Chapter 12: Kissing Bandit (Part 1)

127K 2.3K 178
                                    

NOTE: Isipin niyo nalang na si XAvier yung lalaki sa picture sa gilid okay? And I'm dedicating this chapter to ImYourButterfly. Kasi no. 0 fan niya daw po ako. LOL ito na yung dedic mo. Sa GVA ko nalang nilagay. =D








                                                         Chapter 12:

                                               Kissing Bandit (Part 1)


(Xyrene)

"HINDI NGA PWEDE KASI GIRLFRIEND KITA!!! ANO 'TO? GAGUHAN LANG?" Natahimik ako sa sinabi niya. Sineryoso ba talaga niya yung pagpapanggap ko nun sa bar? Pero imposible! Itong lalaking 'to? Magseseryoso sa babae? Wow lang.

Balita ko dito kahit demonyo ang ugali kapag magalit, pagdating sa babae matinik 'to eh.

"Tell me you're joking..." Yun lang ang nasabi ko. Hindi siya patanong. It's a command.

"No, I'm not joking." He gritted.

Napapailing ako. Paano ko 'to lulusutan? Shit! Sa lahat ng ginanito ko si Xavier lang ako nahirapang gawan ng lusot.

"Now, you're not going anywhere. Naintindihan mo? Hindi mo itutuloy ang date niyo." Tinitigan ko siya.

Magkasalubong ang mga kilay nito na akala mo may umaagaw ng pagkain sa kanya.

Full of authority ang utos niya sa akin. As if no one ang may kayang bumali sa utos nito.

Para siyang hari na sa isang utos ay dapat mong sundin agad.

He's indeed deserved to be The Emperor of Gangsters.

I just nodded as if may magagawa pa ako. Darn it! This is the first time na napasunod ako ng isang tao.

Dati ako lang ang masusunod pero itong lalaking 'to. Nagawa niya akong mapasunod sa kanya.

Mejo nag-lighten ang mukha nito. Mejo nakahinga naman ako ng maluwag kasi mejo lumuwag din ang paghawak niya sa braso ko.

"So, tara na." Ayaya nito. Mejo nakangiti na siya. Yung totoo? Sino ba sa amin ang may titulo ng ka-bipolar-an?

"Malay ko sayo." Iritado kong tanong sa kanya.

"Ganyan ka ba maging girlfriend sa boyfriend mo? Masyadong masungit at mataray?" Tanong niya. Nakapoker face akong tumingin sa kanya.

"Edi mag-break na tayo. Eh sa ganun ako eh." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

Alam ko na ang susunod na mangyayare. Hahaha. Gotcha!

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon