Zeus: SC 1

8.3K 122 6
                                    

Special Chapter # 1:

Years ago..

"Zoey, bakit tayo nandito sa bahay niyo?" Tanong ng isang maliit na batang babae habang naka-hawak sa dalawang strap ng kanyang bag. Morena at hindi katangkaran ang bata, maamo ang mukha at lalo pang gumanda ang kanyang mukha dahil sa bulaklakin niyang headband.



Tumawa naman ang kaharap niyang babae. Maputi ito at matangkad, kitang kita mo rin na kahit bata pa ay maporma na magdamit at talagang babagay ang lahat ng kanyang susuotin dahil sa napakagandang hubog ng katawan at mukha.



"Nakalimutan mo na? I'm gonna introduce you to my brother!" Biglang nabitawan ng batang babaeng nagnga-ngalang, Juliana. Ang strap ng kanyang bag at napa-iwas ng tingin sa kanyang kaibigan na si Zoey. Hindi kasi alam ng kaibigan na may lihim na pagtingin itong si Juliana sa kanyang twin brother na si, Zeus.

"N-nako! Meron pa nga pala akong ano..Exam! Magrereview pa ako, B-bye!" Tatakas na sana siya ng hawakan agad ni Zoey ang kanyang braso. Umiling naman ang kaibigan na para bang sinasabi na wala siyang kawala.

Napa-buga siya sa hangin. Iisa lamang ang kanyang iniisip, Nahihiya siya sa kapatid nito. Hindi naman siya manhid para hindi mapansin na ayaw sakaniya nito at iniiwasan nga siya. Bumagsak ang kanyang balikat dahil sa kanyang iniisip, crush niya pa naman!

"Let's go." Sabi ng kanyang kaibigan na si Zoey at nagsimulang maglakad, siya naman ay sumunod lamang sa likod nito. Iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Zeus, malimit niya lamang itong nakikita. Siguro, Once in 2 weeks?

Nagsimulang kumatok si Zoey sa pinto ng kwarto ng kanyang kapatid. Agad naman bumalik sa mundo ang atensyon ni Juliana, nakaramdam siya ng kaba. Bakit nga ba kailangan niya bang ipakilala si Juliana kay Zeus?



"Bro? Andito na kami." Paulit ulit na sabi ni Zoey sa kanyang kapatid na walang kasigarudahan kung andun nga ba sa loob.

Ayaw tumigil sa pagkatok si Zoey ng makita niya ang isang kasambahay nila roon na siyang ina ni Juliana. Kumaway naman si Juliana sakanya, at ngumiti. "Nako, Zoey. Bilin saamin ni Sir Zeus, H'wag munang magpapasok ng tao sa kwarto niya. Ayaw niya raw ng istorbo." Naka-hinga naman ng maluwag si Juliana ngunit napangiti ito ng mapait. Makikita mo naman na lumungkot ang itsura ni Zoey dahil sa kanyang nalaman.


"Halika. Sa Garden nalang tayo mag-laro." Ngumiti muli ang dalaga at umiling habang tumatawa. Walang ibang kung anong nasa isip ng kanyang kaibigan na si Zoey kundi ang paglalaro. Sumama nalang si Juliana, masaya rin naman siyang naglalaro kasama si Zoey eh.



-----

Sa kadulo-duluhan ng kama sa loob ng kwarto na puro black at white lang halos ang laman, nakaupo ang isang batang lalaki na sa batang edad ay napaka-gwapo na at napaka-tangkad narin kumpara sa ibang mga lalaki.

Ang lalaking ito ay nagnga-ngalang si Zeus, ang kapatid ni Zoey. Napa-tayo siya ng marinig ang katok mula sa pinto, bubuksan niya sana ito ng bigla niyang marinig kung sino ang taong kumakatok. Ang kanyang kapatid.

"Bro? Andito na kami." Napaka-kagat ang binata sa kanyang ibabang parte ng kanyang labi. Alam niya kung anong meron ngayon, ito ang pinaka-unang event na kanyang inilagay sa kanyang calendar.

Lumakad palayo ang binata mula sa pinto at kinuha ang kanyang cellphone. Binuksan niya ang calendar nito at dito makikita ang nagiisang event na: Zoey's friend.

Simula ng sabihin sakanya ng kanyang kapatid na ipapakilala niya ito sakanya, agad na siyang naalarma. Oo, lagi niya itong nakakasama sa iisang bahay dahil kalaro ito ni Zoey. Pero, never pa silang nakakapag-usap sa isa't isa at hindi niya alam kung ano ba talaga ang meron sa babaeng iyon.

Parang sa tuwing makikita niya ito, bumibilis ang tibok ng kanyang puso na sa buong akala niya ay kinakabahan lamang siya. Napra-praning ang systema niya kapag napapanuod niya itong ngumi-ngiti o tumatawa, at wala sa sarili itong napapangiti.

Nangangati ang mga kamay na yakapin ito at hindi mapakaling mga paa na lapitan ito. Hindi niya rin alam anong meron sakanya kung bakit minsan paguwi nito mula sa eskwelahan ay sinusundan niya, Labis rin siyang naiinis o naiirita kapag nakikita itong may kasamang ibang lalaki.

Yun ang mga dahilan kung bakit niya ito nilalayuan. Bukod sa pinapa-gulo nito ang kanyang isipan, iniinis rin siya nito sa hindi alam na dahilan. Naiinis siya, ang dating daw kasi sakanya ay parang hindi ito makuntento sa iisang tao.

Naalala niya kasi lagi ng marinig niya ang dalawa na naguusap sa kitchen ng madulas si Juliana na masabing may crush siya sa binata. Wala sa sariling napa-ngiti si Zeus nun, at isa yun sa dahilan bakit nagfollowback siya sa mga ilan niyang followers na hindi naman talaga niya ginagawa.

"Nakakainis!" Nagmarcha ito palapit sa pinto at nagdalawang isip kung bubuksan nga ba ang pintuan. Kinagat niya muli ang kanyang labi sabay bukas ng pinto, ngunit ibang tao ang bumungad sakanya at hindi ito ang kanyang inaasahan.

Gulat na tinignan siya ng kanilang kasambahay, Napahawak si Zeus sa kanyang noo. Naalala muli niya ang araw kung saan tinanong pa niya sa kanilang kasambahay na nalaman niya ring nanay pala ni Juliana kung ano ang mga paborito nito.

Ngumiti na lamang si Zeus saka sinara muli ang pintuan ng kanyang kwarto. Patalon siyang humiga sa kanyang kama at saka ibinaon ang mukha sa isang unan. Hindi nagtagal tinignan muli niya ang kanyang cellphone, for the nth time napangiti nanaman siya sa wallpaper niyang dalaga na nakangiti--si Juliana.

Muli niyang binaon ang kanyang mukha sa unan, ngunit agad napabangon ng marinig ang tawanan ng mga babae. Napatingin siya sa bintana, at dumungaw ng kaunti at mula roon ay nakita niya si Juliana at ang kanyang kapatid na masayang nagbabasaan gamit ang hose.

Laking pasalamat niya rin sa binata, dahil rito nadudungaw niya minsan ang dalawa. Nakikita niya ang ngiti ng dalaga. Tuloy tuloy ang tawanan ng dalawa, laking gulat niya ng matumba ang dalawa hindi parin tumitigil sa tawanan.

Awtomatikong napatalikod siya at tila umakyat ang kanyang dugo sa kanyang mukha. Ang corny pala kapag lalaki na ang kinikilig, pero nakakatuwa. Mula sa pagkakatalikod, agad siyang napamura.

"Damn!"

Guess what? He just saw her underwear, Muli siyang napamura. Si Zoey nakashorts, bakit hindi niya muna ito pinapalit ng damit at nakauniform pa? Tugon ni Zeus.









---

Sup G. So yeah, Papalitan ko po yung Epilogue. Soon, I don't know when. Maybe after ng examinations namin, Nakonsensya meh. Hahaha! Dejoke, sa mga natatanggap kong feedbacks ngayon napagisip isip ko na deserve ng LAE ang happy ending.

Will you guys watch out for it? More Special Chapters coming!

Loving An Esqueza (AMTMB FAN FIC)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें