Adventure #5

216 5 9
                                    

"Okay. Kung wala nang tanong, meeting adjourned!" sabi ni Ms. Hannah, ang president ng student council.

Nagsitayuan na ang mga miyembro ng student council kasama na si Gio na member ng executive committee. Pero bago makalabas si Gio ng meeting room, napatigil siya.

Napansin ni Hannah na tumigil si Gio at tumingin sa bintana. "Gio, may nakalimutan ka ba?"

"Wala naman po." sagot ni Gio. "May dala po ba kayong payong?" tanong niya.

================================================================

Nagmadali kaming sumakay ng tricycle papunta sa hospital. Tinawagan si Mariel ni Fatima at sinabi na nabangga daw ng kotse si Red. Hindi ko naman alam kung bakit ko pa kailangan sumama. Hindi naman ako yung gagamot kay Red. Moral support? Parang moral support sa download speed ng internet kahit na alam mong wala nang itataas pa?

Pero hindi ako masamang tao. Nag-aalala din ako kay Red kahit na ngayon lang kami nagkakilala. Siya pa naman yung pumayag na humiga ako sa kama ng club room. At dahil doon, malaki ang utang na loob ko sa kanya!

Medyo traffic pa sa dinaanan namin dahil sa pag-ulan. HIndi ko magets kung baket nabubuhol sa traffic kapag umuulan. Nahahalata kong hindi na mapakali si Mariel.

"Mariel, gusto mo na bang bumaba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Malayo pa kaya yun! Umuulan pa," sabi naman niya.

"Oh yun pala eh. Relax lang."

"Relax? Narinig mo naman diba? Nabangga si Red!"

"Oo. Patay na ba siya?"

Isang malakas ng hampas sa balikat ang natanggap ko.

"Anong patay na? Siyempre hindi pa!" sabi ni Mariel nang pasigaw.

"Oh hindi pala eh! Bakit kailangan mong manghampas?!" tanong ko nang pasigaw.

"Eh ikaw kase eh!"

"Anung ako?!"

"Kung anu-anong iniisip mo kasi!"

"Edi dapat hindi mo na ako sinama dito!"

"Wala kang puso!"

"Coco Martin."

"Ha?"

"HOY. ATE, KUYA. GUSTO NIYONG PABABAIN KO KAYO SA TRICYCLE KO? MASAMA ANG SOBRANG AWAY SA MAGKASINTAHAN." biglang sabat ni kuya driver.

Nanigas kami habang nakatingin kay Kuya. Parang nabuhusan kami ng plaster of paris tapos binasa kami agad. Umandar na sa wakas ang tricycle at gumalaw na kami ng medyo mabilis. Gusto ko sanang sabihin na, "Nako kuya, hinding hindi ko po magiging girlfriend yan kahit po sa panaginip ko!" kaso simula nanaman yun ng bagong away. Siguro yun din yung iniisip ni Mariel kaya tumahimik na lang din siya.

After 5 more minutes, nakarating na kami sa hospital. Dumiretso kami sa emergency room upang hanapin si Red.

Mali yung choice namin.

Patakbo kaming pumasok sa emergency room. Nauna si Mariel kasi ako, ayokong tumakbo. Nung naabutan ko si Mariel, nakatayo lang siya sa gitna ng emergency room.

"Mariel?" sabi ko. Hinawakan ko siya sa balikat at nagulat siya. Tinignan ko yung mukha niya. Yung mga kamay niya. Nanginginig siya sa takot. Ano nga bang makikita mo sa emergency room? Edi dugo.

Doon ko nalaman na takot siya sa dugo.

Kaya naman hinila ko siya kaagad paalis sa ER hanggang sa makapunta na kami sa isang pang entrance ng hospital. Nanginginig pa din siya. Siguro masyadong malamig yung aircon ng hospital. Pero hindi, may Hemophobia siya. Sigurado na ako. Makakita ka ba naman ng duguan na tao eh. Hindi ko alam yung gagawin, kapag nagpatuloy ito baka mahimatay na siya.

Me, You and Everyone I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon