Kabanata 2

8.3K 216 36
                                    

(Carmela's Pov)

Binilisan ko na ang kilos ko dahil sigurado akong galit na naman yon dahil pinaghintay ko sya.

"Oh where are you going?" tanong ni Dad

"Somewhere Dad" hindi na ako nag abalang tingnan pa si dad dahil kanina pa tumatawag ang isa

"hell-"

"asan kana? goshhh bat ang tagal mo? Kanina pa naghihintay tong kadate mo oh"

"wait nga , ito na papunta na oh,
at sino ba kasing may sabi na hintayin nya ako? Sinabi ko na nga sayo diba na ayaw ko ang mga lalaki, HINDI AKO INTERESADO. Gets mo? eh kaya lng naman ako pupunta dahil alam kong magtatampo ka na naman dyan" irita kong sabi kay Elena

" hays ano kaba! Tigil tigilan mo nga ako dyan. Alam mo, tatanda ka talagang dalaga! " sigaw nito at binabaan ako ng phone.

Nang makarating ako sa lugar na sinasabi nya ay agad ko silang nakita at kinawayan. Pero imbes na kawayan ako pabalik ni Elena ay inirapan lang ako.

Napasimangot naman ako sa ginawa nya kaya dali dali akong pumunta sa table nila.

"Hi!" bati ko sa kasama nya at huhulaan kong ito yata ang irereto nya sakin

"Hi, you look so beautiful " ngiti nitong sabi

"As always" ngumiti rin ako pabalik sa kanya at umupo na ako sa harap nila.

"Ayusin mo yan ah" bulong ni Elena sakin at tumayo

"Iiwan ko na muna kayo " sabi nito at umalis na nga
bwesit na babaeng yon.

Pasalamat sya mahal ko sya.
Sa hinaba haba kasi nga panahon sya lng yong nag stay sakin. Sya lng ang naging kaibigan ko na nagpakatotoo. Sya lng yong tanggap yong ugali ko at babatukan ako kung may nagawa man akong mali. Pero sya lng din yong naging kaibigan ko na hindi ko matiis pag may gusto itong gawin.Gaya nlng nitong pag reto nya sakin sa mga ibat ibang lalaki.

"Anong pangalan mo?"

"Carmela, Carmela Isabella"

Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit sadyang makaluma yong pinangalan nila dad sakin

"I'm Nathan" ngiti nitong sabi

Naging mabilis ang oras kaya di namin namalayan ni Nathan na mag aalasais na pala.

"Ihahatid na kita"

"No thanks, kasabay ko naman si Elena"

"But where's Elena?"

"ah pabalik naraw sya, nag text sya sakin bago lng. Sige na mauna kana bye!" Sabi ko sa kanya kahit hindi naman totoo..

Eh kasi naman allergic talaga ako sa mga lalaki.

"Ok then bye, nice to meet you again Carmela" sabi nito at umalis na.

Tinawagan ko na si Elena ngunit hindi macontact.

Lumabas nalang ako sa restaurant na pinagkainan namin ngunit may isang lalaking nakapukaw ng atensyon ko.

"Yuck, ano bayang suot nya? Bat parang ang luma? Para syang nanggaling sa makalumang panahon" nandidiri kong sabi

Titingin na sana sa direksyon ko ang lalaki pero agad naman akong umiwas ng tingin at tumalikod.. Baka ano pang masabi nya at may gagawin syang masama.

Pumara na ako ng sasakyan at umuwi na.

(Juanito's Pov)

Hindi ako makapaniwala na nandito na ako sa panahon ng mahal ko.

"Ipapangako kong hahanapin kita rito Carmela.Alam kong hinihiling mo rin ngayon na sana magkasama tayo ngayon."

Habang tumitingin ako sa paligid ay nakaramdam ako ng lungkot.

Ganito na pala ang lugar nyo Binibini, nakakapanibago.

Maya maya lng parang may naramdaman akong tumitingin sa akin. Hindi ko alam pero yong puso ko bigla yatang tumibok ng mabilis.

Lumingon ako kung saan pakiramdam ko don nakatingin saakin.

May nakita akong isang dalaga ngunit nakatalikod na ito nang lingunin ko.

"Dahil sa kagustuhan mong makita sya, isang misyon din ang dapat na kailangan mong gawin dito sa kasalukuyan"
nagulat naman ako nang may biglang nagsalita.

"Madame Olivia"

"si Elena, baguhin mo ang kanyang plano at ituwid ito sa tama"

"Anong ibig nyong sabihin? Hindi ko po kilala ang binibini na tinutukoy nyo"

"Makikilala mo rin sya. Pasensya at Tiyaga lamang ang kailangan mo para mahanap si Carmela" sabi pa nito

"Madame Ol-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nlng itong naglaho.

Bigla nlng may pumatak na tubig sa ulo ko. Tumingala ako upang makita kung ano yon at napagtanto kong umuulan na pala.

Tumakbo ako at humanap ng masisilungan. Humanap ako ng puno upang doon sana sumilong kaso wala akong makita ni isa dahil napapalibutan pala ako ng mga matataas na gusali.

Hindi ko maisip na pati ang mga puno ay mawawala narin dahil
sa pagbabago ng panahon.

May nakita akong isang maliit na kubo kaya tumakbo ako papunta roon at sumilong.

Sa paghihintay ko na tumila na ang ulan. Marami pa akong napansin na pagbabago dito sa kasalukuyan.

Napansin ko rin ang kanilang kasuotan. Malaking pagbabago ito kumpara sa panahon ko. May isa pangang binibini akong nakita kanina na halos ang kanyang suot ay hindi na matatabunan ang kanyang katawan dahil sa ikli nito.

Gabi na pala pero hindi pa ako dinalaw ng antok. Tumila narin ang ulan kaya umalis na ako sa kubo at naglakad lakad na. Hindi ko sasayangin ang oras na binigay ni Madame Olivia sakin. Bawat sigundo at minuto ay hahanapin kita Carmela kahit saang lupalop ka pa nakatira.

Matagal ko nang hiniling ito na sana makapunta ako sa panahon mo at hahanapin kita.

"Je t'aime, Ichi liebe dich, Te amo. Tatlong magkakaibang lenggwahe , pero iisa lang ang ibig sabihin nito. Mahal kita Binibini. "

Dont forget to vote😊

I love you since 1892 Fanfic( Kasalukuyan)Where stories live. Discover now