Chapter 1: A Giggly Start

1.1K 35 28
                                    

Chapter 1: A Giggly Start

Konting-konti na lang susuko na ako sa ginagawa kong project. Napipikon na ako dahil sa bagal ng computer na gamit ko. Ilang beses na itong nag-hang habang gamit ko, talaga atang inuubos ng napakaslow na computer na ito ang natitira pang pagtitimpi na mayroon ako.

“Margarette, kanina mo pa hinahampas ‘yang keyboard. Kapag nasira ‘yan ikakaltas ko sa baon mo ang bibilhin kong kapalit n’yan,” galit na sabi ni Kuya Dustin mula sa sofa.

Napayuko na lang ako at sinapo ko ang aking ulo. Naiinis na kasi talaga ako. Hindi ko matapos-tapos ang ginagawa kong codes para sa website na project namin. Kung kailan ako ginanahan, saka naman hindi nakisama ang computer dito sa bahay. Sino ba namang hindi mapipikon sa ganitong eksena?

“Kuya Dustin, ang bagal-bagal ng computer natin. Ipa-upgrade mo na kasi, nahihirapan na akong gumawa ng mga projects ko. Next semester mas mahirap na ang mga projects na gagawin namin,” inikot ko ang swivel chair at humarap kay Kuya D. Prente ang pagkakaupo nya sa sofa samantalang ako lugmok sa kinauupuan ko.

Ginamitan ko ng pinaka nakakaawang reaksyon ng mukha ko si Kuya D. Tumayo sya na tila napilitan lang, lumapit sya sa akin at sinilip ang computer. To the rescue na naman sya sa akin at sa problema ko. Problema ko na halos araw-araw ko na lang kinakaharap, hanggang ngayon wala akong maayos na solusyon.

“Teka restart mo na lang,” gusto kong maiyak sa sinabi ni Kuya Dustin. Pero mas gusto kong humagulgol ng makita ko ang ginawa nyang pagpindot sa cpu ng computer namin.

“Kuya Dustin! Kasi.. kasi naman e.. hindi pa ako nakakapagsave,” sinubsob ko ang mukha ko sa mesa ng computer.

Gusto kong magwala sa ginawa ni Kuya Dustin. Ramdam ko na ang mga luha na nangingilid sa mga mata ko. Hindi ko matanggap ang ginawa nya, pinaghirapan kong itype ang mga codes na ‘yun tapos nirestart nya lang ang computer? Ang sarap magmura kung marunong lang ako.

“Ay bakit kasi hindi ka nagsave? Naku sorry Margarette, kaya mo ‘yan. Ayan nagopen na ulit ‘yung computer, type mo na lang ulit. Sorry!” niyakap ako ni Kuya Dustin. Pero hindi sapat ang yakap nya, hindi na kayang ibalik ng yakap nya ang mga luha ko na tumulo na sa mesa.

Kumalas si Kuya D sa pagyakap sa akin samantalang ako nakasubsob pa rin ang mukha sa mesa. Ayokong tingnan ang screen. Alam kong malulungkot lang ako dahil uulit na naman ako sa ginagawa ko. Nakakainis talaga, nasa kalahati na ako kanina e.

Labag man sa kalooban ko, iniangat ko ang mukha ko. Nakabusangot kong tiningnan ang nasa harapan ko. Nice. Homescreen. Ayos ‘to, ulit sa simula.

Pasalamat si Kuya Dustin mabait akong kapatid, dahil kung ibang tao ang gumawa sa akin nito malamang kanina ko pa nasigawan. Kanina ko pa sinumpa ang nilalang na nagpaguho ng kinabukasan ko. Kanina pa nilamon ng lupa ang taong nagpatulo ng mga luha ko. Pasalamat si Kuya Dustin dahil kuya ko sya.

“Uso kasi mag-save Ate,” narinig kong nagsalita si Justin, nasa sofa na rin sya. Ilang metro lang ang layo nya sa akin dahil nasa sala ang computer table namin.

"Chat Me, Cha."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon