Kabanata 3

4.7K 154 8
                                    


"Ako'y sayo at ika'y akin
Iyan ang nakasulat sa nga bituin,
Balutin man ng mga ulap ang langit
Wala pa ring makapipigil sa atin.
Sa paglubog at pagsikat ng araw
Pinapangarap ko ay ikaw
Sa gitna ng gutom at pagkauhaw
Inaasam ko ay ikaw.
Pangakong sayo'y binitiwan
Na kailanma'y hindi ka iiwan,
Asahan mong puso ko'y tapat
Pagmamahal ko sayo'y higit pa sa sapat."

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko.
Napabangon ako dahil narin sa sakit ng ulo.
Sino yong lalaking nasa panaginip ko?
Bakit hinahandugan nya ako ng tula?

Bumangon nalang ako at bumaba sa sala.
Nakita ko si Dad at Jenny kumakain na

"Si Emily?" tanong ko

"andoon sa sala, nagbabasa na naman ng libro"

Umupo nlng ako at kumain.

"maam may tawag po kayo"
sabi niya at inabot sakin ang telepono

"hello?"

" dito nlng ako tumawag, di mo kasi sinasagot cellphone mo" si Elena

"anyway may magaganap na party mamaya, birthay ng isa sa mga kaklase natin noon. Ano game ka?"tanong nya

"game!" tuwa kong sabi

ibinaba ko na ang telepono at binilisan ang kilos

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Dad

"sa birthday party"
"Carmela kung may inuman man jan pwede ba umiwas ka na muna. "

"What?" irita kong sabi

"Alam mo naman kung anong nangyari sayo noon diba dahil sa kalasingan mo" galit ng sabi ni dad

"tsss, hindi naman ako iinom ng marami"

"siguraduhin mo lng, pag ikaw hindi pa nakauwi ng 10 pm wala kang allowance in 1 month."

" Ano?!, Dad!"

"Aalis na ako" tumayo na nga si dad at umalis na

"arrgh!"inis na sigaw ko

"Hahahahah" tawa ni Jenny kaya lumingon ako sa kanya

"anong nakakatawa?" tiningnan ko sya ng masama si Jenny

"Wala!" sigaw nya at umalis na rin

(Juanito's Pov)

Kanina pa ako lakad nang lakad nagbabakasakaling makita agad sya ngunit sobrang hirap. Inabutan na nga ako ng umaga sa kakahanap.

Umupo muna ako saglit sa damuhan at humiga.
Ipinikit ang aking mata.

Kahit nakapikit na ako, ikaw parin talaga ang nakikita ko Binibini

Maya maya bigla nlng may tumunog ng kung ano at napagtanto ko na tiyan ko pala yon.
Nagugutom na ako, san naman ako makakain nito?

Tumayo ako at humanap ng kainan
May nakita akong isang matanda na nagbebenta ng kung ano sa gilid ng kalsada kaya nilapitan ko ito. Kaso wala pala akong pera.

Malungkot akong napaupo pero maya maya lng may isang binibining bumungad sa harapan ko

Tumingala ako para makita sya
"Gusto mo?" tanong nito

Diba sabi nila huwag tatanggihan ang grasya kaya kinuha ko yon pero syempre may kunting hiya parin

"Maraming salamat Binibini"

"luh sya, grabe naman yang binibini" sabi nya na parang nahihiya

Kinain ko na yong binigay nya, hindi ko alam kung ano to pero masarap naman

"taga san ka ba?" tanong nito at umupo sa tabi ko

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko

"ah siguro wala kang tinitirhan noh?"

Tumango nlng ako bilang pang sang ayon sa sinabi niya

"Alam mo, minsan lng ako kumakain dito. Wala kasi akong kasama, kung may kasama man ako doon naman kami sa mamahaling restaurant o kaya sa mall"

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita sya

"Sino bang kasama mo dito?" Sabi nito at lumingon sakin

"Wala, wala akong kasama"

"Teka, hindi ka taga rito noh?"

" ah o-oo"

"Halata nga, ngayon ko lng napansin yang suot mo, para kang nanggaling sa makalumang panahon alam mo yon?"

Napatingin nlng ako sa sarili ko at sa suot ko, sobrang iba sa mga suot nila

"Anong ginagawa mo rito at bakit mag isa ka lng?"

"May hinahanap kasi ako binibini"

"Hahahaha ang cute! Lahat ba ng babae tinatawag mo ng ganyan?"

"ha?"

"I mean lahat ba ng babae tinatawag mo ng binibini?"

"Oo naman, lahat ng babae ay nararapat lamang na tawaging binibini"

"Alam mo, ang weird mo. Pero anyway, sinong hinahanap mo dito?"

"Hinahanap ko yong Mahal ko, pinaghiwalay kasi kami ng tadhana pero hindi yon rason para magwakas yong pag iibigan naming dalawa"

"Ay grabe yan, napunta ka rito para lng hanapin yong babaeng mahal mo? ang sweet naman non"

"Dito ba sa inyo, lahat kayo magaling at gumagamit na ng salitang Ingles? " tanong ko dahil kanina ko pa napapansin na nakakapagsalita sya ng lengguwaheng iyon

"Oo, halos lahat naman yata ng mga tao ngayon gumagamit na ng Ingles pero may iba rin naman na alam nga pero mahina, ano nga palang pangalan mo?"

"Ako nga pala si Juanito, Juanito Alfonso" inabot ko yong kamay ko at kinuha niya rin naman ito at nagpakilala rin

"Pati pangalan mo weird, hehe.. Ako nga pala si Elena"

Elena? parang narinig ko na yong pangalan nya

"Dahil sa kagustuhan mong makita sya, isang misyon din ang dapat na kailangan mong gawin dito sa kasalukuyan"
nagulat naman ako nang may biglang nagsalita.

"Madame Olivia"
"si Elena, baguhin mo ang kanyang plano at ituwid ito sa tama"

"Anong ibig nyong sabihin? Hindi ko po kilala ang binibining tinutukoy nyo"
"Makikilala mo rin sya"

tama, sya yata yong tinutukoy ni Madame Olivia

"Ano rin bang pangalan ng babaeng hinahanap mo baka sakaling kilala ko sya at matulungan kita" nakangiti nitong sabi

Siguro pagkakataon ko na tong magtanong baka sakaling kilala nya si Binibining Carmela

"Carmel-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang tumunog.
Nakita kong kinuha nya ang telepono sa bulsa nya at dali daling tumayo

"Ah sige Juanito, aalis na ako. May pupuntahan pa pala ako. Ipagdarasal ko nalang na sana makita mo na yong babaeng hinahanap mo , Sige bye! " nagmamadali nyang sabi at sumakay na ng sasakyan

Ano naman kaya ang meron kay Elena at bakit sya ang misyon ko?

"si Elena, baguhin mo ang kanyang plano at ituwid ito sa tama"

Dont forget to vote😊

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon