Kabanata 1

14.7K 312 14
                                    

Habang nakatingin ang binata sa isang puno ng mangga, may ilang alaala parin ang bumabalik at hanggang ngayon ay nasasaktan parin sya. Pumikit ito , at kasabay nito ang pagtulo ng kanyang luha.

Ilang dekada na ang lumipas matapos ang pakikipaglaban nito para makuha ang kalayaan ng kanilang lugar pero hanggang ngayon hindi nya parin nararamdaman ang kalayaan nya sa sarili dahil sa mga nangyari.

Naging malaya nga ang kanilang lugar ngunit ang kanyang puso ay nakakulong parin sa isang dalaga na hinihintay nya at umaasang babalik ito sa panahon niya.

Idinilat nito ang kanyang mga mata at pinahid ang kanyang luha. Naglakad lakad ito hanggang sa mapunta sya sa lawa ng luha.

Ilang gabi na rin nyang pinag isipan ang gagawin nya.
Inisip nya na wala ng silbi ang kanyang buhay dahil tapos na rin ang laban. Wala nang silbi ang buhay nya dahil wala na ang kanyang mahal na si Carmela.
Iniisip nyang magpakalunod nalang sa lawa para matapos narin ang paghihirap nya sa pag ibig.

Tatalon na sana ito ngunit may isang babae ang pumigil sa kanya.

"May paraan pa para makasama mo sya ulit"

Lumingon ang binata sa nagsalita at nagulat ito sa nakita.

"M-madame Olivia?" hindi makapaniwalang sabi nya

"Juanito , hindi mo kailangang sayangin ang buhay mo. May paraan pa upang makita mo syang muli"

"P-paano po? Nasa Kasalukuyan na sya, imposibleng magkita pa kami" nalulungkot nitong sabi

"Kung si Carmela ay nagawa kong itulak dito sa makalumang panahon, kaya rin kitang itulak sa Kasalukuyan kung saan naroon sya ngayon"

Hindi na nakapagsalita ang binata nang itulak ito ni Madame Olivia sa lawa ng luha.

Dont forget to vote😊

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Where stories live. Discover now