Chapter 8: Eye-To-Eye Contacts

404 19 13
                                    

Chapter 8: Eye-To-Eye Contacts

Pasan-pasan ko sa aking dalawang braso ang sandamakmak na folders, tinahak ko ang hagdan papanik sa fifth floor ng I.T. building kung saan matatagpuan ang office ng professor namin. Kung hindi sana ako ang naging leader sa isa naming major subject hindi ko obligasyon na ipasa ang gawa ng mga kaklase ko. Malas pa dahil may hinahabol na deadline sina Teppy sa isang minor subject namin kaya hindi nila ako magawang samahan. Mabuti na lang tapos na ako duon kaya wala nang kasabay sa ginagawa ko ngayon.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na bumusangot. Halos takpan nang mga folders na ito ang mukha ko. Nakakainis talaga dahil kailangan kong bilisan dahil may deadline kung hanggang anong oras lang maaaring magpasa.

‘Kapag sinuswerte ka nga naman sa mga kagrupo, walang may mabuting kalooban na sasamahan kang magpasa ng requirements. Last na ‘to, hindi na ako magli-leader kahit kailan.’ Sarkastiko kong naiisip sa loob-loob ko.

Nasa may fifth floor na ako at ilang hakbang na lang ay may bigla na lang lumabas na isang estudyante mula sa loob ng kanilang classroom. Saktong nasa may tapat pa ako ng pintuan kaya muntik ko ng mahulog ang mga folders na nasa aking braso. Napigilan lamang ito ng bigla na lang hawakan ng estudyante ang mga folders at iniwas sa pagkakahulog.

“Naku!” tinignan ko ang mga folders na nasa braso ko. Nagulo ang ayos noon kaya madali kong isinalansan ulit.

“Sorry! So—” natigilan ang estudyante sa paghingi ng tawad.

Nabosesan kong isa syang lalaki pero patuloy pa rin ako sa pagsasalansan ng folders. Hindi ko man lang sya tinapunan ng tingin dahil abala ako sa aking ginagawa. Sapat nang humingi sya ng paumanhin, mas mahalaga ang mga folders na dala ko.

“Chalstine,” mabilis kong nailipat ang aking tingin sa kanya ng banggitin nya ang pangalan ko. Hindi ko pa sya agad nakita noong una dahil sa mga folders na nakapatong sa braso ko pero nang makumpirma ko kung sino sya, bigla na lang akong napaisip.

Bakit ba hindi ko nakilala agad ang boses nya noong nagsorry sya? Dapat kanina pa ako umalis at hindi ko na lang sya pinansin. Patay ako nito, iniwasan ko na sya noong huli kaming nagkita. Bakit pinagtagpo pa ulti kami ngayon? Malas ba talaga ako ngayong araw dahil dumagdag pa sa iintindihin ko na dito rin sya sa university na nagaaral?

Kailangan kong makaiwas sa kanya. Baka kung ano pa maisip nitong gawin sa akin.

Madali kong iniwas ang tingin ko sa kanya, nakakatunaw ang titig nya sa akin.

“Ah, sige. Alis na ako,” mabilis kong hinawi sa kanya ang mga folders na dala ko para makaalis na. Wala akong balak na magkausap pa kami ng matagal.

“Teka lang Chalstine, huy! ‘Wag kang magalala, hindi naman kita aayain magmilktea ulit! Huy! Sorry na!” nakasunod sya sa akin.

Napapikit na lamang ako para magpigil na magsalita, wala akong balak na sabihin sa kanya. Pero hindi tulad noong huli kaming nagkita sa bookstore, ngayon naman nakasunod sya sa akin. Tila wala syang balak na tantanan ako. Wala bang klase ang isang ‘to?

"Chat Me, Cha."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon