Adventure #6

138 2 2
                                    

Naglakad siya ng dahan-dahan. Ayaw niyang may makaalam na nandun siya.
Naglakad siya sa hagdan hanggang sa makarating sa pintuan.
Pero hindi niya ito binuksan.

Inilapit niya ang kanyang tenga sa pinto. Mahina. HIndi niya marinig. Hindi siya mapakali.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ngunit maliit lamang na uwang ang ginawa niya. At ngayon, naririnig na niya ng mas malinaw.

Red: Ahhh. Si Julia ba? Nako wala yun! Okay lang sa kanya yun. Bestfriend ko yun eh.

She clenched her fist.

Lance: Yan din ba ang gagawin mo sa babaeng gusto mo ngayon? Gagawin mo munang 'bestfriend' tsaka mo didiskartehan?

Red: Teka lang.. hindi naman ganun yung intensyon ko.. Pero mukhang may alam ka na sa nangyari sa amin ni Julia. Past is past na eh. Huwag na natin ibalik pa.

Nakaramdam siya ng pagsisikip sa dibdib. Tumingala siya. Ayaw niyang mahulog ang mga luha sa kanyang mga mata . Wag. Wag kayong mahulog. Huwag.

Pero tuluyan ng umagos ang luha sa kanyang pisngi pababa. Ayaw na niyang marinig ang susunod.

Tumakbo siya paalis sa pintuan.

==================================================================

EEEEEEEEEKKKKKKKKKKKK!!

"Lance? Sayo yang pusang yan?" tanong ni ate.

"HIndi. Sa club namin to. Hindi ko alam kung pano niya ako nasundan."

"Sa club niyo?

"Oo."

"So hindi ka talaga nagsisinungaling na pumupunta ka sa club niyo?"

Huli ka. Hindi naman pala maniniwala si ate kahit na anung sabihin ko tungkol sa club. Ang akala niya hindi ako pumupunta sa club kasi alam niyang tamad ako at sayang lang sa oras ko ang pagpunta dun. Pero nagkamali siya. HAHAHAHA.

"Oo naman. Kinain nga nito yung ulam ko eh."

"Sabi ko naman sa'yo masama yang mga pusa! Akala mo maamo pero plinaplano ka nilang patayin!"

"Ate.."

"Maniwala ka sa akin Lance!" sabi ni ate.

"Lance?"

Bigla akong nakaisip ng idea. Actually, it's quite a BRIGHT idea. *ting* Napangiti ako. Ngiting kontrabida. HIHIHIHI.

"L-lance anung ngiti yan?" kinuha ko si Anna.

"H-huwag mo ilalapit yang pusang yan Lance. Don't you dare!" at lumapit ako ng dahan-dahan.

"Lance! Lagot ka saken!. Huwag ka lalapit!"

"Lance! Hanggang diyan ka lang!" Inilapit ko pa ng inilapit si Anna sa mukha niya.

"Laaaaaaaaaaaaaaaaance!! Tama naaaaa!!!!"

HAHAHAHA. Sweet revenge!

Inilayo ko na si Anna kay ate. Si ate naman medyo hindi pa nakakaget-over sa nangyari. Kaya naman dinala ko na si Anna sa kwarto ko at iniwan si ate para kumalma siya. Maghahanda na ako. Kasi sigurado. Oo sure na sure ako. Maghihiganti si ate. (scary~)

Pumasok ako sa kwarto ko. Maliit lang yung kwarto ko. Hindi ko maipagmamalaki pero kahit na tamad ako hindi ibig sabihin na makalat yung kwarto. Ang totoo niyan, tamad din ako magkalat. Sayang lang sa enerhiya kung mag-aayos ako ng sarili kong kalat, ako na nga ang nagkalat ako pa ang maglilinis. It seems illogical. For me.

Me, You and Everyone I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon