Chapter 6: Sheeran's Shadow

421 15 6
                                    

Chapter 6: Sheeran’s Shadow

“Mahal na mahal kita, Margarette..” laking pasalamat ko na yakap-yakap pa rin ako ni Evo dahil kung hindi, kanina pa sana ako natumba sa kinatatayuan ko. Nanlalambot na ang mga tuhod ko sa pinaghalong kaba at kilig na nararamdaman.

Alam ko na hindi ito ang unang beses na naging pasaway ako sa aming dalawa ni Evo. May pagkakataon na nagsusungit ako sa kanya sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa akin. Sa loob ng anim na buwang relasyon namin, sya ang sumasalo sa init ng ulo ko kapag may bagsak akong exam o ‘di kaya naman ay kapag hindi mataas ang nakuha kong grade sa project na pinagpuyatan ko. Parati syang nakaalalay sa akin, kailanganin ko man sya o hindi. Hindi ko na rin kailangan pang magabala na magtext sa kanya dahil kahit hindi ako magsabi, nakaabang na sya para sa akin. Tingin ko pa lang sa kanya, alam na nya kung may pinagdadaanan ako o wala. Pagdating kay Evo hindi ko magagawang magsinungaling dahil kilalang-kilala na nya ako. Nababasa nya ang bawat galaw ko.

Masasabi kong hindi pa sapat ang tagal ng relasyon namin sa tagal ng pinagsamahan nila ng Kuya Dustin ko, pero napabilib ako ni Evo dahil nagawa nyang malaman agad ang halos lahat ng mga bagay tungkol sa akin.

“Sorry.. Late ako..” napakagat ako sa aking labi ng sabihin ko iyon. Mali Chalstine, mali na late ka na naman!

“Shh.. Tama na, nandito ka na sa akin. ‘Wag mo ng isipin ‘yung kanina. Magagalit ako kung hindi ka dumating, better late than never. Right?” humiwalay ako kay Evo at nakita ko ang matamis nyang ngiti na nakaabang sa akin.

Napangiti na lang din ako kahit na ang totoo nahihiya pa rin ako. Kailangan kong bumawi, hindi na ako pwedeng ma-late sa susunod na usapan.

“Let’s go? Early dinner?” nilapit ni Evo ang mukha nya sa akin. Nagbalik-balik ang tingin nya sa aking mga mata.

“Sige ba,” hindi na ako tumutol.

Masayang mukha ang binigay sa akin ni Evo. Senyales na masaya sya sa pagtanggap ko sa kanyang paanyaya. Madali nyang hinawakan ang kamay ko at ginaya nya ako papunta sa kabilang pintuan ng kanyang sasakyan sa front seat. Pinagbuksan nya ako ng pintuan at kinuha nya ang mga librong bitbit ko, kasama na ang laptop na kanyang binigay sa akin. Inalalayan nya muna ako sa pagsakay at nang masigurado na nyang nakasakay na ako, saka naman nya isinara ang pintuan. Nagtungo naman sya sa likurang pintuan para ilagay ang mga libro ko pati na rin ang laptop. Mabilis syang pumunta sa driver’s seat ng mailagay na nya ang gamit ko sa likod. Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mukha ni Evo ng pumasok sya sa sasakyan.

“What do you want for dinner?” malambing nyang sabi habang nila-lock nya ang aking seat belt.

“Ayoko ng pasta ngayon,” alam ko naman kasi ang iniisip nya, mahilig ako sa spaghetti.

Pero sa ngayon nagugutom ako, gusto ko ng pagkaing nakakabusog. Heavy meal ang naiimagine kong nakahain sa harapan ko ngayon, kailangan kong magreview mamayang gabi kaya kailangan may laman ang tyan ko para walang sagabal sa pagaaral ko.

“Then let’s go to for a dinner buffet? Hindi ako nakapagpareserve pero may kakilala ako na manager ng isang buffet restaurant,” nanatiling nakatitig sa akin si Evo, naghihintay ng aking pagsang-ayon. Hindi pa nya maituloy-tuloy ang paglalagay ng kanyang seat belt.

"Chat Me, Cha."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon