KABANATA 2

52 1 0
                                    

Past

"oh! tatlo nalang aalis na, maam?sir? Batangas po? Dito na kayo maam!"

Paulit ulit na sigaw ng kondoktor rito sa bus station ng Cubao. Nandito nako ngayon sa loob ng bus at nag aantay nalang ng pag alis. Napag desisyonan ko ring dito sa tabi ng bintana maupo. Habang nakatingin sa labas ay diko maiwasang makapag isip isip kung ano nga bang pwedeng mangyare?

Wala akong ibang maalala sa islang iyon kundi sakit ng aking nakaraan. Sariwang sariwa pa ang sakit ng doon mag hiwalay ang aking mga magulang, ng ako'y lokohin ng inakala kong tunay na kaibigan, at masaktan dahil sa isang lalaking aking unang minahal.

Diko maiwasang isipin kung nandon pa ba sya? O kung ano ng ayos ng pamilya nila. Sa limang taon na lumipas sigurado akong marami ng nag bago. At hindi ko alam kung makaka sabay pa ba ko sa pag babagong iyon.

Natigil ang aking malalim na pag iisip ng umusad ang bus na sinasakyan ko, mukang paalis na ito. Kaya't hinilig ko nalang ang ulo at pumikit, mas mabuti nang matulog nalang ako kesa mag isip ng kung ano ano.

" Nasa Tambo, Batangas na tayo sinong bababa dito?"

Nagising ako sa sigaw ng kondoktor. Tiningnan ko rin ang bintana at napag tantong nasa Tambo na kami, malapit na sa Batangas Port. Inayos ko na ang aking gamit at nag hahanda ng tumayo.

Unti-unti akong namangha sa pinagbago ng Port dahil konkreto na ang lahat ng gusaling narito. Malayong malayo sa dati nyang anyo. Mahaba na rin ang lalakarin bago ka makapunta sa tubusan ng ticket.

Ang oras ng nakuha kong ticket ay saktong alas-singko pa. Saktong sakto naman dahil 4: 50 na , mag aantay na lang ako ng sampung minuto. Kaya't naglakad nako papunta sa bangkang sasakyan ko.

Isang kulay pulang bangka ang nag hihintay sa dulo ng Port, may malaki itong pangalan na Golden Raptor. Ito ang pangalan na nakalagay sa ticket ko kaya di nako nag dalawang isip na sumakay agad.

May iilang banyaga akong nakasabay sa bangka, dito rin ako sa pinaka likod umupo. Samantalang mayroon parin akong mga batang nakitang lumalangoy sa tabi ng bangka at humihingi ng barya. Sa lahat siguro ng pag babagong mayroon ang Port ay ito lamang ang hindi nakasabay. Natatandaan ko pa dati sa tuwing may nakikita kaming ganyan ni papa ay agad naming binibigyan.

Maya-maya ay gumalaw na ang bangka at nag umpisa ang makina. Katulad ng ginawa ko sa bus ay humilig na lang ulit ako sa upuan at natulog nalang.

Isang oras na ang makalipas ng ako'y magising, tamang tama naman dahil malapit na rin kami. Nakikita ko na ang malaking pangalan ng Puerto Galera.

Unti-unting nag tayuan ang mga kasama ko sa bangka, hudyat na pwede na kaming bumaba. Kinuha ko muna ang aking cellphone at nag umpisang mag tipa ng mensahe sa aking papa. Sinabi ko ring nandito na ko at mag aantay nalang ng sundo.

Nang makababa sa bangka ay nag lakad lakad nako sa bayan, pamilyar pa naman sakin ang ibang gusali at pwesto ng tindahan, ngunit marami ng nadagdag. Narito parin naman ang mga tindahan ng souvenirs na pinag kakaguluhan ng mga turista.

Nang makarating sa may gilid ng kalsada ay napag pasyahan ko ng huminto at mag antay ng aking sundo. Nagugutom na rin ako siguro'y isang buko pie pa lamang ang nakakain ko nung tanghalian. Hapon na rin masyado nang ako'y makarating.

May isang itim na sasakyan na huminto sa aking tapat. Lumabas ang isang medyo matandang lalaki at pumunta sa aking harapan sabay kuha ng aking gamit. Siya siguro ang aking sundo.

" naku maam rian kanina pa po ba kayo? pasensya na po nag pa-gas pa po kase ako. Mukang ginabi po kayo maam"

MI AMORWhere stories live. Discover now