Prologue

617 15 11
                                    

Minsan, naiisip ko...

Naiisip mo rin kaya ako?

Pumapasok rin kaya ako sa isip mo sa tuwing napag-uusapan niyo ang tungkol sa pag-ibig?

Bigla rin ba akong lumilitaw sa isipan mo sa tuwing malungkot ka?

Kapag tulala ka ba, ako rin ang laman ng utak mo?

Iniisip mo rin kaya ako bago matulog?

Nakikita mo rin kaya ako sa panaginip mo?

Minsan, naiisip ko...

Nami-miss mo rin kaya ako kapag matagal mo akong hindi nakikita?

Hinahanap-hanap mo rin kaya ako sa tuwing papasok ka sa school?

Ako rin kaya ang unang pumapasok sa isip mo pagkagising mo sa umaga?

Napapangiti ka rin ba kapag nakikita mo ako?

Sinusulyapan mo rin kaya ako nang pasikreto?

Nawawala ka rin ba sa sarili mo kapag kaharap o kausap mo ako?

May nararamdaman ka rin kayang spark kapag nagkakadikit ang mga balat natin?

Isa rin ba ako sa mga inspirasyon mo?

Bumibilis rin ba ang tibok ng puso mo sa tuwing makikita mo akong lumalapit sayo?

Minsan, naiisip ko...

Nagseselos ka rin kaya kapag may kasama akong iba?

Nasasaktan ka rin ba kapag nakikita akong nasasaktan?

Nag-aalala ka rin kaya kapag hindi ako nakakapasok sa school?

Kasi ako, oo. Kapag tinanong kita, oo rin kaya ang isasagot mo? Magkakaroon din kaya tayo ng happy ending? Nakatadhana nga ba tayo sa isa't isa? Magiging tayo ba forever?

O baka naman kabaligtaran. May ending tayo pero hindi naman happy. Nakatadhana nga tayo, pero nakatadhana naman na malayo sa isa't isa. At higit sa lahat, sa halip na maging 'tayo' forever, magiging 'ako' na lang forever... forever na ONE-SIDED LOVE.

The longest distance is not from north to south, it is when you are standing in front of him and he ignores you because he is busy looking at her.

I look at him more than he notices.

I want him more than he thinks.

I love him more than he knows.

Why am I so afraid to lose him when he is not even mine?

Dear Cupid,

Next time, hit BOTH so my love will not remain ONE-SIDED.

One-Sided LoveWhere stories live. Discover now