Zeus [14]

9.2K 231 16
                                    

(Please read my new story entitled as 'Ako Nalang Sana')

14.

Today is Saturday. Meaning, start na ng aming semestral break! This is a late semestral break, since madaming inayos ang administration ng aming school para sa mga exchange students. From here, selected students ang nakapasa ng examinations at nabigyan ng pagkakataon na makapagaral sa ibang bansa.

"Zeus, nagri-ring phone mo." Sabi ko sabay kalabit ko sakanya, Hindi naman ako nito pinansin. Kanina pa kasi ito nakatambay sa kusina, kasama niya ako. Sabi niya raw saakin magantay daw ako hanggang sa matapos siyang magbake ng Chiffon cake.

Remember what I told him before. I told him that I should be the one who will first taste his own made chiffon cake, So yeah. Here he is right now, making one for me. Err, This isn't his first try..If I'm not mistaken, This is his fifth attempt?

"Sssshh." He told me, may gesture pa ng kanyang daliri. Napilitan akong sagutin ang kanyang phone, It's an unknown number. I wonder who would that be, hindi ko naman nabalitaan na nagpalit ng number ang mga possible na tumawag kay Zeus eh.

Pumunta ako sa balcony at agad ko itong sinagot. "Hello?" I started, napataas ang aking kilay ng wala akong narinig na kahit anong pagsasalita mula sa caller. The heck, is this a prank call? Madalas ma-prank call yung mga classmates ko eh, kinukwento nila sa buong klase. Without them knowing na mga classmates rin namin ang nangtritrip sakanila XD

["Is Zeus around?"] Halos malaglag ang aking panga ng malaman kong babae ang caller, Ngunit sino ito? Maririnig mo ang kagandahan ng kanyang accent sa kanyang pagsasalita. Baka naman isa ito sa mga naging kaibigan ni Zeus abroad.

"Who is this?" I asked. I need to know, Wala ba naman akong kaalam-alam kung paano ko ia-address kay Zeus na may tumatawag sakanya. Eh ayaw ngang magpaistorbo ng taong to eh, Kaya mas mabuti na malaman ko ang pangalan niya para maipaalam ko ito kay Zeus.

["Is it alright if you introduce yourself first?"] Medyo naiinis ako sa inasal ng babae sa kabilang linya, I don't know if it's because she answered me with a question or I just got annoyed?

I managed myself. "Juliana Manuel speaking. Who are you then?" I asked. It took her a while before answering my question, but it felt like a knife which shattered my heart.

["Katniss.."] She answered. Halos mabagsak ko ang cellphone ni Zeus sa aking narinig, May namuong tubig sa aking mga mata at tila nakadama ako ng takot sa aking puso. I am now afraid, What happening right now is unexpected.

"S-swift?" I asked, I was about to ask something again when the call ended. There I broke down, agad akong napaupo sa may balcony ng matapos ang tawag, Naputol ang linya ng aming paguusap. Thank God! I can't barely breathe after hearing the voice of the person whom really own Zeus.

Para bang hiniram ko lamang si Zeus sa panandaliang panahon, at bigla nalamang dumating ang totoong may-ari sakanya upang kunin muli siya. Do I have any right to fight for it? I just borrowed something from someone whom I don't really know which happens to be a famous star overseas.

Bigla akong humagulgol sa iyak at agad kong niyakap ang aking sarili. Sapagkat, ako ay takot na takot. Hindi ko labis maisip, Hindi ko labis mai-sink in sa utak ko ang nangyari. I just spoke to Katniss, Natatakot ako sakanya.

She is like taking away my life. My Zeus, is my life. I forgot, He is not MINE. Napakagat ako sa aking labi at agad napaisip. Bakit ako matatakot sakanya? She is not a threat!

What matters the most is what's happening right now. PRESENT kung baga, Bakit ko kailangan i-mark as a threat ang isang memory from the past sa mga bagay na nangyayari saamin ngayon sa present? Kasama ko si Zeus ngayon, ako ang kasama niya.. Hindi si Katniss.

"Sht! Juliana, why are you crying?!" Nanlaki ang aking mata ng marinig ko ang boses ni Zeus. Hindi pa ako nakatatayo ay naramdaman ko na ang kanyang bisig saaking katawan. Agad ko itong niyakap, Natatakot ako..

"Babe, why?" Tanong ni Zeus habang hawak ang aking mga pisnge. He started calling me sweet names since last week, Mind you..Zeus is such a clingy person.

"I am afraid." Bigla kong sabi sakanya, Napatakip ako ng aking bibig sa aking sinabi. Why would I say that?!

He smiled at me. "Why are you afraid?" He asked, instead of answering him. Wala akong sinabi, You wouldn't expect me to say....'Zeus, you know what just happen?! Nakausap ko ang iyong Ex, yung ex mo na hinahabol habol mo at naging dahilan kung bakit ka naging ganyan. Sht, ang saya!'

"Whatever it is. I am always right here beside you. I would never leave you." He told me, napangiti naman ako sa kanyang sinabi. I raised my pinky finger at agad kong kinuha ang sakanya, I intertwined my pinky finger to his.

"Pinky swear, Promise that to me." I told him. He smiled at me, then he nod. I'll take that as a yes, After what we just did. Para bang nawalan ng isang libong karayom ang aking puso sa kanyang sinabi saakin.

He won't leave me...He won't.

"So, how does it taste?" He asked me. Andito kami ngayon sa kusina, I tasted the cake he made for me. Not bad, Masarap nga siya.

"I like it." I said and took another slice. Sumimangot naman siya, I just shrugged my shoulder.

"This symbolizes that from this day.." Nagulat ako ng siya ay lumapit siya saakin at agad hinawakan ang aking bewang, Agad niya akong hinapit papalapit sakanya. Nagulat ako muli ng ilapit niya ang kanyang ilong saaking ilong. Sht, Nose to nose!

"You're my girlfriend." Halos mabuga ko ang cake na nasa loob ng bibig ko ngayon, Napabitaw ako sakanya sabay takbo sa ref upang tumungga ng tubig. Narinig ko ang pagtawa ni Zeus, napatingin ako sakanya.

Iinom pa sana ako ng bigla kong nabuga sa mukha ni Zeus ang tubig. "Pwe!" Nagulat siya sa aking ginawa. I swear, Hindi ko sinasadya! Ngayon ko lang napansin na, naka-apron pala tong lalaking to..Tas Topless!!!

Nang makita ko ang mukha niya, nakaramdam ako ng kaba. Agad akong tumakbo palabas ng kusina, I am so dead! Mula sa malayo, tanging sigaw lamang ni Zeus ang aking nadinig. Agad akong sumilip at nakita ko si Zeus na may hawak na isang pakete ng flour.

"Juliana!!"

He...He is mine, for now...and for the next days.

--

#40 in Teen Fiction. Yesterday, #39 siya. Masaya naman ako sa nakikita ko, last month kasi ang ranking lang ng LAE is #60. Sana patuloy lamang ito, if ever naman sana naman kahit ma-maintain lamang.

Loving An Esqueza (AMTMB FAN FIC)Where stories live. Discover now