Zeus [20]

10.1K 195 7
                                    

20.

"Hindi ko nga alam paano nangyari yun." Pagsisinungaling ko kay Zeus. He is so damn happy about what happen to us. Dahil naman dun ay nawala ang aking kaba na baka itakwil niya ako or what, masaya ako na masaya siya. Hindi ko nga mapigilan ang ngiti ko eh.

Agad ko siyang naitulak ng sambitin niya ang pangalan ni Katniss, napaka-sakit! Kasabay nito ang pagtulo ng aking luha, nasasaktan ako! Hell I am hurt, narinig ko ang pag-aray niya. Mas masakit pa ang nararamdaman ko Zeus, I hate you for hurting me!

"Shit, Juliana! Why'd you do that?!"  Nagtaka naman ako at natigil ako sa aking pagiyak. Alam niyang ako ito? Pero, bakit niya sinambit ang pangalan ni Katniss?! 

"Y-you..c-called.." Hindi ko mabuo ang aking sasabihin dahil hindi ko alam pano ko ito sisimulan at ano ang aking sasabihin. All I know right now is I am so damn hurt, akala ko tama ang aking desisyon na ibigay ang aking sarili kay Zeus sapagkat alam kong mahal namin ang isa't isa. 

Napaurong ako ng lumapit siya saakin at humiga sa aking tabi. Nakahawak siya sa kanyang baba, na tila ba iniisip bakit ako naiyak. Then, bigla siyang tumawa. Napataas naman ang aking kilay dahil sa kanyang ginawa. 

"Hell! You thought that..Hahaha!" Nanahimik nalang ako, Pinagtatawanan niya ako. Nang makita niya na seryoso ang aking mukha at alam niyang hindi ako nagbibiro, natahimik siya at umayos ng upo at tinignan ako ng seryoso. 

"W-what?" Tanong ko sakanya. Hinawakan niya ang pisnge ko at seryosong tumingin saaking mga mata, gamit ang kanyang hinlalaki ay tinanggal niya ang mga luhang lumalabas mula saaking mga mata. 

"I saw Katniss, at the bar." He said. Mas lalo akong naiyak, ang aking kinakatakutan ay nangyari na. Alam ko sa sarili ko na, mangyari at mangyari rin ang mga bagay na ito. But it's too soon, hindi pa ako handa. 

"Z-zeus." Sambit ko sakanya, nanghihina ang aking sistema. 

"Ssshh. It's not what you think, She wanted to say sorry to me and also to you. That's why she's looking for me. Not to continue what we had before, but to ask for forgiveness. Juls, I already moved on and that is all because of you." Napakagat ako sa aking labi ng marinig isa isa ang mga salita mula sa kanyang mga bibig. Pero naguluhan rin ako, Forgiveness?

"H-huh?" Naguguluhan kong tanong kay Zeus. Ngumiti siya saakin at hinawakan ang aking kamay, Gamit ang kanyang isa pang kamay ay hinatak niya ang aking ulo ng marahan at inihiga iyon sa kanyang leeg. 

"Katniss has a brother. Well, an ex-convict brother." Napatakip ako ng bibig sa aking narinig. Ex-convict? 

"Then?" I asked. Masyado akong binibitin ni Zeus!

"His brother used drugs again, and got into an accident which killed someone." Napataas ang aking kilay sa kanyang sinabi. 

Loving An Esqueza (AMTMB FAN FIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon