Chapter 4: His Feelings

13.3K 95 6
                                    

UD ulit! Sinisipag eh. :))

You wanna see Alysa? She's right there. On the right side. :)

More characters coming!

Dedicated to Ate Demonise! Super love ko kasi ung Our Dirty Little Secrets niya. :)

Enjoy Reading! :)

-------------------------------------*

Stephen's POV

 Mahirap. Masakit. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan. Halo-halo ang emosyon ko. May galit, may lungkot, na may tuwa. Siguro dahil..

Makakasama ko na ulit siya.

Hapon na at halos pagabi na din. Nandito ako ngayon sa bar kasama si Jacob Lucas, assistant manager siya sa company namin. Pero kabarkada ko siya since highschool. Pagkatapos naming magharap ulit ni Stephanie kanina sa condo. Agad kong tinawagan si Jacob para magpasama sa bar. Saturday ngayon at sa totoo lang may pasok ako. Kundi nga lang nagrequest si mama na mag day-off daw muna ako nang makapagbonding naman kami eh malamang ay nasa company ako ngayon. Pero heto ako, iniisip ang mga pwedeng mangyari sakin sa mga susunod na araw.

"Hey." Tinapik ni Jacob ang balikat ko. "Kanina pa ako nagsasalita dito pare pero parang wala ka namang naririnig, ok ka lang ba?" Tanong niya.

"Hindi." Sagot ko then ininom ko yung natirang whiskey sa baso ko. "May problema ako." Dugtong ko.

"Oh ano na naman yan? Si Alysa na naman ba?"

Lumingon ako sa kanya. "Hindi."

"Whoa? Don't tell me ibang babae?"

Tumango lang ako. "Bro, isa pa nga." Sigaw ko dun sa bar tender.

"Mukhang malaki yang problema mo ah? Pang ilan mo na yan?"

"Pang lima na." Then kinuha ko yung baso na may whiskey at ininom.

"Sinong babae ba yan?"

"Si Steph." Sabi ko. Tinapat ko yung baso nang whiskey sa bibig ko, akmang iinumin ito. "Sa condo ko na siya nakatira."

O.O

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hindi ko pa naiinom ang whiskey pero nakatapat pa din ito sa bibig ko and my elbow is rested on the table of the bar.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya. I gave him a 'bakit-ganyan-ka-makatingin-look'.

Kahit Di Ka Akin (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon