Heartbreak #4

148 7 2
                                    

I thought I knew what real pain felt like but I didn't until I saw the way you looked at her.

**

"What are you waiting for?"

Nagulat ako nung lumingon bigla sa akin si Top pagkatapos niyang ilapag si Eunice sa likod ng kotse niya.

Nanghihina akong tumayo at naglakad papalapit sa kanya. Ramdam ko ang pamatay na mga titig ng mga tao sa paligid namin.

Bubuksan ko na sana yung pinto sa likod kung saan nakahiga si Eunice na wala pa ring malay nang magsalita si Top.

"Front seat."

Sinunod ko naman siya.

Nung nakaupo na rin siya sa driver's seat, lumingon muna siya sa likuran para tingnan si Eunice. Hindi ko man masyadong maaninag pero nakita ko ang mga mata niyang puno ng pag-aalala.

Dapat maging masaya ako kasi may nag-aalala sa best friend ko pero hindi... kasi nasasaktan ako ngayon.

Muli, pumatak na naman ang luha galing sa mata ko.

"Why are you crying? She isn't dead."

"Wala. Nag-aalala lang ako. Kasalanan ko kasi kung bakit siya nagkaganyan," wika ko.

"Don't blame yourself. It's my fault," malungkot na sabi niya saka sinulyapan ulit si Eunice.

Pagkatapos nun, pinaandar niya na yung sasakyan.

Nasa gitna kami ng highway nang magising si Eunice.

Hindi malaman ang reaksyon niya lalo na nang makita niya si Top na nagda-drive.

"Eunice, okay ka lang?" tanong ko.

Hindi niya ako pinansin. Ni hindi niya ako tiningnan.

"Anong ginagawa mo He-Top? Saan mo kami dadalhin?" tanong niya kay Top.

Hindi naman sumagot si Top. Tiningnan lang siya nito gamit ang rearview mirror.

"Ibaba mo na kami! Ihinto mo na ang sasakyan!" bulyaw ni Eunice.

Hindi pa rin siya pinansin ni Top.

"Ibaba mo na sabi kami eh! Bingi ka ba?" ani Eunice saka lumapit kay Top at ginalaw-galaw ang manibela.

**Screeeeeeeeeeeccchh**

"Damn! Stop it, Eunice!" sigaw ni Top.

Damn! Stop it, Eunice!

Damn! Stop it, Eunice!

Damn! Stop it, Eunice!

Alam niya ang pangalan ni Eunice.

Paano niya nalaman? Nabanggit ko ba kanina yung pangalan ni Eunice?

Alam niya yung pangalan ni Eunice. Hindi niya agad natandaan ang pangalan ko kahit na ilang beses kong unuulit-ulit sa kanya para lang matandaan niya.

Napatingin ako sa paligid. Umaandar na pala ulit yung sasakyan. Nanahimik na rin si Eunice. Panay naman ang tingin ni Top sa salamin para tingnan si Eunice.

Uminit na naman ang mga mata ko kaya pinunasan ko agad ang ilalim nito.

Napatingin sa akin si Top. Marahil nagtataka kung bakit ko pinupunasan ang mata ko.

"Napuwing lang ako," sabi ko agad bago pa man siya makapagtanong.

Sana nga napuwing na lang ako nang maraming-marami para hindi ko na makita kung paano mo tingnan si Eunice.

One-Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon