Heartbreak #6

145 7 0
                                    

When it's over, leave. Don't continue watering a dead flower

**

Nagtanong-tanong ako sa mga nakasalubong ko na mukhang matino kung nakita ba nila si Top. Ang sabi nila, napansin daw nilang papunta si Top sa locker room. Kaya naman nakangiti akong pumasok sa locker room habang hawak-hawak ko ang chocolate cake na binake ko pa sa bahay ni Auntie Subica.

Nabitawan ko ang hawak kong box ng cake sa nadatnan ko sa loob ng locker room.

Natigil si Top at Eunice sa ginagawa nila nang marinig ang kalabog ng cake na bumagsak sa sahig.

"Polly," mahinang sambit niya nang lingunin niya ako.

Agad na lumandas ang mga luha ko sa pisngi ko.

Umiling ako sa kanya saka tumakbo palayo.

Pagkalabas ko sa school, sumakay agad ako ng jeep. Nakita ko namang mabilis siyang sumakay sa kotse niya.

Pagbaba ko ng jeep, mabilis din siyang nakababa ng kotse.

"Pollyanna!" tawag niya sa pangalan ko.

Hindi ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa pagtakbo pauwi sa bahay.

Bakit niya ba ako sinusundan? Magpapaliwanag ba siya? Hindi pa ba sapat yung nakita ko? Hindi pa ba sapat yung mga hinala ko na isinawalang bahala ko lang? Eh puta hindi niya naman kailangang magpaliwanag pa eh! Hindi ko kailangan ng paliwanag niya lalo na kung ang pinapaliwanag niya ay kung bakit hindi kami ang para sa isa't isa.

Sobrang sakit na eh. Tama na!

"Polly!" saktong pagbanggit niya ng pangalan ko, nahablot niya ang kamay ko. Kasabay naman nun ang malakas na pagbuhos ng ulan.

"Top, sobrang sakit. Ayoko na," sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Napasabunot siya sa buhok niya gamit ang isa niyang kamay dahil nakahawak yung isa sa kamay ko. Mabilis ko namang hinigit ang kamay ko sa kanya.

"Alam mo ba yung salitang masakit? Kulang pa yun, Top. Kulang pa yung salitang masakit sa nararamdaman ko ngayon. Niloko niyo ako eh. Masakit na ngang malaman na niloko mo ako eh. Yung malaman pa kayang kasabwat mo ang itinuring kong best friend sa kagaguhan mo?"

Kahit na umuulan, nakita kong may lumabas na luha sa mga mata niya.

"Gago ka Top... pero... bakit ganun? Mahal pa rin kita? Gago ka pero mas gago ako kasi mahal pa rin kita kahit na ginago mo ako... kahit na ginago niyo ako."

"Salamat na lang sa pagpapaasa. Salamat sa panggagamit. Salamat sa panggagago mo! Salamat sa pagsisinungaling mo! Salamat sa panloloko mo... kasi sumaya ako sa kasinungalingang pinaniwalaan ko. Salamat sa sakit. Salamat sa pait. Mukhang isa na ako sa mga bitter na hindi naniniwala sa tanginang poreber!" mariin kong sabi saka tinalikuran siya.

Pero... hinabol niya pa rin ako.

"Polly! Pollyanna! Please, listen to me first."

Nagpapatawa ba siya? Gusto niyang makinig ako sa mga kasinungalingan niya oh! Eh di wow!

Sa halip na lingunin siya, nagmadali na lang ako sa pagpasok sa loob ng bahay at agad na sinarado ang pinto. Sa kasamaang palad, nadali pa ang daliri niya.

Binuksan ko ulit yung pinto at napatingin sa daliri niyang hawak-hawak niya.

Hindi niyo alam kung gaano ko pinigilan ang sarili kong mag-alala sa kanya at patawarin na lang siya sa lahat ng nagawa niya sakin.

Pero sa tingin ko napakalakas kong tao kasi napigilan ko ang sarili ko na gawin ang sinasabi ng puso ko.

Kaya sinaraduhan ko siya ng pinto at tumakbo agad ako sa kwarto para hindi ako mapansin ni Mama.

One-Sided LoveWhere stories live. Discover now