Chapter 7: The Meet Up

130K 2.3K 148
                                    

Chapter 7:

The Meet Up

BAR.

“NASA LOOB na ba sila?” Walang buhay na tanong ni Xyrene sa mga kasama nitong sina Andrei, Eliza at Akihiro.

“Oo andiyan na raw silang lahat. Nagtext na sa kin ang mokong kong pinsan eh.” Sagot ni Andrei sa tanong nito.

Napangiti na lamang ng palihim si Xyrene sa mga pumapasok sa kanyang isipan.

“So, tara na?” Masiglang tono na may halong pang-aakit na tanong nito sa mga kasama niyang ngayon naman ay nagtataka sa biglaang pagbabago ng mood nito.

“Ayos ka lang ba Xyrene?” Tanong sa kanya ni Eliza. Halata sa mukha nitong naguguluhan sa kinikilos ng kanyang kaibigan. 

“Yeah, I’m absolutely fine.” Sagot nito na hindi nawawala sa labi nito ang isang masayahing ngiti at may halong pang-aakit. 

“O—okay…” Tanging sagot nilang tatlo.

Nagpatiuna ng lakad sina Andrei at Akihiro samantalang nahuli naman sina Eliza at Xyrene na pumasok.

“Hoy babae! Ano na naman bang laman ng nakakaurat mong utak at biglang umandar na naman iyang kabipolar-an mo d’yan?” Tanong agad ni Eliza sa kaibigan nang makitang nauna na yung dalawang lalaki.

“Huh? Anong sinasabi mo d’yan?” Nakangiti at nakapout pang sagot nito kay Eliza.

“Ugh! Alam mo kahit kailan talaga kaasar iyang pagkabipolar mo alam mo iyon! Jusko! goodluck talaga sa mapapangasawa mo.” Both hands up in the sky na sabi nito sa kaibigan.

Natatawa nalang si Xyrene sa kinikilos na pagkaasar ng kaibigan. Ngunit pagkatapos nitong mapatawa ay sumilay na naman ang isang malademonyong ngiti nito sa kanyang mga labi.

“Hoy hoy hoy! Iyang mga ngiting iyan, alam mo sa tinagal tagal na nating magkaibigan, iyang mga ngiti mong iyan ang pinakaayaw ko sa lahat.” Kinakabahang turan nito sa kaibigan.

Natawa nama siya rito. “Bakit ka naman mukhang kinakabahan d’yan, huh? May dapat bang ikaayaw sa ngiti ko?” Natatawang malademonyong sagot ni Xyrene sa kaibigan. “Alam mo tara na nga… Kung anu-ano nakikita niyo. Kakikitain lang naman natin sila ‘di ba?” Dugto pa nito sa kanyang sinabi.

“’Yun na nga e, wala nga ba?”

Imbes na sagutin siya nito ay ngumisi na lamang siya and flips her hair. Wala na ngang nagawa pa si Eliza nang hilain na siya ng kaibigan sa loob ng Bar. 

HINDI MALAMAN NI Xavier kung bakit siya nandito ngayon kasama ang mga kaibigan niya sa bar. Dapat kasi nasa bahay lang ito natutulog na. Nag-aya kasi bigla itong si Marco na magbar daw sila. Eh minsan lang ‘to magsalita at mag-aya kaya naman pumayag na silang lahat.

“Oy pare, sigurado ka bang darating pa ‘yung pinsan mong ‘yun?” Tanong ng mainiping si Charles. Iyan ang masarap minsang bugbugin eh.

“Alam mo, napaka mo alam mo iyon? Natrapik lang iyon—ay iyon naman pala na eh. OY! DITO!” Napatingin sila sa kinawayan ng kaibigan at nakita nila ang dalawang lalaking paparating sa kanila.

Nang makarating ang mga ito sa harapan nila ay tinignan niya ang mga ito. Malamang sa malamang iyong lalaking nakabrown ngayon na buhok na sobrang singkit na lalaki ang pinsan ni Marco. Wild guess lang.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon