Adventure #8

135 4 1
                                    

Isang babae? Nakapasok sa loob ng bahay namin?

Hindi naman siya bigla na lang nagpakita. Tingin ko dumaan naman siya sa pinto ng bahay at normal na naghanap ng gatas. Pero gatas talaga?

Hmmm.. Tinignan ko siya muli. Binuksan ko yung ilaw sa kusina at luminaw ang kanyang itsura sa aking mga mata. Yep. Nakauniform siya na kapareho sa akin pero nagkamali ako na ka-year ko siya. Abot ko yung cabinet kung nasaan yung gatas ngunit mukhang pinagkaitan siya ng kapangyarihan ng bagong taon para maabot yun.

Mas bata siya sa akin, sa tingin ko. Mukha siyang bata eh. Sana lang tama yung hinala ko. Pero teka nga muna.. ano nga bang dapat kong sabihin sa kanya?

"Uhhh. Oo?" sagot ko sa kanyang tanong.

"Great! Nasaan na?" napalaki ng ngiti niya at masayang nagtanong sa akin.

"Bago ko sagutin yan, kilala ba kita? Bakit ka nandito? At paano ka nakapasok?" andami kong tanong at sinabay-sabay ko na para hindi ko itanong ulit lahat. Nakakapagod eh.

"Hmmm.." nilagay niya yung kamay niya sa kanyang baba. Nag-iisip siya. Hindi niya alam o humahanap siya ng palusot?

"Hindi ba sa'yo sinabi ng ate mo na dadating ako?" sabi niya habang bumababa sa upuan kung saan siya nakatuntong.

"Nope. Sino ka?"

Tumayo siya ng maayos at humarap sa akin. Mas maliit siya sa akin. Parang grade schooler lang ang itsura niya. Mahaba at malaki para sa kanya yung uniform na suot niya. Mahaba at maitim na buhok hanggang sa stomach area, cute features (the fudge?), at ang kanyang kapansin-pansing mickey mouse na relo, nilagay niya ang kanyang makabilang kamay sa kanyang bewang at ngumiti sa akin.

"I am Ms. Kaori Bireo. At ako ang iyong temporary guardian!" sabi niya.

"Temporary guardian? Ha? Ikaw? Eh ako nga dapat magbantay sa iyo eh! Ambata-bata mo pa. Hindi ko alam kung paano ka nakapasok pero nako, medyo pabaya ang magulang mo." sabi ko at lumapit sa kanya para hilain siya palabas ng bahay.

Pero hindi ko nagawa 'yon.

PAAAAAAAAAKKKKK!!

"AHHHHH!!!  ANONG--"

Pinalo niya ako ng pamaypay! Teka san nanggaling yung pamaypay na yun? Anlaki!

"Hrrmm.. hindi sinabi sa akin ng ate mo na medyo bastos ka. Do I have to repeat myself? Ako ang guardian mo ngayon, at kailangan mong sumunod. Naintindihan mo ba?" sabi niya with her tiny woice. How cute. Heeheehee.

Hmm. Hindi. Mali mali. Anung cute? Wala akong mahanap na cute sa buo niyang katawan.

"Teka, ambilis ng pangyayari. Pwede ba tayong umupo at pag-usapan ito ng maayos? Sasabihin ko naman kung nasaan yung gatas eh?" sabi ko.

"Eh? Talaga?!!!" kumislap yung mga mata niya nung narinig niya yung gatas. Tapos mga limang segundo lang bumalik na siya sa scary mode. "Er.. I mean.. Hmph. May punto ka."

Kinuha ko yung gatas sa cabinet sa taas. Hindi niya maabot yung part na iyon dahil na din sa iksi ng kanyang mga braso. Ngayon nasa sofa siya at hinihintay yung gatas kasama ang kanyang Koko Krunch. Really, may multiple personality ba siya? At tsaka kahit anong tingin ko sa kanya, grade schooler pa din ang sinasabi ng aking utak.

Powdered Milk lang ang meron dito sa ngayon. Kaya kailangan ko pa siyang pagtimplahan para maibigay ko yung gusto niya. Hanggang ngayon iniisip ko kung bakit nandito pa din siya sa bahay. Pagkatapos ko matimpla yung gatas, agad akong pumunta sa sofa para maibigay sa kanya.

Tinanggap niya ang kanyang gatas nang napakasaya. Masaya din siyang kumakain. Pumapadyak ang mga paa habang kumakain. Hindi din abot yung paa niya sa sahig kapag nakaupo siya. Mukha talaga siyang bata, pero gusto niyang maniwala ako na siya ang guardian ko? Hindi ko naman kaialngan nun.

Me, You and Everyone I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon