Chapter 4: Headquarters

511 26 11
                                    

Chapter 4: Headquarters

Nagtungo ako agad sa cashier upang bayaran ang mga kinuha kong materyales na gagamitin ko sa report at ang gaming magazine na naging dahilan ng pagkakausap namin ni Ghon. Hindi na ako nagsayang ng anumang oras dahil sa pangamba ko na baka sundan nya ako.

Matapos kong magbayad, lumabas na ako ng bookstore. Nasira ang plano kong puntahan si Evo ng makatanggap ako ng text mula sa kanya. Magkikita daw sila ng Papa nya ngayong hapon at maghahapunan sa labas.

Wala akong nagawa kundi lakasan ang loob para umuwi na magisa. Para akong praning na walang tigil ang tingin sa paligid dahil sa takot kong baka sinusundan ako ni Ghon. Hindi nya maaaring malaman ang daan kung saan ako nakatira at mas lalong hindi nya maaaring malaman kung saan ang bahay namin.

Natapos ang buong araw na pasulpot-sulpot sa isipan ko si Ghon. Napapailing na lang ako sa tuwing maaalala ko ang nangyari sa bookstore. Sana hindi ko na ulit makita si Ghon, kung makita ko man sya sana hindi na ako nagiisa. Pakiramdam ko nasa bingit ng panganib ang buhay ko dahil sa kanya. May pagkamisteryoso din ang isang ‘yon.

“Margarette, wala pa si Evo. Hintayin mo na lang,” seryoso si Kuya Ivan na naglalaro ng TLC, ni hindi man lang nya ako nilingon kahit na alam nyang dumating na ako.

“Oo naman Kuya Ivan, ikaw ba wala kang pasok? Nandito ka na naman kasi,” umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi nya.

Nakapagtataka talaga itong si Kuya Ivan, ang alam ko kasi may trabaho na sya ngayon. Pero lunes na lunes madadatnan ko sya na nakaharap sa computer at wala pang alas kwatro ng hapon nakatambay na sya agad dito sa headquarters ng UFC.

“Naghalf day ako,” masungit nyang sabi.

Aba, marunong na palang magsungit ang isang ito? Hindi kaya may mali?

Hindi pa kami ganu’n katagal na magkakilala ni Kuya Ivan pero kilala ko na rin ang ugali nya. Sa halos magdadalawang taon pagkakaibigan namin, nakuha ko na rin ang timpla ng ugali nya. Tulad ni Kuya Dustin, malapit sa akin ang isang ‘to. Kaya ramdam ko kung kailan sya masaya at kung kailan sya may pinagdadaanan, parang ngayon. Mababakas sa tono ng boses ni Kuya Ivan ang pinaghalong pagkainis at hindi malamang dahilan ng kasungitan nya.

“Bakit Kuya Ivan?” tinuon ko ang mga tingin ko sa mukha nya. Kapansin-pansin ang biglaang pagkunot ng kanyang noo. Konti na lang magtatagpo na sa gitna ang kanyang mga kilay.

“Naiinis ako kay Kaye,” binitiwan ni Kuya Ivan ang mouse at agad na humarap sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay Kuya Ivan. Sa unang pagkakataon naging ganito sya kasungit at kaseryoso dahil sa isang babae. Dati-rati hindi ko sya mariringgan na banggitin man lang kahit isang beses ang babaeng karelasyon nya, pero ngayon narinig kong sinabi nya ang pangalan ni Kaye. May pagbabago sa kaibigang ito ni Kuya D.

Pero hindi ko maitatanggi na sa kabila ng pagtataka ko, napangiti ako dahil sa sinabi ni Kuya Ivan.

"Chat Me, Cha."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon