Chapter 6: Where It All Started

13.3K 94 10
                                    

UD ulit! Masipag eh? Bakit ba.. :DD Hahaha.

Dedicated to @itismitsi. :)) Thanks sa comment mo girl. <3

Stephen and Stephanie on the right side. :D Sorry panget edit. xD

Enjoy Reading! :)

----------------------------------------------------*

PLEASE READ: Back to present time tayo ha? Baka malito kayo. Pero may flashback ulit dito. Then sa next chapter ung last flashback. Guys wag kayong mainip ha? Mahalaga yung mga flashback kasi dito nakasalalay yung flow nang story. After nang flashback next chapter, tuloy-tuloy na tayo sa Present time. :)

Stephanie's POV

Kauuwi ko lang galing Trinoma with Alison. Nag shopping kami nang konti, nagpa-spa siya, nagpunta ako sa salon, at ayun, nag-enjoy naman kami pareho. Too bad, kailangan niyang umuwi nang maaga dahil pupunta pa daw siya sa bar niya. Literally, 'bar niya' means bar niya talaga yon, she owns it.

Napaupo ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. Hirap talaga pag wala kang kotse! Nakakainis naman kasi si mama. May kotse naman talaga ako, pero sabi ni mama, di ko na daw kakailanganin yun dahil kasama ko na si kuya at may kotse siya. Eh yun na nga ang problema dun! Hindi nga kami magkasundo di ba? Alangan namang ihatid-sundo niya pa ako sa school eh may pasok nga siya di ba?! Hayss. Sa bagay, maganda na din yun, magco-commute na lang ako papuntang school.

"Hayss." I sigh.

-__-

o__o

Teka, bakit ang tahimik? Wala pa si kuya?

I look at my wrist watch. it's already 8:22pm. Hindi naman siya pumasok ng trabaho ah? Sabi ni mama mag day-off daw muna siya para makasama namin siya mag lunch, pero bakit wala pa din siya hanggang ngayon?

Tumayo ako at nagpunta sa kwarto niya na katapat lang nang room ko. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Tama nga, wala pa siya. Pero asan na naman kaya yon? Siguro kasama na naman niya si Alysa. Napailing na lang ko.

*tok tok tok*

Napalingon ako sa may sala.

*tok tok tok*

Sino naman kaya tong kumakatok? Imposible namang si kuya to dahil hindi naman un kakatok sa sarili niyang condo.

Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

O.O

"A-ah. Miss. I-ikaw si Stephanie di ba?" Tanong nung lalaki. Napatingin ako kay kuya na naka akbay sa kanya for support. LASING. >___<

"Oo." Sagot ko.

"P-pwedeng papasukin mo muna kami? Ang bigat nang kuya mo eh."

"A-ayy. Oo sige. Tara." Then pinapasok ko sila.

"Dun mo muna siya ilagay sa may sofa. Ako nang bahala sa kanya." Sabi ko.

Then hiniga niya si kuya sa sofa.

"Ahm, kaibigan ka ba ni kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Ah oo." Then lumapit siya sakin. "Jacob Lucas." Inabot niya yung kamay niya for shake hands.

I reach for the hand. "Stephanie Chelle. Steph nalang." Then we shake hands. Tumango naman siya at binitawan ang kamay ko.

Kahit Di Ka Akin (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon