KABANATA 3

31 0 0
                                    

Relasyon

Alas dies y media na ng umaga ng ako'y magising. Sakit ng buong katawan ang namayani sa aking sistema. Habang patuloy na nag mamasid sa silid na aking kinamulatan ay napansin ko ang isang bulaklak at rosas na nasa lamesa katabi ng kama na ito.

Isang puting rosas na may kasamang sulat....

"goodmorning beautiful, bumaba kana sa restaurant nakahanda na ang pag kain mo"
-keifer

Pupunitin ko na sana ang sulat ng may mapansin ako sa likod niyon. May isa pang mensaheng narito.

"aayusin ko ang lahat nace, aayusin ko baby"

Kusang tumulo ang luha sa aking pisngi, hindi ko malaman ang sakit na dulot ng isang mensaheng iyon.

Pano niya aayusin ang lahat e hindi naman talaga niya ko gusto diba?Isang nakababatang kapatid lamang ang turing niya saken at kahit minsan ay hindi na lumampas pa roon. Ako lang ang umasa sa lahat ng ginagawa niya.

Lumapit ako sa bintanang pinapasok na ng malamig na hangin. Kita dito ang buong dagat at mga tao sa ibaba. Naalala ko pa noong sinubukan niya akong turuang lumangoy. Ang mga tawa namin sa may dalampasigan, sariwang sariwa pa ang lahat.

" riannace hindi nga kita kaibigan wag ka ngang dumikit samen hindi ka naman talaga taga rito don kana nga ayaw kitang makita sakin lang si keifer kase kame ang mag ka-edad at ikaw bata ka pa"

Ang tinig na iyon ni Yumi ang nag pawi ng lahat ng ngiting naka pinta ngayon sa aking labi. Oo nga pala puro masasakit na ala-ala nga pala ang mayroon dito. Pati ang pag hahabol ko sa aking inang papaalis ay naalala ko ren.

"mama! wag mo po akong iwan, sino na pong mag aalaga saken? mama pls po ayaw nyo po ba saken?"

"oo ayoko sayo, ayoko na saenyo"

Sanay nakong iwanan ng mga tao. Sanay nakong kalimutan at balewalain basta basta. Sanay nakong maiwan yon ang totoo. Ngunit nandon si keifer para alagaan ako. Siya ang kasama ko sa lahat. Siya ang sinandalan ko. Dahil akala ko naiintindihan niya ko. At akala ko mahal niya ko.

Hindi naman pala. Isang bata parin ang tingin niya saken. Siya lang ang inaasahan ko at tinuring na huling taong tatalikod saken. Nagkamali pala ko dahil mas lalong masakit nung siya mismo ang umayaw sa isang katulad ko. Kelan ba ko magiging sapat para sa isang tao?

Tinapos ko na ang lahat ng kailangang gawin bago bumaba.Isang floral dress na tinernohan ng sandals ang aking suot. Minabuti ko ring itaas na lamang ang aking brown na buhok. Malaki na ang pinag bago ko. Isa nako ngayong ganap na babae. Ngunit parang walang nag bago sa pag tingin niya saken. Isang bata. Isang batang ini-iwan iwanan nalang.

Kasalukuyan akong kumakain sa restaurant ng aming hotel ng biglang pumasok si papa at naupo sa aking tabi. Nakatingin rin halos lahat ng staff sa aming mga galaw.

"goodmorning my daughter" bati niya ng nakangiti

"goodmorning den pa"

"anak mag gagala kaba ngayon?gusto mo bang ipasama ko sayo si keifer?"

Bahagya akong tumigil sa pagkain dahil sa gulat bakas rin sa akin ang kaba. Bakit siya na naman? Ipagkakatiwala niya na naman ako sa isang yon?tsk

"Pa i can handle my self hindi nako bata para bantayan at isa pa saulo ko paren ang Puerto Galera kahit papano"

Tumawa si papa ng marining iyon. Tila umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo at pisngi. Bata parin ba ko sakanila? Nakakainis. I'm twenty two hindi nako teenager!

"anak hindi ka parin ba nakaka-move on kay Keifer?"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni papa. Agaran din ang tingin na ginawad ko sakanya. Pa-paanong nalaman niya ang lahat ng ito?

"HAHAHAA look at you my daughter. Wag ka mag alala wala namang sinabi saken si keifer bukod sa hindi ka daw niya mapasagot sa kanyang panliligaw haha"

"A-ano pa? anong panliligaw?" gulat ko paring sabi

"Oo, sabi sakin ni keifer takot pa daw kayong mag pakitang may relasyon kaya hindi ka daw niya pinilit na sagutin siya. At tila nag kalabuan lang yata kayo ng umalis ka hindi ba?"

"Wh-what? anong sinasabi mo papa?" Taranta kong sabi

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumabat ang isang waiter sa aming pag uusap.

"sir andito na po si sir keifer"

Nang sabihin iyon ay tila automatic na gumalaw ang aking kamay at pinulot ang tinidor at kutsarang narito. Yumuko rin ako para maitago ang pangamba sa aking muka.

Naramdaman kong lumapit siya sa lamesa at naupo sa aking tabi.Hindi nako mapakali. Ngayon lang ulit tinambol ang puso ko ng ganito. Sht.

" goodmorning beautiful" ngiti niyang sabi sakin

" goodmorning pa,"

lalo akong nagulat ng binati niya si papa ng ganon, sa pag kakataong ito'y litong lito nako.

" HAHAHHA good morning Keifer ayos na ba ulit kayo ng anak ko? nako ayusin nyo na agad yan ha! ikaw lang ang gusto ko para sakanya" natatawang saad ni papa

Ano ba to? Ano bang nangyayare? Gusto kong magtanong ngunit wala ni isang letra ang lumalabas sa aking bibig. Nakakainis. Bakit wala akong ideya sa nangyayare.

" Hindi naman po kame nag hiwalay pa, walang official break up kaya palagay ko'y saken paren siya."

Wala na. Ligaw na naman ako sa nararamdamang ito. Tanging malakas na kalabog sa dibdib ang naririnig ko. Isang ngiti ang ngayong nasa harapan ko. Kung hindi ako nag kakamali'y sinabi niya bang gusto niya ko? Sht

MI AMORWhere stories live. Discover now