Heartbreak #1

335 7 4
                                    

Why am I so afraid to lose you when you are not even mine?

**

"Yanna! Yanna! Kyaaaaaaaah! Nakita ko si Top! Kyaaaaaah! Nasa gym siyaaaaa! Halika na! Baka maunahan tayoooo!" sigaw ng best friend kong sapilitang pinalunok ng nanay niya ng megaphone nung bata pa lang siya.

"Saglit lang naman, Eunice! Yung ballpen ko nalaglag! Magpuputol-putol na naman yung sulat nun eh!" sabi ko saka hinigit yung braso kong hawak-hawak niya.

Pinulot ko yung ballpen kong nalaglag. Shit naman oh! Wala na akong pambili ng ballpen eh!

Pagsilip ko sa ilalim ng lamesa, nakita ko ang ballpen ko. Pero pag-angat ko ng ulo ko para tingnan ang diary ko na nakalapag sa ibabaw ng lamesa, wala na ito roon.

"Dear Top, crush na crush talaga kita. Simula nang makita ko ang magaganda mong mata, para akong hinihigop papalapit sayo. Sobrang tangos ng ilong mo na parang kahit humatsing ka sa harapan ko, okay lang. Ang sarap titigan ng labi mo... parang ang lambot... Ano kaya ang pakiramdam kapag hinalika-"

"Aaaaaaaaaaaah! Eunice! Akin na yaaaaaaaan!" sigaw ko habang pilit na kinukuha ang papel na hawak ni Eunice. Papel 'yon na nakaipit sa diary ko.

Ngunit bago ko pa man mahablot yung papel sa kamay niya, may ibang humablot nito sa kanya.

At yun ay walang iba kundi yung librarian. Oo, nasa library lang naman kami kung saan hindi pwedeng mag-ingay.

Matalas niya kaming tinitigan ni Eunice. Pagkatapos nun, binaling niya ang kanyang tingin sa papel na hawak niya.

Sobrang pula ng mukha ko nang basahin niya ito sa harapan ng maraming estudyante.

Nasabihan pa tuloy ako ng ambisyosa ng mga estudyante dun. Paano ba naman kasi? May nakalagay pang "Ano kaya ang pakiramdam kapag hinalikan mo ako sa labi?"

Hindi lang 'yon, may mas malala pang nangyari sa akin... Yun ay ang...

**

"Yanna, sorry na talaga! Hindi ko naman alam na nandun pala si Kulot eh!" pahayag ni Eunice. Yung librarian yung tinutukoy niyang "Kulot".

"Paanong hindi mo alam? Librarian yun, Eunice! Malamang nasa loob yun ng library. Wag tanga, please," sabi ko habang nagma-mop sa corridor.

"Hiyang-hiya na talaga ako," dagdag ko saka bumuntong-hininga.

"Si Kulot naman kasi talaga ang may kasalanan. Hindi ko alam na ganun pala siya kasama," wika niya.

Ako rin... Hindi ko akalaing magagawa niya yun.

**Flashback**

Pagkatapos niyang basahin yung nakasulat sa papel. Sakto namang pumasok si Top sa library para matulog. Paborito niya kasing tulugan itong library kasi tahimik kaya naging paborito ko na rin itong tambayan tuwing vacant ko. Dito naman ako nagsusulat sa diary ko. Mas feel ko kasing magsulat sa diary ko habang nakikita ko siya.

Nagsusulat rin ako ng letters para sa kanya. Pang 126 na letter ko na yung binasa ng librarian ngayon-ngayon lang.

"Villafuerte," napatigil si Top sa tapat ko, malapit sa librarian. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya.

Inabot naman sa kanya ng librarian ang letter ko.

Napanganga ako nang sulyapan niya lang ito.

"I don't fucking care," madiing pahayag niya.

**End of flashback**

Feeling ko namumula na naman ako ngayon. Kinikilig talaga ako kapag nai-imagine ko yung blangko niyang mukha habang sinasabi ang katagang "I don't fucking care."

One-Sided LoveWhere stories live. Discover now