Chapter 21: Moans

9.1K 113 21
                                    

UD! Singit ko lang sa sched ko to. :DD hahaha busy na ako guys malapit na midterm eh. Bare with me plessss.. :(

 

Dedicated to her! :) Salamat sa mga comments at votes mo! :))

 

Enjoy reading! :)

-------------------------------------------------------*

Stephen’s POV

“Kasal na natin sa friday Stephen.”

Tumango na lang ako at bahagyang ngumiti sa sinabi niya. Biglang tumunog ang phone ko, may tumatawag at sigurado akong si Stephanie iyon. Patago kong kinuha yung cellphone ko sa bulsa at tinignan..

Si Alison???

Sasagutin ko sana ngunit biglang nagsalita si Alysa.

“Excited ka na ba?” Sabi niya habang nakangiti. I rejected the call at ipinatong sa table. Kahit paano naman ay nakokonsensya ako sa ginagawa ko ngayon. Patuloy pa ding umaasa si Alysa na pupunta ako sa kasal namin sa biyernes. Nasasaktan din naman ako at nahihirapan. Kahit paano’y may pagmamahal pa din naman ako para sa kanya, matagal ko siyang iningatan sa puso ko at akala ko talaga siya na ang mamahalin ko habang buhay, pero hindi ko inaasahan na magbabago iyon sa muling pagdating ni Stephanie sa buhay ko nung lumipat siya sa condo ko.

“A-ahh. O-oo.”

She smiled at me, a smile that used to be a mystery. Palagi ko nalang napapansin na may nakatago sa mga ngiti niyang iyon.

“Siguro naman, hindi mo iniisip natakasan ako hindi ba?”

Nagulat ako sa sinabi niya, napatitig ako sa mukha niya, seryosong-seryoso na siya ngayon, pero mas ikinagulat ko nung inilabas niya ang cellphone niya at iniharap sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa wallpaper niya.

“A-anong? S-saan mo nakuha yan?” Nanginginig kong tanong.

“Matagal niyo na ba akong niloloko huh? Matagal na ba?!” Napasigaw siya sa huli niyang sinabi dahilan para mapatingin sa amin ang lahat ng tao sa restaurant. Tumingin akong mabuti sa mga mata niya at napansin kong maiiyak na siya.

Kahit Di Ka Akin (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon