Chapter 7: New And Old

378 22 7
                                    

Chapter 7: New And Old

“Chalstine! Pahiram na kasi ako!” gusto ko ng takpan ang tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Teppy. Kanina pa kasi nya ako kinukulit, hinihiram nya ang laptop ko.

Pero ilang beses ko na rin syang tinanggihan. Hindi naman sa pinagdadamutan ko sya, natatakot lang ako na mapaano ang laptop na binigay sa akin ng boyfriend ko. Ayokong ipagkatiwala sa kahit na sino ang isang bagay na alam kong mahalaga sa akin. Tanging si Evo lang ang pwedeng makahawak nito habang hindi ako nakatingin.

“Kadamutan mo ha!” sumimangot na si Teppy, hinayaan ko lang sya. Natawa na lang ako sa kakulitan nya.

“’Wag mo ng hiramin ‘yung laptop ko, darating na rin naman si Prof. Magreview ka na lang baka magpaquiz pa ‘yun,” nakangiti kong sabi sa kanya habang hinawagayway ang notebook na hawak ko.

Inirapan nya lang ako at binaling ang tingin sa libro na kanya na ngayong pinaglalaruan ang pagpapalipat-lipat sa mga pahina nito.

“Tss.. Walang quiz, may reporting. Pero ‘wag ka masyadong magbigay ng attention mo sa magrereport, baka ma-out of focus pa ‘yung tao,” tumingin sya sa akin pagkasabi nya noon.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya, bakit naman mawawala ang focus noong kaklase naming magrereport?

Tiningnan lang ako ni Teppy na para bang hindi sya makapaniwala sa reaksyon ko. Umiling-iling sya na para bang sinasabi na dapat alam ko na ang ibig nyang sabihin. Pero anong magagawa ko kung wala naman akong alam sa ibang nangyayari sa loob ng klase namin?

Natigilan ang lahat maging kami ni Teppy nang pumasok na sa classroom ang professor namin. Mukhang hindi maganda ang timpla nya ngayon dahil sa busangot nyang mukha. May bitbit syang dalawang libro at mariin itong inilapag sa kanyang mesa.

“Who’s the reporter for today?! Get ready in five minutes,” napaayos ako ng aking upo ng magsalita si Sir.

Sa klase naming ito, madalas na kapag masama ang dating ng professor namin paniguradong may nakahanda na syang quiz pagkatapos ng lesson. O kapag mas malala, may surprise recitation sya na nagiging dahilan kung bakit nangangatog ang lahat ng mga kaklase ko sa kanilang upuan. Siyempre maging ako hindi nakakaligtas. Pwera na lang kay Lathaniel na laging may sagot sa bawat tanong ni Sir.

Bakit ba tila ang bagal magproseso sa utak ko ng sinabi sa akin ni Teppy kanina? Ngayon ko lang napagtanto kung sino ang tinutukoy nya na ‘wag ko raw tapunan masyado ng atensyon habang nagrereport.

Nakita ko kung paano inayos ni Lathaniel lahat ng kailangan nya para sa reporting. Ilang cartolina, cue cards, marker at ang libro na kailangan nya. Hindi mapagkakailang pinaghandaan nga talagang maigi ni Lathaniel ang irereport nya ngayon sa klase.

Sa hudyat ng professor namin, agad na lumapit si Lathaniel sa harapan. Umalis si Sir sa kanyang mesa at naglakad papunta sa dulo ng classroom. Kinabahan pa ako ng konti dahil sa gilid ko sya dumaan, mabuti na lang at hindi sya huminto para pansinin ako. Nakaugalian kasi ni Sir na bigla na lang tatabi sa estudyante at biglang magpaparecite. Ganun sya, kaya nakakakaba.

"Chat Me, Cha."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon