Chapter 30: Synthetic Decision

103K 1.8K 193
                                    

"B-BLARE...?" NAPATINGIN SA direksyon ni Claire ang mga mata ni Blare. Maging ang binata ay tila natigilan sa halo halong emosyong bumabalot sa mga mata ng dalagang umusal sa kanyang ngalan.

"A-Ate..." mahina nitong usal. Kilala na niya ang kanyang kapatid bago pa man din niya nalamang kasali ito sa GVA Battle. Hindi lamang niya magawang lapitan ito nitong mga nakaraang linggo sa kadahilanang baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at mapatay nito ang dalaga.

Sa kanyang iniisip nagbalik ang sakit ng kahapon. Isang maulang gabi na nagpabago sa kanyang buhay noon...

"Ate, h'wag m-mo 'kong iwanan sa k-kanila, please?!" Naiiyak na saad ng batang Blare sa kapatid na ngayo'y nakatalikod sa kanya at naghahanda ng umalis.

"Hindi maaari." Malamig na tugon ng kanyang ate.

"Pero sabi mo walang iwanan hindi ba? Bakit ngayon ay iiwanan mo 'ko sa kanila." Nagtuluy-tuloy ang pag-agos ng luha sa batang Blare.

Sa murang edad niyang iyon ay naunawaan na niya ang ibig ipahiwatig ng pagpunta nila sa mansyon ng mga Hillary. Alam niyang ibebenta siya ng kanyang nakakatandang kapatid sa pamilyang iyon upang maitakas siya sa kahirapan.

"Bakit hindi, Ate? Sabi mo mahal mo 'ko 'di ba? Sabi mo, magtutulungan tayong dalawa. Sabi mo, walang iwanan. Pero bakit ngayon, Ate? Bakit gusto mo 'kong mahiwalay sa'yo?"

Tuluy-tuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha habang sinasabi ang mga ito. Ngunit tumigil 'ata ang kanyang mundo sa tinugon ng kanyang kapatid at tila pumatay sa kanyang puso.

"Masyado kang pabigat sa'kin. Ultimo ang mga simpleng gawain ay hindi mo man lang magawa ng sarili mo lang. Paano kita isasama kung lagi mo sa'kin iaasa ang mga bagay na kaya mo namang gawin. At saka," naramdaman niyang huminga muna ng malalim ang kanyang ate. "Nagbibiro lamang ako ng sinabi kong mahal kita. Sinabi ko lamang 'yun upang matigil ka sa kakangawa mo sa t'wing ika'y umiiyak. Nakakarindi ka kasi eh. Sarap mong busalan sa bibig."

Then with that, naglakad na ito palayo sa kanya leaving him there crying.

"I-Ikaw na ba 'yan? Mico?" Napabalik ang kanyang ulirat nang maramdamang nasa kanyang harapan na ang kanyang nakakatandang kapatid. Mico ang tunay niyang ngalan noon ngunit nang ibenta siya at ipaampon sa mga Hillary ay naging George iyon, George Hillary.

Pinagmasdan niya lamang ang mukha nitong may nagbabadya nang luha na nangingilid sa mga mata nitong mapupungay.

"Sino ka?" Kanyang tanong nang tuluyan na itong nakalapit.

Natigilan ang dalaga. Hindi inasahan ang kanyang sinambit, ngunit iwinaksi niya ito sa kanyang isipan at hinawakan ang pisngi ng nakakabatang kapatid.

Itinaboy ni Blare ang kamay ni Claire na nagbabadyang hawakan ang kanyang mukha.

Hindi! Hindi maaaring basta basta na lamang siyang hawakan nito dahil wala itong karapatan pa kahit na kailan.

"Hindi ako mahilig kumausap sa mga 'di ko kilalang tao." Utas niya at nilagpasan ang dalaga at nagpatiuna ng maglakad.

Hindi niya mapigilan ang mapakuyom ng kamao. Muli kasing bumalik ang sakit ng kahapon. Ang nakaraang mas nanaisin pa niyang hindi na lamang sanang bumalik pa. Mabibigat na mga yapak ang kanyang ginawa at mabilis na tumungo sa kinaroroonan ng kanyang half-sister. Alam niyang ito ang nagsabi kay Claire na siya ang hinahanap nitong kapatid, siya lang naman ang nakakaalam. At wala ng iba.

Naabutan niyang nag-eensayo ng boxing si Eliza ng makita niya ito. Mas binilisan pa nito ang kanyang lakad at tahimik na binibitawan ng matatalim na titig ang dalagang busy sa ginagawa.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon