Chapter 23: GVA - First Day

113K 1.7K 236
                                    

Ch. 23 – GVA First Day

MATAPOS ANG PAGPAPAKILALA sa mga kalahok ng naturang manlalaro ay bumalik na bwisit na bwisit si Xavier sa kanilang quarters o kwarto sa South Building na para sa mga Grupo ng mga Gangsters.

"Kamusta na ang pag-uusap niyong dalawa parekoy?" Tanong ni William sa kanya pagpasok pa lamang nito ng kwarto

Tiningnan naman ng matiim ng binata ang kanyang kaibigan at waring nagbibigay ng babala.

Napataas naman ng parehong kamay si William. "O bakit? Ano na naman ang ginawa ko?"

Bagkus na sagutin niya ito ay dumiretso siya sa isang sa isang sopa. Iginala niya saglit ang paligid at napansin na ang kwarto pala nila ay isang mini-apartment. Pagpasok kasi roon ay tila pumasok ka lamang sa isang sala ta's makikita mo sa kaliwang bahagi ang  kitchen at ang dining area. May sari-sariling pintuan naman ang nakapaligid sa buong area na tila ito ang kani-kanilang kwartong tutulugan.

Tiningnan niya ang mga kasama niya. "Nandirito si Cindy." Simpleng saad niya.

Nakita niya  ang pagrehistro ng pagkadisgusto sa mga mukha ng kanyang mga kaibigan nang sabihin niya iyon.

"Ano? Iyong maarte pa sa palaka na babaeng 'yun e nandito?!" Tanong ni Harold. He just nodded. "The hell man! You're doomed now."

Napapailing nalang ang iba. Alam kasi nila kung gaano ka-obssessed at ka-possessed ang dilag na iyon kay Xavier. Gulo at away lang ang naging dala ng dalagang iyon sa buhay nila nung unang beses silang sumali sa GVA. Dahil na rin sa anak ng mismo ng may pakana nang larong iyon ang dalaga, kung kaya't napag-initan at natsitsismis na sumisipsip sila para lang manalo.

“Nagkadaop-palad ba sila ni Xyrene?” Tanong ni Marco.

Tumango siya. “Kanina. Nung kinakausap ko si Xy, biglang sumulpot ang babaeng iyon.”

Napailing naman ang lahat. “Nako, ‘tol. Kung ako sa’yo. Bantayan mo na ang bawat kilos ng Cindy na ‘yan. You know what she can do sa lahat ng babaeng napapalapit sa’yo. She’s even monstrous sa lahat ng babaeng nakilala natin na marunong makipaglaban.” Babala ni William.

“Exactly, she’s capable of killing someone hindrance to her own properties.” Dugtong ni Charles.

That’s exactly his point kung bakit niya gustong paalisin na si Xyrene sa isla. Hindi lang dahil may chance na mamatay siya sa bawat round kungdi talagang mataas ang tsansa nitong mamatay talaga sa kamay naman ng Cindy Sy na iyon. And he can’t even imagine that. Ni hindi niya lubos maisip ang mangyayari sa buhay niya sa oras na may mamatay na naman nang dahil sa kanya. Katulad nalang ng nangyari sa kanya.

"Dude, alam ko kung sino yang iniisip mo ngayon. Kaya ngayon palang, kalimutan mo na muna siya please."

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon