Kabanata 7

2.4K 76 5
                                    

(Carmela's Pov)

Wala na akong magawa kundi pumunta na ng restaurant at naiinis ako ngayon dahil hindi ako masasamahan ni Elena dahil may lakad daw sila ng Juanitong yon. Tskkk...

Nagpaalam na ako kay dad na gagamitin ko yong kotse nya at pumayag naman ito.

Nasa byahe na ako at gosshh so sobrang traffic, kalahating oras rin akong naghintay nang makaandar ako. Nakikita ko na ang restaurant nang may biglang humarang sa dinadaanan ko at muntikan ko na itong mabangga.

"magpapasagasa ka ba?!" sigaw ko ngunit tumingin ito sakin ng masama.

"Ikaw na nga tong may kasalan, ikaw pang may ganang magalit? Ang tindi mo rin noh?" sigaw nya rin sakin ngunit hindi ako nagpatinag

Lumabas ako sa kotse ko at lumapit sa kanya

"Hoy lalaki!" sabi ko sabay duro sa kanya

"Hoy karin babae" sabi niya rin sakin kaya nainis ako kaya napairap nalang ako sa kanya at bumalik sa sasakyan.

Inis kong pinark ang sasakyan ko
at pumasok sa loob ng restaurant.

Maraming ang bumati sakin ngunit ni isa sa kanila ay hindi ko pinansin dahil sa init nang ulo.

"excuse me maam, may naghahanap po sa inyo sa labas. Isa sa po sa mga costumer natin"

"Bakit daw?"

"Hindi ko po alam maam" sabi nito kaya pumunta rin ako agad sa costumer na sinasabi niya.

wtf, anong ginagawa ng lalaking to dito?

"Sinasabi ko na nga ba, ikaw nga ang may ari ng restaurant dito"
sabi niya

Napataas naman ako ng kilay

"Anong pakialam mo?"
Mataray na tanong ko

(Juanito's Pov)

"Binibini, saang lupalop mo ba ako dadalhin? Tila malayo na ang ating narating " tanong ko kay Binibining Elena

"Basta may surprise ako sayo!" natutuwa nyang sabi ngunit hindi ko naintindihan ang ibang salitang ginamit nya ngunit masaya sya kaya binalewala ko nalang ito. Hindi naman siguro ako ipapahamak ni binibining Elena

Maya maya ay nakarating na kami. Pinagmasdan ko ang lugar kung saan kami huminto at napagtanto kong wala ito sa mundo ko.

Isang gusali, malaking gusali.
Papasok na sana kami ngunit pinigilan kami ng isang lalaking naka uniporme at sinusuri ang dalang supot ni Elena at saka kami pinapasok sa loob.

Nang makita ko kung ano ang nasa loob ng gusali ay napamangha ako ng sobra.

Maraming magagandang bagay ang iyong makikita. Marami ring mga tao ang tumitingin at bumibili.

"Binibini, anong gagawin natin dito, ibig mo bang bumili? "

"Oo marami tayong bibilhin! Lalo na yong mga damit na para sayo kasi ahmmm, pano ko ba sasabihin? Ahh Para kasing hindi nababagay ang suot mo sa panahon ngayon"
napatingin naman ako sa suot ko

"hindi ba mahal dito?" tanong ko

"Wala naman akong ibang panggamitan ng pera kaya tara na!"

Sabi niya at naunang pumunta doon sa may maraming mga damit.

"Pumili kana Juanito!, Mag sho-shopping tayo ngayong araw" masayang sabi niya at pumili na nga sya

"Shaping?"

"Oo! yon bang mamimili ng marami! kaya pumili kana, wag kanang mag alala sa bayad, ako na ang bahala"

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Where stories live. Discover now