Heartbreak #7

164 9 0
                                    

Always listen to your heart because even though it's in your left side, it's always right.

**

Top's Point of View

"Bayad po!" halos pasigaw na sabi ng babaeng kakasakay lang sa jeep dahil sa sobrang lakas ng sounds ng driver.

Hininaan naman ng driver ang sounds saka nagsalita.

"Saan 'to, miss?"

"Sa Pag-ibig Street po. Hindi married, hindi taken, walang ka-M.U. single lang po. Walang manliligaw pero naghahanap ng makakasama habang buhay," wika ng babae.

"Bayad po," sabi ko saka inabot ang bente pesos ko.

"Kanino 'tong bente?" tanong ng driver.

"Sa puso kong sawi. Sa Pag-ibig Street po. Single since birth. Walang nililigawan pero naghahanap ng mamahalin habang buhay," sabi ko saka napatingin sa babaeng katapat ko.

Namula naman siya nung napansin niyang tumingin ako sa kanya. Hindi man niya nakita ang mga mata kong nakatingin sa kanya dahil sa suot kong shades, naramdaman niya ito kaya siya namula.

Tumigil ang jeep nung nasa Pag-ibig Street na kami. Sabay kaming tumayo para bumaba nung babae kaya nagkabunggo ang mga braso namin. Muntik pa siyang matumba pero hinawakan ko agad ang baywang niya para hindi siya matumba.

Dumiretso ako sa coffee shop at umupo sa bakanteng upuan. Malayo ito sa bahay at sa school kaya paniguradong walang makakakilala sa akin dito. Palagi ko ring dala ang cap at shades ko pang disguise. Masyado kasi akong sikat at nakakairita na.

Huhubarin ko na sana ang shades ko nang biglang may umupo sa upuan na nasa harap ko.

"Pwede ba akong makiupo?" tanong niya.

Siya. Siya yung babae sa jeep kanina.

Tumango ako bilang tugon.

"I'm To—Hell," sabi ko na lang bigla.

Hindi ko rin alam kung bakit ba ako nagpapakilala sa babaeng 'to. Hindi naman ako interesado sa kanya.

Pero hindi naman ako as in nagpakilala eh. Hindi naman Hell ang pangalan ko. Ako si Tophet Villafuerte. And according to Merriam-Webster Dictionary, Tophet means hell or gehenna—a place or state of misery.

Rape victim kasi si Mommy. Sila na ng kinilala kong ama bago ako aksidenteng nabuo. Nilayuan ni Brandon (asawa ni Mommy na kinilala kong ama noong bata pa ako) si Mommy nung nalaman niyang nabuntis si Mommy ng hayop kong biological father. Sobrang nasaktan si Mommy noon. Kulang pa ang salitang masakit sa naramdaman niya noon. Nagahasa na nga siya, nabuntis na siya, nilayuan pa siya ng mahal niya. Ang saklap ng dinanas ni Mommy nang dahil sa akin at sa hinayupak kong ama.

Wala siyang ibang sinisi kundi ang gago kong ama at ako, ang gago niyang anak. Kaya naman parang ipinaglihi niya na rin ako sa hinanakit at sama ng loob. Kaya naman Tophet ang pangalan ko. Naging impyerno kasi ang buhay niya nung dumating ako.

Binalikan din naman siya ni Brandon. Nagpakasal sila at pilit na gumawa ng anak. Pero sa kasamaang palad, hindi sila nakabuo. Samantalang nung ginahasa ng gago kong ama si Mommy, nabuo kaagad ako tapos sila ilang beses na nilang sinubukan pero hindi sila makabuo-buo.

Palagi na lang silang nagtatalo. Palagi na lang sigawan, murahan, at paulit-ulit na iyak ni Mommy ang naririnig ko. Hanggang sa dumating yung araw na naging tahimik ang bahay. Wala na si Brandon. Iniwan niya na naman si Mommy. Hindi ako naniniwalang minahal niya talaga si Mommy. Hindi ako naniniwalang mayroong pag-ibig pero nabago ang lahat ng yun nung dumating siya.

One-Sided LoveWhere stories live. Discover now