Author's Note

420 5 0
                                    

Okay. Ito na ang kasunod ng take me back. Kwento naman ng pinakamamahal kong kaibigan. Yuk! Haha.

 Actually, medyo lumayo yata sa personality mo ito Jen. Pero kahit anupaman, ikaw pa rin ito. kwento mo to at ng mahal mong si ENZO!  Bahala kang magreklamo basta ito na yon. period.

Sa mga iba pang babasa, pasensya ulit kung may mga mali-mali. Typo, grammar, etc. again, amateur lang. gawain ko lang naman ito pag wala akong magawa o di kaya ay bago ako makipagdeal sa mga numero.

At eto na naman ang kwento ko. Na nahirapan ako sa tapatan part dahil nga corny ang part na yon. I love you, I love you too. Pwe! =D

Pero dahil doon naman talaga dapat magwakas ito ay ginawa ko na rin. Isa pa, I love happy endings kaya dapat happy ending din ang mga nobela kuno ko. Kahit pa nga maski ako ay naaalibadbaran sa mga pinagsasasabi ko sa dulo. Pero sa totoo lang, mas kinilabutan ako nung kwento ko yung sinulat ko. Eh kasi siyempre ako yung bida do’n kaya nakapangingilabot. Dito, di masyado. Pero feeling ko ulit walang karomance-romance ang isang ito. ganoon yata talaga. Kaya siguro may editor ay para sila ang magsabi kung may dating ang nobela o wala.

Mapunta muna tayo sa hero do’n sa una kong sinulat. Wala na akong feelings para sa lalaking iyon. As in no more. Mahabang kwento eh. Basta naiinis ako sa kanya! Period. Kung pwede nga lang palitan ko yung name kaya lang baka mahirapan na kayong sundan yung kwento kung bigla kong papalitan dito di ba? Pero sa copy ko, iba na name niya. hehe. Hay naku! Siya na gwapo!

Okay, moving on. Sana ay mag-enjoy kayo sa pagbabasa. Tumatanggap ulit ako ng comments, suggestions and violent reactions. Thank you nga pala kay Mary Grace Obias sa kanyang munting sulat. Special mention ka ‘te! Naappreciate ko iyong comment mo ng bongga. Salamat talaga, sana nga ay magkaroon ka ng publishing house. Hehe. Salamat sa mga nakaka-appreciate sa hobby kong ito. kahit medyo trying hard, eh ano naman di ba? 

Teka, ang haba na yata.  Oh well.  Joh-eun halu doeseyo! Weee. Pauso.

NP: I am to you and you are to me :)

When Love Takes Over (by iamwriteous)Where stories live. Discover now