Kabanata 13

936 34 6
                                    

(Carmela's POV)

Kinaumagahan ay nag handa na ako kasi pinapapunta na ako ni dad sa resto. Arghh makikita ko naman yong Rayver na yon!

Nang makarating ako may nakita akong isang lalaki na parang nagmamasid sa resto namin.

Lumingon ito sakin kaya nagulat ako.

Juanito?

Bigla ko tuloy naalala yong panaginip ko kagabi. Sino ba talaga sya? at bakit kapangalan nya yong nasa panaginip ko?

Hindi ko na ito pinansin at pumasok na sa loob ngunit bigla nyang tinawag ang pangalan ko.

"Carmela"

"Hanggang dito ba naman sinusundan mo parin ako? Hahaha wait, alam ko naman na habulin talaga ako pero ito lng ang masasabi ko sayo ah, huwag kang maiinlove sakin." sabi ko at akmang aalis na ngunit tumawa sya kaya nagtaka ako at natigilan.

"Pasensya na binibini, ngunit may iba na akong napupusuan" natatawa nyang sabi kaya nainis ako ngunit may biglang alaala ang pumasok sa isip ko.

"Basta Juanito, wag kang maiinlove sakin"

"i-inlab?"
"Ang sabi ko, kahit anong mangyari huwag kang mahulog sakin" natawa naman ito sa sinabi ko

"Pasensya na binibini, ngunit may iba na akong napupusuan"

Bigla tuloy sumakit ang ulo ko sa alaalang iyon.

"hindi ka parin talaga nagbabago" sabi nito na natatawa parin

Ang weird!

Hindi ko nalang sya napansin at pumasok na sa loob ngunit mukha agad ni Rayver ang nakita ko.

"How are you? Sabi ng dad mo nahimatay karaw? Are you okay?" nag aalalang tanong nya kaya natawa ako

"Haha ano ba, huwag kangang umasta na parang boyfriend kita, ang oa mo naman para mag alala sakin?" nilagay ko yong bag ko at umupo na at tumingin sa kanya.

"Well, tama ka naman"

Tsss

Pati ang isa to ang weird.

Sinilip ko naman si Juanito sa labas pero wala na ito.

"Bakit parang kilalang kilala nya ako?"

"Yes po maam? may sinasabi po ba kayo?" tanong ng waiter na kadadaan lng sa harapan ko

"nothing" sabi ko

At dahil sa hindi ako mapakali sa nararamdaman ko, tinawagan ko si Elena.

Hindi sumasagot. Ano naman kayaang ginagawa nya?

(Juanito's Pov)

"Carmela" tawag ko sa kanya at lumingon naman ito.

"Hanggang dito ba naman sinusundan mo parin ako? Hahaha wait, alam ko naman na habulin talaga ako pero ito lng ang masasabi ko sayo ah, huwag kang maiinlove sakin." sabi nya at akmang aalis na ngunit may naalala ako bigla kaya natawa ako.

Natigilan naman ito at lumingon na nagtataka

"Pasensya na binibini, ngunit may iba na akong napupusuan" natatawa ko paring sabi pero mukhang nainis yata ito.

Wala naman talaga akong ibang napupusuan kundi ikaw lng Carmela at sana sa mga katagang iyon may naalala ka.

"hindi ka parin talaga nagbabago" sabi ko pero kumunot lng ang noo nito at umalis na.

Hinayaan ko nalang rin sya at umalis na.

Bumalik na ako sa tinutuluyan ko at nakita kong naghihintay si Elena.

"Saan ka ba galing? Hindi ka man lng nagsabi na aalis ka?! Alam mo bang kanina pa ako rito!"
Nagulat naman ako sa inasal nito.

"H-huminahon ka binibini, naglakad lakad lng ako at sumilip narin sa restaurant nila Carmela"

"Nagkita kayo?"

"Oo, haha nakakatawa nga kasi hindi parin nag babago ugali nya"

Nakita ko naman biglang nag salubong ang kilay nya

"Tskk ang aga aga nakikipaglandian na"

"a-ano?"

"Ang sabi ko nag aalala lng ako kaya sana magsabi ka naman kung aalis ka"

"P-pasensya kung napag aalala pa kita"

"Anyway, ito binilhan kita ng cellphone para mabilis kitang makausap kung hindi tayo magkasama, cellphone at telepono ay magkaparehas lng. Ang pinagkaiba lng nito ay ang telepono hindi mo madadala at sa bahay lng pwede itong gamitin ngunit itong cellphone kahit saan pwede mo itong dalhin." Napatango naman ako.

"Nako, parang ang mahal ata nito."

"Huwag muna isipan yan. Kumain ka na ba? Halika ka labas tayo, hindi pa kasi ako kumakain eh"

"Sige"

Napadpad naman kami sa isang maliit na kainan

Tahimik lng kaming kumain ng biglang tumunog ang cellphone ni Elena.

"O-opo, yes po"

Puro opo at yes po lng ang sagot ni Elena. Nang binaba na ang tawag ay nagtanong ako.

"May problema ba?"

Uminom muna ito ng tubig at tumingin sakin.

"Si dad kasi"

"Bakit?" matagal bago ito nakapagsalita

"Ah wala, sige na kumain kana"
Sabi nito at umiwas ng tingin. Inubos narin nya ang pagkain nya ngunit tahimik parin sya hanggang sa makalabas na kami.

"Ayos ka lang ba talaga binibini"

Tumango naman ito at pilit na ngumiti.

Hanggang sa inihatid ko sya sa bahay nila. Hindi ko mapigilang mag alala dahil kaibigan narin ang turing ko sa kanya.

"Sige Juanito papasok na ako"

"Kung may problema ka, sabihin mo lng sakin. Handa akong makinig"

(Elena's Pov)

"Sige Juanito papasok na ako" sabi ko at binuksan ang gate napatigil naman ako nang magsalita sya.

""Kung may problema ka, sabihin mo lng sakin. Handa akong makinig" Tumingin ako sa kanya at nakangiti ito.

Alam ko naman na makikinig ka.

Pero, maiintindihan mo rin kaya?

Nasabi ko nlng sa isip ko at ngumiti nlng rin sakanya at pumasok na sa loob.

Naibagsak ko nlng ang sarili ko sa kama at pumikit.

"Gusto ni dad na pabagsakin ang negosyo nila Carmela dahil malaki ang kasalan ng ama nito kay daddy. Maiintindihan mo kaya ako Juanito sa gagawin ko?"

Author' Note

May malaking plot twist ang magaganap! Ano nga kaya ang gagawin ni Elena?

At maymagbabalik!

Hindi lng si Juanito o si Madame Olivia ang pumunta sa kasalukuyan!

Sino kaya????

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Where stories live. Discover now