KABATANA 4

35 0 0
                                    

Lie

Nang matapos ang pag kain na yon ay taranta akong umakyat sa kwarto at inumpisahang bumuntong hininga ng ilang beses. Hindi parin ako makapaniwala sa mga narining ko. Umaakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Pano niya nagagawang sabihin yon? ang kapal ng muka niya. Sa harapan ko pa talaga.

Ngunit ng sumapit ang katanghalian ay wala naman akong magawa kundi mainip sa kwarto kung kaya't napag pasyahan ko ng ituloy ang balak kong pamamasyal sa lugar. Maganda rin naman ang panahon sa oras na to.

Kinuha ko ang aking camera at tuluyan ng bumaba. Sa bawat daan ko'y di maiwasan ang pag bulong ng mga empleyado na para bang ngayon lang nakakita ng babaeng nag lalakad.

Napadpad ang aking mga paa sa puting buhangin na may asul na dagat sa aking harapan. Tila tinatangay naman ng malakas na hangin lahat ng nasa aking isipan. Wala nakong ibang pwedeng idahilan sa sarili ko. Pakiramdam ko'y maayos naman ako ngunit hindi nga lang masaya. Si papa na lang ang tanging mayroon ako kaya't pipilitin kong gawin lahat para sakanya.

Itinaas ko ang aking kamay sa kawalan at umaktong inaabot ang langit. Gusto ko ng pakawalan lahat ng sakit pero paano? Kung gayong kahit ako'y natatakot sa sarili ko. Gusto ko ng kumawala sa poot.

"hindi mo yan maabot kahit anong gawin mo baby"

Napatalon ako sa gulat ng may mag salita at nang lingunin ko yon ay katauhan ni keifer ang lumantad sa aking mga mata. Labis ang gulat na aking naramdaman batid ko ring nakabahid ngayon ito sa aking muka.

Hindi ko na siya ulit tiningnan kahit pa nakangiti parin siya saken. Pakiramdam ko'y hindi ako makahinga sa tuwing lumalapit siya.

Nagsimula nakong humakbang palayo ng pigilan niya ang aking mga kamay. Awtomatiko akong napaharap sakanya. Mula sa magandang hugas ng kilay, malamlam na mga mata, matangos na ilong, at mapupulang labi na parang nang aakit. Hindi parin siya nag babago. Siya pa rin yung taong hinahangaan ko.

"bitawan mo ko"

Mariin ang aking pagkakasabi sakanya,pinipilit ko ring makawal ngunit talagang malakas siya. Naiinis akong nag balik ng tingin sa kanyang mga mata.

"we need to talk please?"

Kung nasa tamang wisyo lang sana ako'y iisipin kong nag mamakaawa siya sa tono ng kanyang pananalita ngunit dahil siya si keifer, ay hindi ako naniniwala.

Palagay ko'y papaikutin na naman niya ako hanggang sa maging isang batang sunod sunuran na naman sakanya. Yun naman talaga ang gusto niya.

"wala tayong pag uusapan and besides wag ka ngang dumikit o humawak sakin, we're not close enough para gawin mo yan"

Hinatak ko ng malakas ang aking braso at tiningnan siya ng masama. Pakiramdam ko'y kahit anong oras kung hindi pako aalis ay sasabog nako sa harapan niya. Masyado niya kong sinasagad.

Yumuko siya at napabuntong hininga ng tingnan ako. Tingin ko'y hinang hina na siya sa puntong ito.

Limang minuto na yata na ganon parin ang pwesto niya samantalang ako'y nakatingin lang sakanya. Gusto kong mag tanong. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin kung gaano kasakit ang ginawa niya.

Nandon siya nung mga panahong lugmok na lugmok ako, tinaas niya ko ng sobrang taas tapos iniwan den sa ere mag isa. Alam niyang ayoko ng mag tiwala ulet. Pero pinag katiwalaan ko siya. Alam niya lahat ng pinag daanan ko. Pero mas pinili niya kong saktan. Pinaasa niya ko sa sobrang kasiyahan na hindi niya pala kayang ibigay.

Hindi ko na kaya. Siguro nga mali lahat ng ito. Mali na bumalik pa ko rito, sa lugar kung saan nilibing na lahat ng pangako. Siguro nga kahit kailan ay hindi ako pwedeng maging masaya na lahat ng gusto ko'y karapatdapat lang na ipagkait sakin.

Tunalikod nako at winaksi lahat ng nasa aking isipan ng umpisahan nang humakbang. Ngunit wala pa yatang tatlong hakbang ang aking nagagawa ay narinig kong muli ang tinig niya.

"may rason ako, may dahilan ako kaya't hindi kita tinanggap noon. maniwala ka man o hindi mahal kita mula pa noon"

Kasabay ng luhang pumatak sa aking mata ang isiping kahit kailan ay walang naging tunay sa lahat ng taong aking minahal. Labis na poot, sakit, at panghihinayang ang tangi kong nararamdaman sa ngayon. Kung ito ang magiging bangungot ko sa araw araw ay mas pipiliin ko nalang na hindi na gumalaw. Ayoko ng maging alipin ng pag mamahal.

Sinungaling ka.

MI AMORWhere stories live. Discover now