Chapter 26: Welcome Back, Stephanie

7.3K 150 32
                                    

Hello! Readers! Thankyou so much sa pagsuporta sa TFA! :) And, sa mga nababasa kong comments like, pwede siyang gawing teleserye/telenovela or movie. YES! You are right guys because, this story is not just a story for a book, it was a story written as a telenovela. :) Again guys, thank you so much! :))

--------------------------------------------------------*

STEPHANIE’s STAGES and STEPHEN’S NEW LOOK on the right side. :*

3rd Person’s POV [Author’s Narration]

“Daddy!”

Tumakbo ang bata papunta kay Stephen. Kagagaling lang ni Stephen sa opisina. Napakadaming problema ngayon ang kinakaharap ng business ng mga Tan, nawala kasi sa kanila ang tatlong investors at hindi nila alam kung saang kumpanya ito lumipat.

“Yow! Little boy!” Binuhat niya ang limang taong gulang na anak. “Where’s your mommy?”

“I’m here, Stephen.” Hindi pa man nakakasagot ang bata ay sumulpot na si Alysa sa harapan nila, mukhang galing ito sa kusina, napangiti si Stephen sa asawa, lumapit sa kanya si Alysa at hinalikan siya sa labi.

Masaya na sila sa loob ng limang taong lumipas. Nagdesisyon si Stephen na kalimutan ang lahat, sa kabila ng matinding pagtataka kung paanong na kay Alysa ang kanyang cellphone dati, kahit na natitiyak niya na iyon ang dahilan ng pagkakagalit nila ni Stephanie. Pinilit niyang ibaon sa limot ang mga nangyari, naging mabuti siyang ama at asawa., tiniyak niya iyon. Tinapon na lamang niya ang lumang cellphone at sinubukang ibalik ang lahat sa dati. Wala naman siyang napapansing kakaiba kay Alysa, kaya pakiramdam niya ay bumalik ang pagmamahal niya dito, lalo na nang maging ina ito sa kanilang anak na Dave.

Di man alam ni Stephen kung bakit ‘Dave Aldrin’ ang ipinangalan ni Alysa sa kanilang anak, ay wala na siyang pakealam don. Kahit medyo nagtampo siya noon dahil hindi sa kanya isinunod ang pangalan ng bata, pinagbigyan na lamang niya ang asawa dahil gusto talaga nito ang pangalang ‘Dave Aldrin’.

Ngayon, kahit tila nababagabag siya, dahil sa mga kinakaharap na business complications, he still manages to be a father to his only son, at maging asawa sa kanyang nag-iisang mahal. Yes, he feels that he once and again fell in love with his wife, and falling in love further kung sakaling palagi lang silang magiging ganito. Sana nga, hindi na siya bumalik pa. Iyon ang palagi niyang hinihiling, dahil ayaw niyang masira ang kaniyang pamilya.

Kasalukuyan silang naghahanda ngayon para sa dinner, it’s just 6pm. Karaniwang dinner nila ay 8pm. Nagtataka siya kung bakit sinabihan sila ni Margarita na maghanda ng maraming putahe ngayong gabi. Mukhang espesyal nga ang bisita.

“Shoot!” Sabi ni Stephen sa anak na lalaki. Naglalaro sila ngayon sa garden. Si Alysa ay nakatayo sa hindi kalayuan at masayang nanonood sa kanila.

“Daddy! Ang galing ko talagang magbasketball!” Tuwang-tuwa ang bata na lumapit sa kanyang ama.

Lumebel naman si Stephen kay Dave at in-apiran ito. “Mana ka syempre sa akin.” Proud na proud na sabi nito.

Natatawa na lamang si Alysa, kahit paano, ay napamahal na din sa kanya ang asawa, tatlong taon na kasi silang walang komunikasyon ni David, iniiyakan niya ito ng lihim tuwing gabi, ngunit dahil may asawa na siya, napagdesisyunan niyang kalimutan na lamang ang tunay na minamahal.

“Sir, Ma’am, nanjan na po si Madam.” Sabay-sabay silang napalingon sa katulong.

“Sige, pupunta na kami.” Sabi ni Alysa. Masayang pumasok ang tatlo sa loob.

Kahit Di Ka Akin (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon