Chapter 2: The Warlords Platoon

204K 3.5K 232
                                    

Xavier Villareal

"HINDI pa ba sila titigil, huh?" kinuwelyuhan ni Xavier ang kanyang kausap na si Marco nang tumawag ito sa kanya pagkarating niya mula sa kanyang nilakad.

"Dude. Chill lang. Talagang hindi sila titigil hangga't 'di natin tinatanggap ang kanilang hamon." Tugon sa kanya ng binata.

Napaupo siya sa kanyang upuan at nanggagalaiting nag-isip sa nangyayari. Someone challenged them to a fight. Sino ba naman ang hindi magkakainteres na hamunin sila kung gayong nasa kanila ang isang titulo na halos lahat ay nangangarap na makuha na bigay ng Underground Society?

"Ihanda mo ang Platoon. Kung iyan ang gusto nila, pwes pagbibigyan natin sila. We'll let them taste what hell tastes like." Pinal niyang utos rito.

"Sorry dude. Pero h'wag ako ang utusan mo d'yan. Alam mong puro execution lang ang gusto kong gawin at ayaw kong nagsasalita sa harap ng Platoon."

"Hindi ka talaga kung minsan maaasahan, Marco." Wika niya rito.

"Well, Silent Keeper always a Silent Keeper." Pagbibigay diin sa codename nito sa kanilang grupo.

"Oo na. Pakitawag nalang si William. Si William nalang ang ipapatawag ko siguro naman wala ka nang reklamo?" isa pang pagtatanggi nito at talagang makakatikim na ito sa kanya.

"Oo na." Pagsang-ayon nito at saka tumalikod at umalis sa kanyang kwarto while waving his right hand as a sign of leaving.

SABAY silang lumabas ni William matapos mapag-usapan ang mga gagawin nila sa humamon sa kanila. Mahirap lamang ito kausap kung minsan ngunit ito naman ay maasahan. But having a friend in a group like him makes his head turning like a spinning bottle. Sa sobrang kabibuhan kung minsan ay puro dada na lamang ito at hindi na mapigilan.

"Gather around, Warlords." Utos niya sa tatlo pang kasamahan sa grupo.

Tumalima ang tatlo at lumapit sa kanila ni William.

"Kakalabanin natin ang Black Lily Gang mamaya—"

"Oo, exciting ito mga 'tol! Bakbakan uli!" singit ni William.

"Tama, kaya naman tutu—"

"Tuturuan natin sila ng leksyon sa pangbabangga nila sa atin. At kahit babae pa sila ay hindi natin sila sasantuhin."

Badtrip ang kanyang mukhang nakatingin kay William. Napakadaldal talaga.

"Kaya naman, kailangan niyong konta—"

"Kontakin ang—Aray!"

"Isa pang singit mo William at talagang 'di kita pasasalihin dito." Pagbabanta niya sa lalaking ito dahil sa katabilan ng bunganga.

"Sorry! Tuloy mo na."

"As I was saying, kontakin niyo na ang lahat ng ka-gang natin para madali nang matapos ang laban na ito." Utos niya bago muling bumalik sa kanyang kwarto.

AGAD na dumating ang kanilang grupong Warlords Platoon sa venue ng sinabi ng Black Lily. Ando'n narin ang tatlong miyembro ng Black Lily. At para sa kanilang mga mga impormasyon...

Gang Name: Black Lily

Members: Black Rose (Leader), Blue Tulips, and Pink Lavander

Gangster's Status: 3rd Powerful female gang in whole Asia.

Pinauna ng atake ni Xavier ang mga kasamang kanyang nakalap maliban sa kanilang lima.

Gang Name: Warlords Platoon

Members: Xenon (Xavier— Leader), Silent Keeper (Marco), VoiceBox (William), Solemn Hacker (Harold), Gate Crasher (Charles).

Information: Top 1 Powerful Gang and the most promising group because of their numbers, they were composed of estimated 1000+ members from different gangs that made them to be ranked as one of the largest group.

Xenon was entitled as The Emperor of Gangsters because of his undeniable physical strength that no one can be beaten.

Halos paubos na ang mga ka-miyembro nila dahil na rin sa lakas ng Black Lily. Nang matapos nila ang mga miyembro ng Warlords Platoon ay tumingin sila sa mga ito.

"Kapag nagalusan namin kayo sa kahit na anong paraan ay kami ang pipili ng magiging boyfriends namin sa inyo." Aniya ni Tulips sa tono na may pang-aakit.

"Kapag nagalusan namin kayong lahat." Pag-uulit ni Lavander.

Napangisi naman ang leader ng Black Lily. "At kapag nagawa namin kayong magalusan at nakapili na kami ng magiging boyfriends namin mula sa inyo ay tatanghalin niyo akong The Empress of Gangsters. Okay ba 'yon?" Isang mapang-akit na titig ang pinukol ng babae sa kanya.

Nanatili siyang tahimik at si Gate Crasher na ang sumagot sa mga ito.

"Kaya niyo kaya? We'll see girls. At kapag hindi niyo 'yon nagawa at natalo kayo, makikipaglampungan kayo sa Pig Gang."

Halata namang nagulat sa kondisyon nito ang Black Lily. Ngunit dahil napasubo na sila rito at desperadong makuha ang titulong Empress of Gangster ay...

"Deal." Pagpayag ni Black Rose.

Hindi inaasahan ng Black Lily ang mga sumunod na nangyari. Nagulat ang mga ito nang biglang lumitaw sa likuran nila si Silent Keeper. Huli na para sa umiwas sa atake dahil kaagad na hinawakan ni Silent Keeper ang paa ni Lavander nang sumipa ito, inikot at palibag na binato sa dalawa pa nilang ka-miyembro.

"Tapos na ang laban." Untag niya at akma nang tatalikod nang muling nagsalita si Black Rose.

"Diyan ka nagkakamali, Honey..."

Nagulat siya dahil may galos ng shuriken ang apat na kasamahan nito.

"Mukhang hinagis nila ang mga blades ng pinaikot sila ni Silent Keeper" bulong niya sa kanyang sarili.

"So pa'no ba iyan ikaw nalang ang natitira."

"Sumuko ka na dahil tatlo kami isa ka lang."

"Oo nga Honeybunch... Gawin mo nalang kasi akong Empress mo."

Napangisi na siya nang tuluyan sa mga pinagsasasabi ng mga babaeng ito. Palibhasa mga desperada.

"Hindi inaalam ang pagkapanalo sa bilang kung ilan kayong natitira sa grupo."

Siya'y tumakbo sa tatlo. Sa 'di inaasahan niyang galaw, ang tatlo ay walang nagawa kung'di ang ibato na lamang ang mga hawak nilang shurikens. Ngunit lahat ng iyon ay kanyang nailagan. Nang wala nang mabato ang mga babae ay saka niya pinagpupulupot ang mga braso nila na parang goma.

"Mukhang hindi niyo inalam ng lubusan ang kinakalaban niyo."

Iyon na lamang ang kanyang nasabi at 'agad siyang lumayas sa lugar kasama ng mga kasamahan nito habang namimilipit sa sakit ang mga dalaga.

"Walang kakupas kupas, Xenon." Sabay akbay ni William sa kanya.

Location: Warlords Platoon HQ

"HAROLD, nahanap mo na ba ang pinahahanap ko sa'yo?" tanong niya rito at naupo sa kanyang trono sa kanilang meeting table.

"Yeah. Nakuha ko na 'yung program software na ginamit upang itago yung issue tungkol kay—" hindi na niya ito pinatapos pa.


"Gano'n ba? Pakihatid nalang ang mga iyon sa table ko sa kwarto mamaya. I'll go ahead, I need some rest." Alam nilang nagbago ang timpla ng kanyang mood sa inuutos niya kay Harold.

Dumiretsokaagad siya sa kanyang kwarto at umupo sa gilid ng kama.Tahimik lamang niyang iniisip muli ang nangyaring iyon. Pangyayaring nagingdahilan kung bakit siya naging ganito ngayon. Isang pangyayaring sana'y hindina lamang niya nararanasan ngayon.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon