako din naman eh. Hindi ko lang talaga mapigilan."

==================================================================

Sa hinaba-haba ng aking pagkabuhay sa mundong ito, hindi pa din ako namamatay. Pagkagising ko sa umaga, sinisiguro kong kumpleto pa ang parte ng aking katawan at nagpapasalamat sa Diyos para sa araw na iyon. Ngunit hindi ko inaayos ang kama ko. Minsan(o kaya palagi), binubuhol ko na lang yung kumot ko tapos itinatabi sa unan. Tapos yun, uupo muna ako sa kama, magmumuni-muni at hihiga muli ako upang maramdaman ang lambot ng aking unan...

GRAVITY WAR!!

Ang kama ko ang isa sa pinakanakakatuksong bagay sa buong mundo. Sinasabi pa nga natin na napakalakas ng gravity sa kama. Ibig sabihin, maituturing mo siyang isang continental shelf na maaring magdulot ng earthquakes. Hindi ko naintindihan yung last sentence na sinulat ko. Anyway, isa ito sa kahinaan ko. Pwede mong sabihin na weird ako, pero kapag nakakita ako ng isang kama na hindi ko pa nahihigaan...

I FEEL THE URGE TO TRY IT.

Seryoso to. Kaya hindi ako pumupunta sa section ng mga beds sa mga malls at department store. Hindi ko kakayanin. Kung mapunta man ako sa ganoong sitwasyon, tatalon na lang ako sa pinakamalapit na bintana o kaya tatakbuhin ko pataas yung pababang escalator.

Pagkadilat ko, tinignan ko kaagad yung orasan. 4:16am.. Maaga pa. Hindi pa nag-aalarm yung alarm clock ko kasi mag-aalarm yun ng 4:30am. Ayokong ng matulog ulit pero gusto ko pa din humiga. Kapag pumikit kasi ako, magmamagic yung orasan, magiging 6am na yan tapos malalate na ako sa school at paglilinisin ako ng CR.

Hinintay kong mag-alarm yung alarm clock ko bago ako tumayo. Nagseremonyas at kung anu-ano pa ang aking ginawa. Matagal ako sa banyo....

Okay.. Isipin mong nagkamali yung editor ng pelikula kaya biglang nagjump sa bagong scene. Ganun yung isipin mo. O kaya ang ganda ganda na ng kanta tapos pinindot yung next song ng kaklase mo. Tama. Mainis ka. Pwedeng mainis. Batuhin mo ng kulangot. Sunggaban mo, kagatin mo yung tenga tapos iharap mo yung pwet mo sa mukha at sabihin mo, "O ayan, nakita mo na kakambal mo."

"Welcooooome!!!" sabi nila sa akin ng ssobrang saya.

-Yan yung inaasahan ko sa pagwelcome sa akin ng club na sasalihan ko. Pero sabi nga nila, kahit na ikaw pa ang presidente ng America, mangungulangot at mangungulangot ka pa din. Don't expect too much.

Sinamahan ako ni Mariel papunta sa club na sasalihan ko. Huminto kami sa pinakadulong kwarto sa 2nd floor. Nakalagay sa harapan ng pinto ay "Literature CLub".

"Ready ka na?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako.

Binuksan na niya ang pinto aaat...

"Hello!" unang bati ni Mariel pagkapasok. Iniimagine ko na kung anong klaseng mga tao ang makikita ko sa club na ito. Literature club? Nung sinabi sa akin ni Mariel yung club, natuwa ako. Tingin ko kase wala namang ginagawa sa literature club. Nagbabasa, natutulog at natutulog at natutulog.

Me, You and Everyone I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon